CHAPTER THREE

67 7 0
                                    

"Kasal? Magpapakasal ka na?" Gulat na gulat si Judge Cortes ng dumating ako sa opisina niya.

"Yes Judge, gusto ko sana ngayon na." Ngumiti ako sa kanya dinala ang nafill-apan na naming form. He looks so lost at gulong gulo sa mga sinabi ko.

"I dont remember you having someone after---" I cut him off bago pa siya may masabing kung ano.

"Judge, remember nung sabi mo sakin kung pano ka makakabawi? Eto na yun, this is the first and last favor that I would ask. For us to be married. Immediately." Turo ko sa katabi na ngayon ay di na umiimik.

He's under the state of shock, at baka nagsisisi siya kung bat niya pa ako hinamon. I can't blame him though. Walang matino ang papayag sa ganitong set-up, and if only he isn't man of his words then baka tinakbuhan na ako nito.

I felt bad seing him filling out the form. Naramdaman ko naman na ayaw niya akong pakasalan. Who would want to marry someone you just met right?

Kaya niya nga ako binigyan ng close to impossible deal, if only I wasn't that ready then malamang naghahanap pa ako ng mapapangasawa ngayon.

Halata naman sa kanya na gentleman siya, he could've said no immediately but he probably dont want to turn me down after he heard na pang ilang lalaki na siyang tinanong ko.

Pero kailangan kong isantabi yung awa ko, matatapos din naman kasi to. This marriage wont last long. Kailangan ko lang talagang isalba yung negosyo ko.

"I see. You know, I wont be doing this if I dont owe you my daughter's life. What ever the reasons why you're rushing marriage, I hope it's worth it." Makahulugang sabi ni judge.

"It will be, Judge." I assured him.

I know it will be.

"Sige, I dont think we need a formal wedding ceremony then. Let's just have two of my secretaries as your witnesses."

At ganon na lang ay kasal na ako. Walang vows, walang lakad sa aisle, walang 'you may kiss the bride' moment. Well, I think it wont be bad if I'll ask for one. Lol.

Well, who cares? I am now Mrs. Almen- whatever.

Basta, I'm married!

Nasa labas na kami, in front of our own cars. I don't know why I feel like hindi tama na pumasok ako agad sa kotse ko without saying anything to him.

"Uhm, nice having business with you." Inabot ko sa kanya ang kamay ko na siyang tinaggap niya naman.

"Sure. I can't say I feel the same." Bored na sabi niya. Napanguso nalang ako. Ano ba naman yan, ang sungit naman nito. Bahala siya.

"Ipapadala ko nalang sa shop mo yung documents pagkatapos mareview ng lawyer ko." Casual na sabi niya naman.

"Okay sige. Thank you ulit. Bye!" Pero bago pa ako makapasok sa kotse ko ay hinarap ko siya ulit.

"Saglit! Ano nga ulit pangalan mo?" Nahihiyang tanong ko. I bit my lower lip to stop myself from turning red.

Humarap siya sa akin na nakapamulsa. Pushing his tongue into his inner left cheek.

"Roman."

"Nice meeting you, Roman." Tumango lang siya sa akin at tumalikod na.

"Roanne nga pala! Baka sakaling need mo yung pangalan ko!" Sigaw ko dito. Pano ba naman naglalakad na papunta sa driver's seat niya.

Edi sige, ikaw na di interesado sa pangalan ko.

I scrunched my face at umirap na lang ng tinaasan niya lang ako ng kamay. Dismissing me with a wave.

DESPERATELY MARRIEDWhere stories live. Discover now