Prologue

906 15 3
                                    

Nakaharap ako sa salamin tinitingnan ang sarili ko. Ang sarili kong hindi ko batid kung ako nga ba talaga. Sarili kong tawagin ngunit hindi ko lubusang kilala.

Tumitig pa ako sa babaeng nakatayo sa harap ko. Sino ka nga ba? Ano ka nga ba? Tanong na paulit ulit na umiikot sa aking isipan at ilang beses na nasagot ngunit hindi parin sapat, may kulang. Hindi ito buo.

Napabugtong hininga ako. Maya maya ay nakarinig pa ako ng pagkatok mula sa aking pintuan. Dinampot ko ang suklay sa gilid ko at nagsimulang magsuklay.

“Pasok po.” sinabi ko sakto lang upang marinig ng nasa labas.

Binuksan naman niya ang pintuan ko saka umupo sa kama ko at tumitig saakin na nagsusuklay sa harap ng salamin.

“Anak nagaalala ako sayo.” mahinang sinabi saakin ng aking ina.

Inilagay ko ang suklay sa gilid saka lumapit kay mama at yumakap. Yumakap din naman siya saakin pabalik.

“Ma sino ba namang hindi mag-aalala saakin? Yung maganda niyong anak aalis na upang mag-aral sa malayo e.” biro ko pa habang nakayakap sakanya. Bahagya naman kaming natawa sa aking sinabi.

Kumalas sa yakap si mama saka ako tiningnan ng mabuti at ngumiti.“Make me proud anak.” aniya.

Tumango naman ako saka ngumiti din pabalik.“Oo naman po mama.”

Kailangan kong sundin ang sinabi ni mama. I will make her proud. Alam kong mahirap pero kakayanin. Para saan pa  ako si Astrid? Kakayanin ko to. Makakaya kong pumasok at magtagal sa Valiant Academy.

Valiant AcademyWhere stories live. Discover now