Chapter 9

234 7 0
                                    

Astrid's POV

"Iisa lamang ang lupang kinabibilangan nila pero hinati ito ng lumikha saatin at medyo nagkagulo gulo ng magsimula na ang hatian. Bigla kasing naglaho ang mga demons sa East Realm ngunit buhay pa sila. At sinabing magkamatayan na hindi nila sasabihin kung nasaan o paano makakapunta sa kanilang tinitirahan. Ang magsabi ay isang napakalaking taboo sakanila." lumakad siya saglit. "Na kahit sasabihin mo palang ay naglalaho kana."

Grabe naman. Tikom talaga lahat ng mga bibig ng mga taga East Realm, ang mga Demons.

"Batid ng mga taga South West ang nangyari ngunit wala silang ginawa o sabihin nating wala silang magawa. Alam nilang dapat ay magkasama sila ngayon pero alam din nila na tama itong desisyon sapagkat umusbong ang isang propesiya na sinabi ng oracle. Hindi batid ng kahit sino kung ano ito sapagkat tanging ang mga pinuno lang ng bawat realm ang may alam." bumalik si sir sa desk niya saka umupo doon.

Nagtaas ng kamay si Yven."Sir! Nangyari napo ba ang proposiya?" tanong niya.

"Hindi natin alam kung ano ang propesiya pero haggat buhay pa tayo ibig sabihin ay hindi pa ito nagaganap." ani ni Sir.

Napasinghap ang iba. Samutsari ang reaksiyon nila. May gulat, takot, at naexcite. Ako? Gulat na may halong takot.

Kinuha ni sir ang atensyon namin."Sunod na realm ay ang realm ng mga sorceress at sorcerer." sa wakas realm na namin.

"Ang realm nila ay magulo." napabugtong hininga ako sapagkat totoo iyon. Walang halong biro, our realm is the messiest realm you'll ever see.

"Kakaonti lang ang mga sorcerers at sorceress dati pero malalakas sila. Nagamit lang ang kanilang mga salita ay nagagawa nilang mapabagsak ang kahit na sino." Tumango-tango pa si Sir tila may inaalala na ganoong pangyayari.

"Bawat realm ay may tinatawag na outer barrier, protective barrier saka ang inner barrier. Sila ang nagenchant nito laban sa mga ghouls. Batid niyo na pinag-gigitnaan ng Nort East at North West realm ang North realm. Sila ang depensa at opensa natin laban sa mga ghouls namakakatakas doon. Ang kasaysayan din nila ang isa sa hindi makakalimutan. 50 years ago may isang sorceress na kilala ng lahat. Si Soleil Amadeus." napatango kami.

Syempre kilala namin siya. Alam namin itong kwento niya, saulo panga namin e.

May pinakita na hologram si Sir. Isang babaeng nakatalikod at sumasayaw ang kanyang buhok kasabay ang hangin.

"Si Soleil Amadeus ay ang nag-iisang sorceress na nagpabagsak sa lahat ng barriers hindi lamang sa North East Realm kundi sa lahat ng realms. Nakakamangha man pero nagdulot iyon ng matinding pagkabahala at takot sa lahat. Paano nalang kapag may shadow ghoul na lumabas hindi ba?"

Sinara ni Sir ang kamay niya. "Pero agad din naman bumalik ito makalipas ang 20 minutos pero wala na si Soleil at hanggang ngayon ay walang may alam kung nasaan siya at kung bakit niya iyon ginawa."

Tumango tango kami. Isa nga itong misteryo na hanggang ngayon ay wala paring nakakasagot na kahit kami ay walang makitang sagot kung nasaan at bakit niya iyon ginawa.

Noong mga bata pa nga kami ni Xianne si Mama ang nagkuwento niyan kaso lagi niyang itinitigil at bigla nalang na napapabugtong hininga. Sinabi pa niya na paano daw kapag nangyari uli yon, napakadelikado daw. Sangayon naman kami at kahit sino pa ay alam kong sangayon din.

"Sunod ay ang North Realm. They say this is the home of the shadow ghouls. Wala pang nakakarating dito at kung ako din ang tatanungin niyo huwag niyo ng pangarapin pang maka-punta doon dahil maaring hindi na kayo makabalik pa." Aniya.

Tumayo si Sir saka naglakad sa harap namin. "Dito na natatapos ang aking pagtatalakay sa kasaysayan o mahalagang pangyayari at impormasyon sa bawat realms." lalabas na sana siya ngunit tumigil siya sa may bukana ng pintuan. "Goodluck"

Valiant AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon