CHAPTER THIRTEEN

49 7 0
                                    

Tumikhim ako at nagkunyaring minamasdan yung view sa labas. Hindi sinasadyang napatingin ako sa katabi naming kotse. Halos mapasinghap ako ng makita kong naghahalikan yung magjowa o mag-asawa. I cringed immediately.

"What the hell." Pabulong na sabi ko pero narinig pala ni Roman. Natawa lang din siya sa reaction ko. Hindi ko na siya kailangan tanungin kung bakit siya natawa. I know he saw the couple too.

"Let us turn things around. Ako naman ang magtatanong." I agreed on his proposal. Binalik ko ulit yung pwesto kong direkta sa kanya.

"Why are you running away from your family's business?" sumimangot ako sa tanong niya.

"Grabe ka naman. Yung light questions muna!" reklamo ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin pero iniba niya naman yung tanong.

"Sige, anong full name mo kahit alam ko na." Walang ka amor amor na tanong niya.

"Roanne Mayelle Hidalgo. Twenty three years old, from Mandaluyong City!" I answered in a beauty-queen-like manner, and we end up laughing at my craziness.

"You should really practice using my surname, Roanne." Kalmadong sabi niya after our laughter died down.

"Yeah. I agree on that." I still find it awkward using Almendarez as a surname. 23 years din akong Hidalgo. Mahirap baguhin ang nakasanayan.

"What exactly did you do in UK?" Tanong niya. Tinupi ko ang wrapper ng Nova para hindi makalat at nilagay ko sa basket na nasa backseat.

"Ganito kasi yan. Natapos ko lang ng three and a half years yung AB English dito sa pinas kasi nagsasummer classes ako para matapos ng mabilis. Then, I went to UK to study creative writing and journalism for eight months. But during my study abroad inofferan ako ng prof ko na magintern sa kaka-bukas lang na publishing house nila ng asawa niya. So I studied while working, hanggang sa nakagraduate at naging editor na din nila ako."

"May balak ka pang bumalik don?" He asked.

"Hmm. Siguro for vacation nalang. Pero kung doon mag-stay talaga? Wala. Gusto kong pagtuunan ng pansin yung Flower Coffee. Besides, I still get to work for the publishing house naman online."

We took a stop at San Fernando to eat lunch. I thought we'd take a break from the Q&A but we didn't. Masyado atang curious is Roman sa buhay ko.

"Nakapagwarm-up ka naman na siguro. I think you can answer why you are running away from your family business." Tanong niya bago kumain. Tinignan ko lang siya habang nag-iisip ng sagot.

"I find it hypocritical." Tinaasan niya ako ng kilay, indicating that I am confusing him. Napabuntong hininga na lang ako.

"Me and my family are not in good terms. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nila ako hinahabol eh may isa pa naman silang anak. Bakit di nalang siya ang pagtuunan nila ng pansin, tutal doon naman sila magaling and just let me live my life in peace. Kontento naman na ako sa Flower Coffee."

Uminom ako ng tubig. I could feel the bitterness from the tip of my tongue, and I do not like it.

"Ano bang pinagawayan niyo para humantong ka sa ganitong sitwasyon?" Tinagilid ko ang ulo ko para tignan siya at ngumiti.

"Next time!" Tumawa ako kahit wala namang nakakatawa. I am glad he didn't push it.

Babyahe na ulit kami and I offered to drive kaso ayaw niya. Wala siyang tiwala sa akin. I mean he did not say it verbally, but I feel it deep in my bones. Gusto kong magtampo pero narealize kong mas pabor sa akin ang maging pasahero na lang.

Habang nasa daan na kami, di ko na namalayan na nakatulog ako. Kung di lang ako ginising ni Roman ay malamang, mahimbing parin ang tulog ko.

"Roanne, get up already." Tamad na tamad akong lumabas sa kotse, to the point na si Roman na ang nagbitbit sa lahat ng dala naming gamit.

DESPERATELY MARRIEDWhere stories live. Discover now