Chapter Eleven

7.8K 221 24
                                    

"MA'AM Zia, may bisita po kayo sa sala."

Tumigil si Zia sa pagtipa sa laptop at nag-angat ng tingin sa kasambahay. "Sino'ng bisita ko?"

"Roan daw po ang pangalan."

Nagulat si Zia. Paano nalaman ni Roan kung nasaan siya? Ang pagkakaalam niya ang mga magulang at kapatid lang ang nakakaalam ng kinaroroonan niya. "Pakisabi bababa na ako, salamat."

Pagkatapos i-save ang ginagawa, lumabas ng kuwarto si Zia at pinuntahan ang kanyang bisita. Hindi niya alam kung para saan ang kabang nararamdaman. Nadoble iyon nang makita niya si Roan sa sala. Huminga siya nang malalim habang palapit dito.

"Hi, Roan."

Tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Hi, Zia. Sorry to bother you."

"It's okay," nakangiting tugon niya. Magkasabay silang umupo sa sofa. "How did you know I was here? May nangyari ba kay Gino?" bigla siyang nag-alala.

"Walang nangyari kay Gino. Si Jessica ang nagsabi sa amin na nandito ka. Nakiusap kami sa kaibigan mo. Sinabi namin na importanteng makausap ka namin."

"Kami?"

"Kami ni Gino. Gusto niyang sumama kaya lang mahigpit ang bilin ng kapatid mo sa mga guard ng village ninyo na huwag siyang papasukin." Tumigil ito at ngumiti. "Hindi siya puwedeng pumasok, but it doesn't mean hindi makakarating sa'yo ang mga gusto niyang ipadala."

Saka lang niya napansin ang pumpon ng pink roses, basket ng prutas, at DVDs na nasa coffee table.

"Ipinadala ni Gino lahat ng 'yan para sa'yo."

"Pakisabi sa kanya, thank you."

Tumango ito. "Binawasan ko pa nga ang mga 'yan. Masyado kasing marami 'yong gusto niyang ipadala sa akin. Baka isipin ng mga tao nagbebenta ako sa bahay ninyo, hindi pa ako papasukin."

"Thank you, Roan. Pakisabi rin kay Gino, salamat." Napatuwid siya ng upo. "Why are you here, anyway? Hindi ka naman ginawang messenger lang ni Gino since hindi siya puwedeng makipagkita sa akin?"

Huminga ito ng malalim. "I am here to explain everything, Zia. Kusa ko itong ginagawa, walang pumilit sa akin na pumunta dito at kausapin ka. Ayokong masira ang isang magandang relasyon dahil sa akin. Alam kong ako ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ka kay Gino. Iniisip mong ikaw ang hadlang sa aming dalawa. Iniisip mong hinihintay pa rin niya ako at ako pa rin ang mahal niya.

"Noong naabutan mo kaming nag-uusap sa restaurant ni Harris, ikaw ang pinag-uusapan namin noon, Zia. Ikinuwento ni Gino sa akin kung paano kayo nagkakilala. Nakita mo sana kung paano lumiwanag ang mukha ni Gino habang kinukuwento ka sa akin. Naalala niya bawat detalye na parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ang laki ng pinagbago niya dahil sa'yo, Zia. He thinks of you more than he thinks of himself. At hindi ko pa siya nakita na ganito kasaya, kahit noong panahong sinabi niyang mahal niya ako. I knew he loved you, Zia. I'm happy because he had finally found you. His one true love."

Nagulat si Zia nang biglang hawakan ni Roan ang kamay niya. "Bumalik ka na kay Gino, Zia. Kalimutan mo na ako. I'm already out of the picture. Magkaibigan lang kami ni Gino. Alam mo bang para hindi ka mag-alala sa akin, pumunta si Gino sa Batangas para personal na ayusin ang problema ko. 'Guess what? Kasal na ako!" Ipinakita nito sa kanya ang kamay na may suot na wedding ring. "Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Gino. Pero sa tulong niya, natuloy ang kasal namin ng fiancé ko. Imagine tinulungan na niya ako sa problema ko, and at the same time, ginawa niya iyon para mabura sa isip mo na ako pa rin ang mahal niya. Gusto niyang patunayan sa'yo na ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay niya. Ang nag-iisang babae na mahal niya."

I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR)Where stories live. Discover now