3

3 1 1
                                    

Val

Break time namin kaya punong puno ng tao ang cafeteria.

Nandito naman si Shiloh at titig na titig sakanyang cellphone, kinuha ko na lang ang coke na nasa mesa saka ininom.

Tinignan ko ang buong cafeteria saka ko nakita si Celestine na mag-isang nakaupo sa gilid habang kumakain at nakatingin sa bintana.

"Shiloh" tawag ko sa katabi ko. "Oh?" Sabi niya ni-hindi manlang ako tinitignan.

"Uy, Shiloh." Tawag ko ulit "Ano nga? Paulit-ulit? Babatukan kita eh." Iritang sabi ni Shiloh sa akin.

Siya naman ang binatukan ko "Gago! Dito ka kasi humarap sa akin 'di r'yan sa cellphone mo!" Sabi ko.

"Ayon! Natalo tuloy! Tangina mo!" Sabi naman ni Shiloh sa akin. "Buti nga sayo." Sabi ko.

"Oh tapos, ano na? Siguradohin mo lang na may kwenta 'yan ah?" Sabi niya sa akin kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Naging magkaklase naba kayo niyan ni, Celestine?" Tanong ko. "Iyan lang pala eh! Oo, bakit? Crush mo?" Sunod sunod niyang tanong.

"Hindi." Agad kong sagot "Eh ano? Bakit mo natanong?" Nagtataka niyang saad.

"Wala, curious lang ako sakanya. Ano ba talaga siya?" Tanong ko ulit. "Tao, natural!" Sabi naman ni Shiloh kaya agad ko binatukan.

"Gago, ang ibig kong sabihin ano ba talaga ang meron sakanya at bakit weird ang tingin niyo sakanya?" Sabi ko.

"Ah, 'yon ba? Gago, 'di mo ba napapansin? Iyong pag-ngiti niya palang kanina tas bigla sumimangot nung nakita ka eh 'di ba? Ang weird na non? Ay, sabagay, malay mo napangetan lang sa'yo 'di ba?" Sabi naman ni Shiloh kaya binatukan ko siya ulit.

"Aray! Nakakarami kana ah?!" Inis niyang sabi "Gago, tatlo palang 'yon! Umayos ka kase." Sabi ko sakanya.

"Oo na. Ewan ko talaga kung ano talaga dahilan kung bakit weird ang tawag sakanya, nakikiuso lang ako eh hehe. Tsaka 'di ko rin sila magets, eh tahimik lang naman kasi talaga 'yang si Celestine. Uhm, tahimik na trouble maker parang ganon." Sabi ni Shiloh habang nakatingin kay Celestine.

"Tahimik na trouble maker? Huh?" Nagtataka kong tanong.

"Oo, noong last last year kasi lagi talagang nasasangkot sa gulo 'yan. Meron pa nga na akala ng lahat na tatalon siya rooftop, pero nung tinanong siya nung mga taga-faculty eh nagpapahangin lang naman daw siya." Sabi ni Shiloh.

Naalala ko naman ang pangyayareng 'yon saka natawa, hindi ko pa kaklase si Shiloh non at oo isa talaga ako sa mga nakakita sa babaeng nasa rooftop, at si Celestine pala 'yon.

"Tsaka madalas lang naman pumasok 'yan eh, at oo, pumapasok kaso laging late, hinala nga ng mga teachers sakanya na nagda-drugs 'yan eh kasi kung ano ano ang mga sinasabi." Sabi ni Shiloh habang nakangiti.

"Sus makangiti ka naman eh parang ikaw naman 'yong may crush talaga kay Celestine." Pang-aasar ko.

Pareho kaming titig na titig sakanya ng bigla itong tumingin sa direksyon namin at sinamaan kami ng tingin kaya agad kaming nag iwas ng tingin.

"At 'yan pa, ayaw na ayaw niyang tinititigan siya, kaya patay tayo neto mamaya." Sabi ni Shiloh saka ininom ang binili niyang coke.

"Tara na, tapos na ang break time, sana lahat ng break time natatapos para bumalik na siya sakin. Booooom!" Parang tangang sabi ni Shiloh.

Tumayo naman kami at lumabas sa cafeteria saka naglakad patungo sa next subject namin.

Naglalakad ako ng biglang may humatak sa akin saka ako hinila papasok sa lumang classroom.

"Sino k-- Celestine?!"

---

Sinipag ako, promise mamaya update na 'ko sa My Dummy Love pagkabalik namin. HAHAHAHAHAHAHAHA i love you all!!!!

CELESTINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon