Topic 2

13 5 4
                                    

Topic 2: Since karamihan sa inyo ay base sa pagbabasa ng stories ang nagtulak para magsulat, anu-ano naman ang nakuha n'yong tips o useful things na nagagamit n'yo sa pagsusulat ngayon?
*Ano ang main reason mo kung bakit ka nagsusulat?

mystshade
Wag maglabas ng character na hindi magamit unless may purpose talaga siya sa kwento.  Hindi yung nilagay mo lang kasi bet mo, ganun.  Kasi magugulo ang kwento tapos dadami ang characters na di naman gumagalaw.
Main reason kung bakit ako nagsusulat? Yun ay ang hanapin ang sarili ko.  Minsan napapaisip ako, ako nga ba talaga ang gusto ko?  Bakit parang minsan hindi ko kilala ang sarili ko?  Kung minsan tinatanong ako kung ano ang pangarap ko, paiba-iba ako ng sagot dahil mismo ang sarili ko, hindi ko kilala. Kaya nagsusulat ako ay para makilala pa ang totoong ako.

Striver_Amber
Dapat detailed lahat ng kilos ng mga characters...'Wag padalos-dalos

*Ano naman main reason niyo sa pagsusulat? Bukod sa dahil na-inspire ka magsulat dahil sa isang kwentong nabasa mo.
Nahikayat akong magsulat kasi...Ito lang way para ilabas yung totoong nararamdaman ko...😅

simoune_
Marami. Haha hindi ko na nga mabilang e. Una wag maraming spaces. Pangalawa, wag maglagay ng hahahaha. Pangatlo, huwag pa-fame . Yung susulat ka para sa fame. Nono. Pang-apat, dapat gumamit ng isang punctuation lang. Pang-lima, maglagay ng apostrophe. Pang-anim, wag kang plagiarism. Pangpito, Wag Papalitpalit ng POV. Pang-walo, wag cliche. Pang-siyam, wag gumamit ng sound effects. Marami pang iba di ko lang maisa-isa.

*Nahikayat ako magsulat dahil gusto ko. Haha dito ako masaya. No other reasons.

daneigha

Ang nakuha kong tips or useful things na magagamit ko(namin) sa pagsusulat ngayon ay una, yung grammar. Not only in English, pati din sa Wikang Filipino. Like yung Nang vs. Ng, Nalang vs. Na lang. Nalang is wrong, Na lang is right. Then next is the usage of punctuatios. Like example "Hanna, yung ballpen mo nahulog", "Mom, can you buy me some food?". Another, yung nasosobrahan ng question mark like "Do you like me???" imbes na isa lang eh naging tatlo na. Third, title gone wrong. That feeling pagkabasa mo pa lang sa title alam mo na yung story eh katulad nung "Mr. Cassanova meets the Nerd" oh diba? Mas maganda yung title mo catchy, yung tipong 1-3 lang yung title, kasi feel ko mas nakaka curious yung ganon tapos mapapatanong yung reader "bakit kaya ganon yung title?". Last, yung character personalities. Ang pangit naman kung yung bidang character mo matapang lang sa una tapos sa last mas kawawa pa sa pusang gala. Dapat kung ano yung personality niya sa una, ganon pa rin yung personality niya until the end of your story. Pero kung yun ang mag papaganda sa flow ng story, then why not? Yun lang.
*Main reason bakit ako nag susulat dahil gusto ko. Actually, I don't even know why am I writing stories. At first, talagang inspired na inspired ako sa pag susulat pero habang tumatagal minamahal ko na to and here I am. Takot lang kasi talaga akong mag publish ng story ko eh 😂

unsolvedestiny
Ako.. Hindi talaga tips ang nakuha ko dito kundi friends na naniniwala sakin na kaya ko magsulat sa watty. Dito ko nafeel na hindi ka nag iisa sa watty habang nagsusulat. May mga makakasama ka at may mga kaibigan ka rin na kapwa mo writer na nagsusulat din. Pero ang pinakanatutunan ko dito ay ang magsulat ng biglaan. Un bang walang plano tas kailangan mo makaproduce ng isang katha. At limited pa ang word count. Di kasi ako sanay sa biglaan. Usually pinaghahandaan ko. Pinakamaikling plotting ko 6 mos. Pero dito natuto ako ng one shot ng mabilisan.

