Topic 1

25 5 4
                                    


Topic 1: Share something (semi-detailed) that could be possibly the reason why you indulge yourself into writing. I know you started writing long time ago but for sure you can still recall the first time you write.

simoune_
Let's say nagstart akong magsulat as a five-year old kid. Pangarap lang lahat. Noon nagstart akong magsulat dahil gusto kong sumikat. Gusto kong makilala sa wattpad at makapagpublish ng book. Araw-araw nga noon tuwang tuwa ako sa tuwing nadadagdagan ang reads ng story ko. Umabot pa ng 89k reads kaya sayang saya na ako. Wala akong paki kahit jejemon kasi nasa isip ko sikat na ko haha. Pero nung sumali ako rito, I felt like slapped. Dinelete ko yung story. Ngayon, nagsusulat ako dahil gusto ko and that's why I indulge myself into writing. I want to write so I write. I want to read something new so I write something new.

yannaselene
First year high school ako nang magsimula akong magsulat ng stories. Ang nagtulak sa akin para magsulat ng mga love stories ay yung pagbabasa ko ng pocketbooks at e-book kasi wala pa akong touch screen na phone nun tsaka wala pa yatang wattpad noon. Ayun nagtuloy-tuloy na pero napunta lahat ng sinulat ko sa basurahan. Nitong college, saka lang ako nag-type ng stories sa wattpad at dahil yun sa kababasa ko rin lang. Nakaka-inspire kasi yung mga stories. Ngayon, gusto ko pa ring magsulat pero yung totohanan na sana. Yung love story ko na, hopefully. Ang isa pa sa nagtulak sa akin para magsulat e yung prof. ko no'ng first year college ako. Napuri niya kasi yung ginawa kong script noon. Naisip ko tuloy na baka sa scriptwriting lang yata ako maayos magsulat.😂🤣

mystshade
Unang beses akong nagsulat After kong naggraduate ng elementary, sobra akong nadepress dahil noong grade six ako, gusto kong maging isa sa mga scriptwriter ng story namin pero dahil wala silang tiwala sa akin, at mga kilalang classmate lang namin ang binibigyan ng atensyon, hindi nila ako binigyan ng chance.
Kaya sabi ko, magkakaroon din ako ng chance na makagawa ng story, na meron din naman akong talent kahit papaano.
Pero ewan ano nang nangyari sa akin😂😂😂😂 K. Bye

unsolvedestiny
Unang beses ako nagsulat noong 2005. Mga 13years old ako noon. Frustrated kasi ako masyado dahil di ako kaya pag-aralin ng magulang ko ng Digital Animation sa Ateneo. Eh gustong gusto ko maging animator sa Japan. Kaya binasa ko lahat ng Japanese life style, school, literature, beliefs, practices, history and all about Japan (nakalimutan ko na nga iba eh sa dami. Haha) para kako pagpunta ko sa Japan eh di ako mahihirapan mag adjust.
Kaso di naman ako makakapunta ng madalian gaya ng plano ko bilang animator kaya naisip ko magsulat ng book/manga na Japan based. Di ko papasikatin sa Pinas kundi Japan.
Itatranslate ko sa nihongo pagnatapos. Saka fantasy ang genre kasi mostly na anime na napapanood ko fantasy.
May natapos ako nun actually sa note book tas nabasa nga un ng mga batchmate ko kaso kapag binabalikan ko now nasusuka na ako.hahaha
Year 2008 naisip ko na ang concept ng PE. then dig deeper reaserch about Japan. So 2015 natapos anv buong plot ng almost 2k chaps. Hahaha
The main reason bakit di ako nagsusulat ng book na pinas ang setting. Usually Japan.
Kasi andun ang puso ko at kaluluwa nakatira. Dun ko dadalhin lahat ng imagination ko dahil frustrated ako maging animator.

PrincessMela
Nagsimula akong magsulat ng kwento nung Grade 2 ako. Seatwork kasi yun. Tanda ko pa nun Magic Pencil title nun. Nagsasalita yung lapis. 😂😂😂 Ang inspiration nun Doraemon. 😂 Ewan ko ba. Yun dun nagstart yun kaso tinamad ako mag isip ng kwento kasi di naman seatwork eh walang grades. 😂 Then nung highschool ako, sumali ako sa School Publication, syempre may Literary dun, doon nahubog ang pagsulat ko sa poem. Kaso sa story, legwak. Ang corny corny. As in! Kaya ayon sineryoso ko, nagpractice ako hanggang sa sinukuan ko na kasi sa poem lang talaga ako. 😂 Tapos may mga pailan ilan na script writing, ayun pwede na. 😂 Pero di perfect. Hanggang sa may mga putol na story sa ebook, sa wattpad pa babasahin kaya napunta ako sa wattpad at doon namulat ang mata ko. Sabi ko gusto ko din! Nakakainspire si Ate Denny kasi ang galing niya talaga at ang dami niyang stories. Sabi ko gusto ko rin maging kagaya niya. Kaya ginawa ko yung Pag ako nagka-boyfriend. Mapapansin niyo na ang writing style eh kagaya nung mga uso noon na maraming POV. 😂 Gandang ganda ako don! Umabot pa ng 2.4k reads tapos pagsali ko dito wala palang kwenta yung story na un. HAHAHHA. Lintik na buhay. Kaya yon ni-revise ko po. Basahin niyo revised version guys! Nasa profile ko po. 😊 (Nag promote pa eh no? 😂)

