Chapter 8

440 10 3
                                    

Astrid's POV

Huminga muna ako ng malalim bago inisip lahat ng gagawin ko. Nang hanada na ako ay pumunta ako sa ginta at saka ginawa ang spell na nasa isip ko. Lumamig bigla sa kinatatayuan ko pero nawala ding bigla kaya ang ibig sabihin nun ay nagawa ko na. Pero sana hindi ako nagkamali kagaya nung nakaraan kung hindi ay malalagay akobsa alanganin.

“Tawagin mo na ang guardian mo Astrid.” sinabi ni Ms. Genivive.

Tumango ako.“Nixon.” tawag ko at agad naman siyang nagpakita sa guardian form at hindi sa human form niya.

Nakiramdam kami at ni isa ay walang nakakilala sa kanya at kung anong klaseng guardian o type siya. Kaya sunod kong tinawag si Xerxes.

“Xerxes.” at ngayon naman ay si xerxes.

Napangiti ako saka nagpatuloy. Mukhang nakuha naman nila ang gusto kong iparating kaya naman pumorma si nixon saka nagkaroon ng apoy sa buntot niya.
Si Xerxes tumahol ng tatlong beses saka nagkaroon ng itim na usok nabumabagay sa kulay itim at puti niya balahibo. Inasinta nila ang napakalaking bato at nakagawa sila ng butas ngunit hindi gaano kalaki pagkatapos nun ay umatras na kami. Napabugtong hininga nalang ako saka napatingin sa itim na usok na nakapalibot kay Xerxes.

Ayaw ko mangisipin pero may naalala ako sa usok na iyon. Posible kayang kilala niya sila? Sinabi nila na wala na akong maisesekreto sakanila kaya malamang pati sila ay kilala na nila Nixon at Xerxes. Ah basta! Mamaya ko na iyan proproblemahin.

Gaya ng plano average type ang nakuha nila dalawa.

Sumunod na si Sin na ganoon padin kumikinang ang isang hikaw niya sa tenga at tila walang paki sa ibang nakapaligid sa kanya. Tinawag agad niya ang guardian niya na si Vortex. At gaya ng una ko itong makita ay natakot ako lalo na ng binuka nito ang kanyang kamay at may lumabas na mahabang espada. Sumakit bigla ang ulo ko na ipinagtaka ko. Gumaan din agad ng hinawakan ni Xianne ang kamay ko. Nginitian ko siya at nagpasalamat. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko ng hindi na niya binitawaan pa ang mga ito.

Naramdaman ko nalang ang balahibo ni Xerxes at Nixon sa paa ko. Tila tinatanong kung maayos lang ba ako.

Okay lang ako. Sagot ko sa isip ko.

Mabuti naman. Ani ni Nixon.

Bigla ay lumitaw si Headmaster Iversone Silverstine.“Binabati ko kayo sa inyong matagumpay na guardian hunting at sa mga hindi pinalad, may susunod pa kayo napagkakataon sa susunod na taon. Ngayon gusto lamang na sabihin na.” huminto muna siya ng saglit at tiningnan kaming lahat at ngumiti.“Marami pa ang magaganap kung kaya't gusto ko na ibigay ninyo parati ang lahat ng inyong makakaya.” ngumiti pa uli siya at sinabi “Naway magtagumpay kayong lahat.” ay saka siya tila parang bula na biglang nawala.

Pumalakpak kami.“At ngayon ay dito na nagtatapos ang ating araw. Bukas ay kailangan handa na kayo para sa unang physical training ninyo, maliwanag?” tanong ni Ms.Genivive.“Opo!”naman ang lahat ng sagot namin.

Sabay naming pinabalik saamin ang aming mga guardian. Sabi ni Ms. Genivive na sa unang pagbabalik namin ay magiging accessories namin sila. Maliban dun sa pagawa namin ng ritual.

Tumingin ako kay Sin mukhang alam ko na ang accessories na naging si Vortex. Nawala kasi yung kumikinang na hikaw niya.

Sa isang tawag namin sa pangalan nila lilitaw o mawawala sila. Nang maisagawa kasi namin ang ritual naging iisa na kami at ang aming guardian kaya kapag namatay kami ay mawawala sila depende nalang kung gumawa kami ng kasulatan na magiging guardian sila ng aming magiging anak sa hinaharap. At kapag sila naman ang nawala babalik lamang sila sa kanilang mundo at hindi na maalala pa ang naging master nila.

Valiant AcademyWhere stories live. Discover now