Chapter Three

5.9K 113 3
                                    

"ARE you okay?"

Muntik nang mapailing si Zia sa tanong ni Gino. Mula nang umalis sila ng hospital, wala na itong ginawa kundi tanungin siya. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin para siguruhin ito na okay na siya. "I'm okay. See humihinga pa ako sa tabi mo so relax, okay?"

Muli siyang napatingin kay Gino. Hindi niya ugaling sumama sa isang total stranger but there was something about this guy that made her trust him completely. Marahil dahil napakabait ng mukha nito, lalo na ng mga mata nito na kababakasan ng pag-aalala sa tuwing tumitingin sa kanya. Pamilyar sa kanya ang boses nito na tila palagi siyang hinaharana. She looked so small and fragile kung itatabi rito, ngunit malaki ang tiwala niyang hindi siya nito sasaktan sa anumang paraan.

Tumingin uli sa kanya si Gino. "Are you okay? You seem uneasy all of a sudden. Problem?"

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "May naalala lang ako. Sa restaurant mo na lang ako ihatid. Baka magalit si Mama kapag nalaman niyang hindi ko sinipot... ang ka-meeting ko." Lihim na napailing si Zia. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakalimutan niya ang kanyang date sa paborito niyang DJ. Pinaghandaan pa naman niya ang araw na iyon.

"Don't worry I'm sure hindi magagalit sa'yo ang mama mo."

Mabilis siyang napatingin dito. "What do you mean?"

"Ako ang...ka-meeting mo." He cleared his throat. "I'm Gino, DJ Gino of RJ 99.1."

Kulang na lang ay mahulog ang panga niya sa sahig sa sobrang pagkabigla. Kaya pala pamilyar sa kanya ang boses nito. Ito ang DJ na palagi niyang pinapakinggan sa radio.

"Kailan mo pa nalaman na ako ang ka-date mo? Kaya ba ganoon na lang ang concern mo sa akin? You are afraid of what my parents would say?" May naramdaman siyang pait sa tanong niya.

Tumingin si Gino sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. "Nalaman ko lang noong paalis na tayo ng hospital. For record purposes, ibinigay mo ang whole name mo sa doctor."

Napatango si Zia. Kaya pala... "Sorry kanina, I messed up on our first date. I guess I'm really bad at making a good first impression."

Ngumiti ito. "Correction, tonight was not our first meeting. Technically, our first meeting was last week. And you were great, tonight and last week. Huwag mong alalahanin ang tungkol sa date natin. Marami pa naming next time."

"You mean may next time pa?" tanong niya na parang batang pinangakuan ng ice cream.

"Ayoko namang sabihin mo na sa hospital ang first date natin," biro nito na sabay nilang tinawanan. "What I'm trying to say is it's up to you. Okay lang ba sa'yong maka-date ako?"

Napangiti siya. "It would be my pleasure, DJ Gino."


-------------------------------------------------------------------


KUNTODO-NGITI si Zia habang nakasunod kay Gino papasok ng zoo. Pagkalipas ng dalawang araw ay muli siya nitong tinawagan. At tinupad nito ang pangako na muli silang lalabas. Na-impress siya nang magtanong ito kung saan niya gustong pumunta. Walang pag-aatubiling sinabi niya na sa zoo niya gustong pumunta. Mas lalo siyang na-impress nang hindi ito magreklamo sa napili niyang lugar.

"Are you okay, Zia?"

Nag-thumbs up siya. "Okay na okay!"

"Bakit nandyan ka sa likod ko? Mamaya may biglang dumampot sa'yo. Mapagkamalan kang nawawalang bata." Hinawakan nito ang kamay niya at marahan siyang hinila papasok ng zoo. Tulalang napatitig si Zia sa magkahawak nilang mga kamay. The warm grasp of his hand made her feel secure and safe.

I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR)Where stories live. Discover now