CHAPTER TWO

70 7 0
                                    

Sabi ko ayoko eh. Sabi ko di ako pupunta dito eh. Kaso ubos na talaga choices ko kaya sinunod ko na ang sinabi ni Math. Mag-iisang linggo na din magmula 'nong naghahanap ako ng pwedeng mapangasawa.

Ung ibang mga inaya ko nirefer ako sa iba, tapos ung mga nirefer sa akin ay nirefer ulit ako sa iba. Kaloka pakiramdam ko para akong lantang isda na pinagpapasa-pasahan dahil di na mabenta.

"Good afternoon ma'am. How may I help you?" Tanong sa akin nung receptionist.

"Uhm. I wish to talk to my landlord? San dito office niya?" Ngumiti ako sa kanya.

"L-landlord po? Sino po ibig niyong sabihin?" Bakas sa mukha ni ateng receptionist ang pagtataka.

Lokong Math yun ah. Di ata tiga rito yung matandang landlord ko.

"Yung landlord ko. Yung may ari ng property na nirerentahan ko." Ngumiti ako ulit. Kahit mukhang nakangiwi na ako dahil di ako sigurado kung tama ba yung pinuntahan ko.

"Oh. Right! May I get your name Ma'am please?"

"Roanne. Roanne Hidalgo." She checked something on her computer at kumunot nanaman ang noo niya pagkatapos.

"Ma'am sorry pero wala po kayo sa listahan ng mga may appointment ngayon at sa mga susunod na araw." She apologetically said.

"Pinaglalaruan talaga ako nitong si Mathen Dy, di man lang sinabi na kailangan ko pa---" Di ko naituloy ang sasabihin ko dahil sumabat na si ateng receptionist.

"Kayo po ba ung nirefer ni Mr. Dy, Ma'am? Nako sorry po di niya kasi sinabi yung name niyo. Pasensya na talaga. Direcho nalang po kayo sa 10th floor, inform ko na din po yung secretary ni Mr. Almendarez na dumating na kayo."

Inabutan niya ako ng visitors I.D. at tinuro kung saan ang daan papunta sa may mga elevator. Iba din talaga yung connections ni Math ha. Oh baka bet niya yung matandang landlord ko at nakadate niya na kaya malakas yung 'connection' niya dito.

I giggled at the thought of it. Kalokang Math, he should really choose someone who can match his energy.

Pagkabukas ng elevator ay bumugad kaagad sa akin ang desk ng secretary na sinasabi ni ateng receptionist sa baba.

"Good afternoon ma'am, are you Ms. Hidalgo?" Tumango ako sa kanya.

"This way please, nasa meeting pa po si Sir. Matatapos naman na in five minutes. Sabi niya mag antay na lang po kayo sa loob ng office niya." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Okay." Nagkibit balikat ako at sumunod sa kanya.

Umupo ako sa sofa na naroon sa loob ng office. Inikot ko din ang mga mata ko looking for something that may give me clues on what my landlord looks like.

Kung matandang binata o byudo na ito. But there's nothing, well except sa picture ng isang binata na nasa desk niya.

Siguro hindi siya byudo o matandang binata, baka may anak lang talaga. Infairness sa anak niya ha, may itsura. Kung yan na lang kaya asawahin ko?

Lol. Di pwede, asa pa sa tatay yan kaya malamang di pa siya ganon ka stable para hindi masilaw sa pag-agaw ng negosyo ko.

Indeed at five minutes ay may pumasok na sa opisina. And hence! It was the guy from the photo. Infairness ha, he's very much good looking in person kesa sa photo.

Pero una kong napansin talaga ung panga eh, pamatay yung panga! Ang sexy – "Hoyy Roanne, you can't think about that. Andito ka para sa tatay niya okay?" saway ko sa sarili ko.

I cleared my throat as I wait for him to sit on his chair but it was a bad idea. Magkaharap kami and I got a good angle to check him out! And Booiii, he be workin' out! Broad shoulders that makes him look like he's modelling for the suit he's wearing.

DESPERATELY MARRIEDWhere stories live. Discover now