1

7 1 1
                                    

Val

Naglalakad ako ngayon at pinagmamasdan ang mga estudyanteng naglalakad sa hallway.

Maraming tao sympre, first day of class eh. Pumasok ako sa cafeteria at umupo sa kung saan ako naka-pwesto palagi.

"Uy, Val!" Tawag sa akin ni Shiloh sabay upo sa aking tabi. "Anong section kaba? Sana magkaklase tayo para naman may makopyahan ako!" Sabi niya.

"Loko ka talaga, pero sana nga eh, ikaw lang naman ang nakakausap ko rito sa St. High" sabi ko sakanya.

Oo, siya lang talaga at hindi pa palagi 'yon. Wala talaga akong kaibigan dito kasi mas gusto ko ang mag-isa lang ako.

Hindi naman sa anti-social, ayoko lang talaga.

"Tara, tignan natin kung anong section tayo!" Sabi ni Shiloh at hinatak ako palabas ng cafeteria.

Nakipagsiksikan pa talaga kami para lang makita kung anong section ba kami. "Uy pare! Magkaklase tayo oh!" Sabi ni Shiloh tsaka tinuro-turo pa 'yong mga pangalan namin.

"Oh, Val Alegre at Shiloh Aguas! Ayos 'di ba?" Sabi niya.

"Tara na, nakita mo na naman na eh." Sabi ko sakanya at pilit na hinahatak siya palayo ro'n.

"Oh, kaklase pala natin si Stacey! Hanep pare, ayos 'to!" Sabi ni Shiloh at ikina-tigil ko.

Kaklase namin si Stacey, napangiti naman ako ng lihim.

Si Stacey talaga 'yong taong gusto ko noon pa, sobrang ganda niya kasi tapos maalaga sa mga co-cheer dancers niya.

Napaka talino at napapansin ng lahat. Iyon nga lang, magkaibang-magkaiba kami, parang langit at lupa lang..

Siya 'yong langit at ako 'yong lupa.

"Ay pare, kaklase pala natin 'tong dugyot na 'to? Nagpa-enroll pa pala 'to? Dapat tumigil na ng pag-aaral 'to eh, wala namang nagagawang matino 'to." Sabi ni Shiloh na may halong inis pa sakanyang boses.

"Ha? Sino ba?" Tanong ko.

"Eto oh, si Celestine Beviara."

--

Sympre sinisipag ako ngayon kaya g lang! Pa-support naman ako kagaya nung pag-support niyo sa "My Dummy Love"

Comment & Vote please!! 🌻

-Racquel

CELESTINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon