Chapter Ten

5K 124 7
                                    


"HARRIS, nasaan si Gino? Tinawagan niya ako kanina, sinabi niyang magkita raw kami dito," tanong ni Zia kay Harris pagpasok niya sa restaurant nito.

"Nasa second floor siya, Zia. Kasama niyang dumating si Roan. Nag-uusap sila kaninang iwan ko sila sa itaas."

Nilukob ng lungkot at disappointment ang puso ni Zia. Simula nang dumating si Roan, naging kahati na niya ito sa oras at atensyon ni Gino. Halos hindi sila nagkikita dahil laging magkasama ang dalawa. "Magkasama sina Gino at Roan?" nasabi niya bago pa mapigilan ang sarili.

"Masanay ka na, Zia. Gano'n talaga ang dalawang 'yon. May pinagdaraanan lang si Roan ngayon. At gusto lang ni Gino na maging mabuting kaibigan sa best friend niya."

"I understand, Harris. Kailangan ni Roan ng suporta at tulong ng best friend niya. Sino ba ako para pigilan sila?"

Tiningnan siya ni Harris nang mataman. "Hindi ka ba nagseselos kay Roan, Zia? I mean kahit konti, hindi ka threatened sa kanya? Hindi ka naiinis na kahati mo siya kay Gino?"

Pinilit niyang ngumiti. "Bakit ako magseselos? Best friends lang naman sila, 'di ba? Besides, bago ako dumating sa buhay ni Gino, nasa buhay na niya si Roan. Matagal silang magkasama. Marami silang pinagdaanan na dalawa. Kahit anong gawin ko, nandyan na si Roan sa buhay ni Gino. Hindi ko na mababago ang sitwasyon namin. Ang magagawa ko lang ay tanggapin siya sa buhay namin."

"You really are something, Zia. 'Pag nagsawa ka na sa kaibigan ko, nandito lang ako. Mas magaling akong mag-alaga kaysa kay Gino," pabiro nitong sabi.

Natawa si Zia. "Ikaw talaga, Harris. Magaling kayang mag-alaga si Gino. Lagot ka 'pag narinig ka niya." Napangiti siya nang may maisip. "Have you ever imagined yourself being a DJ, Harris?"

"DJ? Like Gino? No way!" anito na marahas na umiling.

"Why not? Naghahanap kami ng bagong DJ. May naisip na akong magandang radio program na babagay sa personality mo. It would be a sure hit kung ikaw ang magiging DJ."

Patuloy ito sa pag-iling. "I like you a lot, Zia. Ipagawa mo na sa akin ang kahit na ano, huwag lang ang maging DJ sa radio station ninyo."

"Ayaw mong maging DJ?"

"I'm a very private person, you know."

"Okay. But in case you change your mind, my offer still stands. Bibigyan kita ng sarili mong radio program."

He smiled. "Let's go. Baka hinihintay ka na ni Gino sa itaas."

Nagtatawanan sila habang paakyat ng second floor. Maaga pa kaya karamihan sa kostumer ng restaurant ay nasa ibaba. Natigil si Zia sa pag-akyat nang makita sina Gino at Roan na masayang nag-uusap malapit sa counter. Parang pinipiga ang puso niya habang pinagmamasdan ang dalawa mula sa malayo.

"May problema ba, Zia?" nagtatakang tanong ni Harris. Sinundan nito ang tinitingnan niya.

"Ang sweet nila, 'no?" aniya habang nakatingin sa dalawa.

"Don't mind them. Natural na sa kanila ang ganyan. Let's go."

Pinigilan ni Zia ang akmang paglapit ni Harris. "Huwag muna natin silang istorbohin, Harris. Hayaan muna natin silang magkatuwaan."

"I don't think that's a good idea-"

"Don't worry, I'm okay." Tinitigan ni Zia sina Gino at Roan na masayang nag-uusap. "Harris, naalala mo noong minsang itinanong ko sa'yo kung sino 'yong babaeng mahal ni Gino at nanakit sa kanya?"

I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR)Where stories live. Discover now