PrincessMela
Wala akong nakuhang useful tips sa mga nabasa Kong stories na naginspire sakin magsulat kasi kahit sikat na authors dati ay jeje😂
*Main reason kaya ako nagsusulat ay dahil gusto ko maipakita Kung anong naidulot sa akin ng Guild na ito. paano ako binago bilang writer sa napakagandang way. Pangalawa, may gusto akong patunayan sa sarili ko, na May mapapala ako sa pagseseryoso ko ng pagsusulat. pangatlo, gusto ko mabawasan ang tinatawag na toxic sa Wattpad kaya ito ako nagsusulat ng SPG na May meaningful story di lang basta parang porn. 🙄 Lastly, pangarap ko maging writer. di ko childhood dream, dahil lang sa WWG kaya naging pangarap ko. at higit sa lahat, masaya ako kapag nagsusulat. Bumubuo ako ng sarili kong mundo at naeexpress ko iba iba kong side. 😊

Miss251
Answer: Ahm, marami po. Pero ang pinakamahalagang tip na nakuha ko eh yung 'wag gagawa ng story nang walang plot. 😃
*Main reason po kung bakit ako nagsulat dahil labasan ng sama ng loob. At tsaka masaya ako tuwing nagsusulat. Hehe.

yannaselene
Marami akong natutunan sa mga nabasa kong stories pero yung mga akala ko noon na maayos at tama, mali pala. Natutunan kong mas maging conyo at jeje writer noon. Ngayon, iniiwasan ko na pero minsan lumalabas pa rin ang kapabebehan ng character ko. Pabebe yata ang author kaya gano'n. Dito ako sa guild natuto ng maraming kapaki-pakinabang at tama na mga bagay-bagay, actually. Nakakahiya man pero college na ako nang matutunan ko ang ilang mga simpleng bagay lalo na sa grammar (nvm my major😭). Sa mga authors din marami akong natutunan. Hello kay ate Shane! Dami kong natutunan sa'yo ate. Isa na lang ang hindi—ang mag-seryoso sa pagsusulat. Magagawa ko rin 'yan.👊Hello din kina Kuya Aki, Apol, Kuya Glen, at sa lahat ng members, may natutunan ako sa inyo.☺️Tunay 'yan! Sa mga sikat na authors sa watty at sa kanilang stories, ayun! Napansin ko na mahuhusay ang ilan sa kanila na gawing wattpad addict ang reader! 😂I mean, magaling silang mang-hook ng readers' interests, mag-describe ng setting, at mag-narrate ng events. Hanga ako sa authors na napapaiyak at napapatawa ako sa pagbabasa ng stories nila. Hindi ko pa natutunan 'yan pero soon makakaya ko na rin 'yan. Sanaaaaa!🙏Natututo na ako nang pakonti-konti kasi napapag-compare ko ang kaayusan at kagandahan ng mga latest write-ups ko doon sa mga nasulat ko 2 or 3 years ago.☺️
*Main reason kung bakit ako nagsusulat?
Actually, ilang buwan ng tengga ang imagination at writing skill ko(kunwari meron😂). Pero ang main at only reason ko talaga kung bakit nagsusulat ako (except kung requirement) ay para mailabas sa magulong utak ko ang mga nai-imagine kong scenes. Okay lang kung ako lang ang makapagbasa ng isinulat ko ('di ko sadya pinapabasa sa kakilala ko 😂) dahil para sa akin, once na naisulat ko na yung nasa utak ko, nagkakaroon na ng buhay at possibility na magkatotoo ang mga in-imagine ko lang. Ako na ang pinakamasaya sa buong mundo kapag naging movie o TV series ang sinulat ko. My greatest dream actually is to be one of the writers of Kdrama na pagbibidahan ng mga idols ko.❤️Si ate Shane na sa manga series, may chance siya diyan. Taga-panood na lang ako ng anime.😂

Points to remember:
📌Write what you want to read.
📌Every character you include in your story must have purpose/s in your story.
📌When it comes to writing, learn from your mistakes and never repeat it again.
📌You can create a one of a kind literary piece if you will always allot a room for improvement. Keep on writing and growing.

Writing Tips & Advices from WWG MembersWhere stories live. Discover now