msAtura
Hi😊 Goodaftie.
Share ko muna sagot ko, kahit na nahihiya akong isend lalo na nung nabasa ko mga awesome na sagot niyo. Lalo na yung kay ate shane (Walang wala yung akin lels😂)
So ayun nga, mahilig na akong magbasa ng mga pocketbooks ng ate ko dati pati na rin mga Ebooks ng CP niya (pag tulog siya sa gabi😂). Gusto ko magsulat ng mga kagaya nun kaso di ako bilib sa sarili ko kaya di ko ginawa.
Lumakas lang loob ko nung grade 7 ako. Yung napanood kasi naming play sa theatro, pinagawan din kami ng sarili naming version. Alam ng mga classmate ko na mahilig ako magbasa kaya sakin inassign yung script. At first pabebe pa ako eh😂 pero napilitan kasi tinakot ako ng seatmate/ bessy ko na di nila ako isasali sa project kaya ayun gora si ako. Puring puri ng mga classmate ko yun gawa ko, gayang gaya daw sa napanood namin. After nun nagsulat na ako ng story, bilang isang batang bilib na bilib sa sarili 😂 tinuloy tuloy ko na. Sa notebook muna, hanggang grade 8 ganun tas pinapabasa ko sa iilan kong kaibigan tapos natutuwa ako pag nakikita silang naeenjoy, nabibitin sa mga sinusulat ko. Then nung nagkacellphone ako at natuklasan ko si watty dun ko na tinuloy tuloy since naeenjoy ko na talaga. Yung mga story ko na gandang ganda ako dati saka pinagmamayabang ko sa mga kaibigan ko, tinatawanan ko na lang ngayon sa sobrang kajejehan jsko hahaha.

daneigha
First time kong mag share ng ganito so here it is..

Nag simula to noong Grade 6 lang ako. Back then, hindi pa ako masyado sa Wattpad, kasi noon ebook lang eh at pocketbooks yung gamit ko. My tita used to buy me a novel books like Twilight, The Fault In Our Stars, Harry Potter, etc. pero simula nung nadiscover ko yung Watty doon na ako nag malagi. Hahaha, una kong nabasa noon sa Watty is yung TFBBAM, tapos sumunod yung Sana ni aly_loony then nag sunod sunod na. Actually, noon wala sa plano ko yung mag sulat ng story. But then, na inspire ako sa mga stories nila na yung tipong gusto ko na ding mag sulat ng ganoon. So ayun, may isa din kasi ako noong kaibigan na pangarap maging writer so ayun doon kami naging close at nahawa ako sakanya. Yung una kong sinulat na story na yun is nasa notebook pa na napublish ko na sana ngayon kaso nawala ko yung notebook na yon. Sayang hahaha! Tapos nung Grade 8 ako, yung mga classmates ko nalaman nila na nag susulat ako, palagi na nila akong tinuturong scripwriter sa tuwing roleplay ang performance task namin, katulad ngayong Grade 9, ako na naman yung pinag sulat nila sa Musical Theatre namin. Pero seryoso napapangitan ako sa mga works ko, kaya minsan pansin niyo yun sa Watty Account ko publish-unpublish yung ginagawa ko. But after all enjoy ko naman ang pag susulat. Kasi lahat ng naiimagine ko naisusulat ko eh (Kahit di ko natatapos! HAHAHA lol) Yun laaaang!

Jaycematic
Bago ako magsulat ng story, naging palakinig muna ako ng mga exaggerated story ng mga bungangera kong pinsan. Naiimagine ko ang mga sinasabi nila kahit nakikinig lang ako habang nakatingin sa elastic nilang bibig. Until one day, grade 5 ako nun. Ipinanlaban ako ng school namin sa ibang school nung reading month sa municipality namin, sa story retelling category. After naming magbasa ng isang story, kailangang i-retell namin sa mga judges ang mga kaganapan sa story na binasa namin. Siyempre bata pa ako nun, tapos masiyado akong kinabahan lalo na nung nakita ko na ang mga matataas na kilay ng mga judges. Kaya nung nalimotan ko kung anong susunod na pangyayari sa story na binasa ko eh nagimbento nalang ako ng mga pangyayari maitawid lang ang next na scene na alam ko. At dahil sa lumihis ang sinabi ko doon sa story na binasa ko ay naging third place lang ako . Subalit hindi ako nanghinayang dahil doon ko nadiscover na marunong pala akong gumawa ng story within my imagination alone. Grade 7 akong magsimulang bumasa ng ebook, nanghiram lang ako ng cellphone sa kaklase ko noon. Tuwang-tuwa ako sa story na iyon kaya lang hinda ko matanggap ang ending kaya gumawa ako ng sarili kong story sa notebook sa paraan na magugustohan ko ang ending... grade 9 ako nang sinimulan kong bumasa ng english novels dahil sa mga kaibigan kong pinupush ako na magbasa nung magandang libro daw, hangang sa ginawan nila ako ng watty account, at pinapabasa ako ng mga story na nabasa na nila. napakadami kong binasa na story sa watty noon pero hindi ko natatapos basahin, hanggang sa nabasa ko ang tfbbam ni tina lata na sobrang nagpainspired sa akin. Dahil doon sinimulan ko ang pagsusulat sa watty at gumawa ng unique na story na hindi ko pa nababasa kailan man...

Points to remember:

📌Two Types of Writers: Plotters and Pantsers.

Iyong plotters, may sinusundang outline. Ang pantsers po walang physical copy. Parang nasa isip lang. Ang advantage ng plotters iwas writer's block. Ang advantage ng pantsers naman ay madaling mag-adjust 'pag may bagong idea.
(credits to simoune_)

📌Writers and authors have their firsts-first draft, first published story, first failure, and first victory. Whatever pushed you to enter the writers' world, we hope you will not leave the world so easily. Remember all your firsts as a writer and use them to become better.

Writing Tips & Advices from WWG MembersWhere stories live. Discover now