Chapter Seven

4.8K 92 5
                                    

"KAIN ka lang nang kain, hijo. Huwag kang mahiya."

Nakangiting tumango si Gino kay Mrs. Suarez. Ngayon ay nakumpirma niya kung kanino nagmana si Zia. Mula nang dumating sila sa bahay nito, ramdam niya na welcome siya sa ginang. Both women - Zia and her mother - made him feel like he was part of the family.

Late natapos ang meeting nila sa opisina ng Suarez Furnitures. Pagkatapos ng meeting, nagyaya ang ina ni Zia na tumuloy sa bahay ng mga ito para maghapunan. Agad iyong sinegundahan ni Zia at ng ama nito. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kapatid ni Zia dahil mabibilang sa daliri na kinausap siya nito. Sa meeting, kinausap lang siya nito kung may gusto itong itanong sa presentation niya.

"Mama, baka naman mailang na si Gino n'yan," nakangiting wika ni Zia. Sa kabila ng kaba, hindi niya mapigilang ngitian ito.

"Pasensiya ka na, Gino. Minsan lang kasi ako magkaroon ng bisita. At hindi ka lang basta bisita, future boyfriend ka rin ng anak ko."

Noong una ay awkward siya sa presensiya ng ginang. Nakakasama kasi niya ito sa radio station bilang boss niya. Pero hindi nagbago ang pakikitungo ng ginang sa kanya. Sa katunayan, mas magiliw pa nga ito sa kanya.

"Mama!" nahihiyang sita ni Zia.

"So the rumor is true. Nililigawan mo nga ang kapatid ko."

Sinalubong ni Gino ang tingin ni Ryan sa tapat niya.

"Kuya, remember what I told you."

"It's okay, Zia." He gave Zia a reassuring smile bago niya hinarap ang kapatid nito. "It's true, Mr. Suarez. I'm courting your sister. I promise I will make her happy. I will take care of her. Hindi ko siya papabayaan at sasaktan," sinserong pangako niya.

Nakita niya itong nagkibit-balikat. "Promises are made to be broken, Mr. Gonzales. If I were you, huwag kang basta mangako. Dahil sa oras na saktan mo ang kapatid ko, ako mismo ang gagawa ng paraan para paghiwalayin kayo. Kahit anino mo, hinding-hindi makakalapit sa kapatid ko."

"You have my word, Mr. Suarez," pangako niya.

"Ryan, Gino, kumain na kayo. Baka magtagpo sa inyo ang pagkain," banayad na sita ng kanyang ama.

"Yes, 'Pa."

"Sorry, Sir."

Kahit paano ay naging magaan ang hapunan nila dahil kay Zia. Panay ang kuwento nito habang kumakain. Excited din nitong sinabi ang mga suhestiyon nito para sa radio station. Magkasama nilang ipinaliwanag sa lahat ang mga plano nila para sa radio station.

Sa huli ay nakuha nila ang suporta ng mga magulang ni Zia, pati na rin ng kapatid nito na mukhang iniiwasang kausapin siya.

"Can you do something for me, Kuya?" malambing na sabi ni Zia sa kapatid. Natutok ang atensyon nilang lahat sa katabi.

"It depends."

"Puwede ka bang mag-part-time DJ sa radio station?" Muntik na siyang mabulunan sa sinabi nito. "May naisip na akong mga bagong program sa radio station. Baka matagalan bago kami makakuha ng bagong DJ. Naisip kong bakit hindi na lang ikaw? Babagay sa'yo 'yong isa sa program na naisip ko. With you on board, it would be a sure hit."

"Ahm Zia, masyadong busy ang kapatid mo. Maghanap na lang tayo ng iba," aniya dito.

"It's okay, Gino. Magaling sa time management ang kuya ko. Besides, ilang taon mo na ring ginagawa ang gano'n. Sa umaga, GM ka ng radio station. After office hours, DJ ka naman. If you can do it, kaya rin ng kuya ko."

I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR)Where stories live. Discover now