CHAPTER TWELVE

47 6 2
                                    

Ngayon na ang team building para sa mga empleyado ni Roman, pero heto siya ngayon sa shop ko at may kinakaharap na kliyente.

Wala din talagang pinapamlampas na oras para sa negosyo ang isang to eh. Hanggat kaya pa isingit sa scedule, aba go lang din siya ng go.

Napatingin ako sa table nila. Ibang Roman talaga ang nakikita ko kapag negosyo ang pinaguusapan. Hindi siya masungit tignan, instead he looks professional, collected and calm. Yung tipong hindi ka mahihirapang makipagusap sa kanya.

It reminds me of the first time I met him. Napangiti ako at how open minded he is, and how he welcomed my insanity without judgements. But then suddenly, I got flashbacks of how he is outside the business world. Napangiwi ako agad.

Nagkamayan na sila ng ka-meeting niya. I assume it is a successful deal, base lang sa aura ni Roman. He looks like he won the lottery. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at bumaling kay Becca para utusan.

"Becs, three days akong wala dito. Call me if there's an emergency. At pakiusap, wag kayong magaaway na tatlo." Tinuro ko sila isa isa.

The boys just looked away. Si Becca lang ang tumango. Hindi parin sila nagkakabati hanggang ngayon. Kung andito lang si Elsa, mahihiya talaga siya sa coldness na nakapalibot sa tatlo.

"Kapag may nanggulo dito Becca, tumawag ka kaagad. Okay? Kahit simpleng bugbugan lang ng dalawang yan, i-report mo sa akin."

"Opo Ma'am. Pangatlong beses niyo na pong sinabi yan." Natatawang sabi ni Becca.

Sasagutin ko pa sana si Becca, pero natigilan ako nung maramdaman kong may humawak sa braso ko. I know exactly who it is, base sa boses niya.

Umikot ako para makita ko si Roman at ang client niya na hanggang ngayon ay kausap niya pa. The client was taken a back from the sight of me. Natauhan rin siya kaagad at ngumiti sa akin.

"What a fine lady you got here, Mr. Almendarez." Napataas ako ng kilay sa tono ng boses niya. His tone is filled with undisguised arrogance. It is something that sounds so natural to him. Parang ipinagmamayabang niyang mayabang siya. That's how he sounds like.

Natigilan ako nung lumipat ang kamay ni Roman galing sa braso ko, at pinulupot ito sa bewang ko.

"Roanne, this is Mr. Ganté, Mr. Ganté, this is Roanne." For some reason, naging malamig ang tono ng boses ni Roman, and he even pulled me towards him even more.

Inabot naman ni Mr. Ganté ang kamay niya sa akin, and I shook it out of respect.

"Nice to meet you, Mr. Ganté." Ngumiti ako sa kanya.

"Please Roanne, call me Arrow. Mr. Ganté sounds too formal. Are you Roman's sister?" His smile is too wide, nakakairita. Pogi naman siya. There's not a doubt in that. But he's not my type. Everything about him screams arrogance, kahit yung simpleng pag-ngiti niya.

Nung nakaraan lang na friendzone ako. Ngayon naman na sisterzoned.

"She's my wife, Mr. Ganté." It was Roman who answered. Napahawak naman ako sa likod ni Roman nang maramdaman ko ang pagdiin ng hawak niya sa bewang ko.

Nawala ang mga ngiti ni Arrow, he looked so puzzled and for a second nawala yung aroganteng aura niya. He cocked his head to the side at tinignan kami ni Roman, as if he's trying to make a sense of what Roman said, but failed miserably.

"I don't remember you getting married, Mr. Almendarez. However, I sincerely congratulate you both." Just like that, bumalik na yung arogante niyang postura at tono.

"We kept it quiet and intimate, Mr. Ganté."

"I see." Tumango tango'ng sabi ni Arrow.

As if with a silent agreement, Arrow Ganté smiled and dropped the topic off. Nagusap sila ni Roman saglit about the papers, then we bid our goodbyes.

DESPERATELY MARRIEDWhere stories live. Discover now