6

1 0 0
                                    

Val

Nasa locker room ako ngayon para kunin 'yong libro para sa susunod naming subject

Hinahanap ko rin si Celistine, hindi siya pumasok. Baka, andito lang 'yon sa loob ng campus at tinatamad lang talaga pumasok.

Pumunta ako sa library, field, canteen, kahit doon sa abandonang classroom kung saan niya ako dinala noon eh napuntahan ko na rin, ngunit wala siya.

"Baka tinamad lang talaga pumasok." Sabi ko sa sarili ko

Dumiretso nalang ako sa susunod naming klase at sakto ay magsisimula palang sila.

"Val, san ka galing?" Sabi ni Shiloh at umupo naman ako sa tabi niya.

"Wala, kinuha ko lang libro ko." Sagot ko naman.

Tumango-tango naman siya at nagsimula nang mag attendance ang proof namin.

Nagpalinga linga naman ako sa classroom namin at umaasang andoon si Celestine, ngunit, wala.

"May hinahanap ka?" Tanong ni Shiloh "Ah, oo. Si Celestine, nakita mo ba siya?" Tanong ko

Napangiti naman ng nakakaloko si Shiloh "Uy pare ha? May gusto kaba kay Celestine? Yiee, 'di mo sinabi sa akin na mga kagaya pala ni Celestine ang gusto mong babae." Sabi ni Shiloh saka natawa.

Natawa nalang din ako sa sinabi niya "Gago, hindi! May itatanong lang kasi sana—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang may pumasok sa classroom namin.

"Sorry Sir, I'm late." Sabi niya at ngumiti habang hingal na hingal.

"Ano pa nga ba ang aasahan ko sa'yo, Miss Beviara?" Sabi ng proof namin "You may take your sit." Dagdag niya

Naupo naman sa likod ko si Celestine. Tinignan ko siya at nginitian at ganon din siya.

"Uyyy! Andiyan na inaantay mo oh! Tabihan mo na!" Pang-aasar sa akin ni Shiloh

"Tumigil ka nga! Babatukan ko eh!" Pabulong pero may diin kong sambit kay Shiloh na nagpatahimik naman sakanya.

Natapos ang klase namin at heto ako, papunta sa canteen para bumili ng maiinom.

Nakita ko naman si Celestine na mag isang naglalakad kaya agad ko naman siyang nilapitan.

"Celestine! San ka pupunta?" Tanong ko sakanya "Ah, wala. Hindi ko rin alam eh. Ikaw?" Sabi niya at napangisi.

"Canteen. Sama ka? Tara!" Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Agad naman niyang inalis 'yong kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

"A-ah.. S-sorry.." Medyo naiilang kong sabi "Okay lang." Sagot niya sa akin habang nakayuko.

"Tara na?" Pag-aaya ko sakanya. Tumingin naman siya sa akin at matipid na ngumiti saka tumango.

Sinabayan niya naman akong maglakad hanggang sa makarating kami sa canteen.

"Anong gusto mo? Libre ko." Sabi ko sakanya "Huh? Libre mo ulit? H'wag na! Kaka-libre mo palang sa akin kahapon eh." Pagtanggi niya sa alok ko.

"Nako! Okay lang! Haha sige na, ano nga ang iyo?" Tanong ko ulit

"Ako nalang ang mag lilibre sa'yo. Tutal, nilibre moko kahapon eh." Sabi niya at ngumiti.

Tumango naman ako bilang hindi pagtanggi sakanyang kagustuhan.

"Sige, ano ba gusto mo?" Tanong niya "Uhm, ikaw na bahala." Sagot ko.

Tumango naman siya at umalis sa aming upuan para mabili ang aming kakainin.

Saktong pag alis ni Celestine ay ang pagdating ni Shiloh.

"Uy, pare! Ayos ah? Girlfriend mo na ba si Celestine?" Tanong niya habang nakangiti na nang-aasar.

"H-ha? Gago, hindi!" Sagot ko.

"Weh talaga? 'Wag nga ako! Halata sa mga titigan niyo eh! Wow pare ha? Mga kagaya pala ni Celestine talaga type mo eh." Sabi niya at natawa.

"Wag ka ngang maingay baka may makarinig sa'yo!" Sabi ko sakanya

"Sus, puro ka tanggi eh! Aminin mo na kasi." Pang-aasar niya uli.

"Gago." Sagot ko nalang at umirap

"Sige nga, kung talagang hindi mo siya gusto, iwan mo nga siya rito't samahan mo 'ko?" Paghahamon niya.

"Gago, hindi ko naman magagawa 'yon." Sagot ko sakanya

"Oh 'di ba? Hindi mo kaya kasi, gusto mo nga siya. Yiee!" Pang-aasar niya sa akin.

"Osige na nga! Ang kulit mo eh, tangina." Sagot ko naman "Mamaya kapag dumating siya." Dagdag ko

Ngumiti naman si Shiloh sa pag-payag ko sakanyang kagustuhan.

Saktong papalapit sa amin si Celestine habang nakangiti. Marami ang kanyang binili na pagkain, kaya naman ay nakokonsensya na ako agad sa aking gagawin.

Paglapag niya nang pagkain ay ang kasabay nang aking pagtayo.

"Celestine, una na 'ko ha? Pasensya na, may pupuntahan kasi kami ni Shiloh eh. Sige una na 'ko."

Hindi ko na inantay ang kanyang isasagot at tinalikuran ko na siya at iniwan.

--

Okay medyo slow update tayo as of now, busy si Author eh hehe.

Vote and Comment please! 💗

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CELESTINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon