Chapter 1

25.9K 695 48
                                    

Maaga pa lang ay madami ng tao ang matatanaw sa Emergency Room o ER na kinaroroonan ni Xian...

Umaga na pero hindi ko mapigilan ang paminsan-minsang paghikab.

"Out ka na?" Narinig kong tanong ng kaibigan kong si Mariel. Kaibigan ko ito simula noon kolehiyo pa.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga charts nang pumasok sa loob ng nurses' station si Mariel.

Katatapos ko lang ang rounds ko at dumaan muna ako sa nurses' station para ayusin na ang mga dapat kong ayusin bago ako umuwi.

"Oo, 30 hours na ang shift ko. Hindi ko na kaya." Reklamo ko rito.

Dahil sa isang matinding road accident kagabi, maraming trauma patients ang kinailangang operahan at nangailangan sila ng mga tao para sa scrub team. May experience naman ako bilang isang scrub nurse dati, kaya nag-volunteer ako. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakauwi.

Hinawakan ko ang ngalay kong batok at dahan-dahang minasahe iyon.

"Xi, may niluto akong kare-kare bago pumasok kanina. Kumain ka muna pagkauwi mo, baka makalimutan mo na naman eh." Bilin nito.

Nakatira kami sa iisang apartment ni Mariel. Hati lahat sa expenses, pero pagdating sa pagluluto ay ito na ang nag-prisinta. Hinayaan ko naman ito. Aminado naman kasi ako na pagdating sa pagluluto ay wala ako ni katiting na talento. Sa paglamon... magaling ako.

Matakaw man ay hindi ako mabilis tumaba. Kahit na medyo hindi ko na maharap ang pag-e-exercise minsan dahil sa oras na hinahanap ng ganitong klaseng trabaho. Yung katiting na oras na pahinga ko, nilalaan ko na lang sa pagtulog.

"Sige. Bago umuwi, dadaan na rin ako sa supermarket. Magre-restock na ako." Saad ko rito. Dahil ito na ang bahala sa pagluluto, ang paggro-grocery na lang ang inako ko.

Napatingin ako kay Mariel na busy na nag-aayos ng charts nito.

Mabibilang lang sa isang kamay ko ang may alam na bakla ako, at ito ay ang mga malalapit na kaibigan ko. Bukod kay Mariel, ay may tatlo pa akong kaibigan. Lahat sila ay nakilala ko noong kolehiyo pa ako.

Basically, I am a closet gay.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin masabi sa mga magulang ko na hindi babae ang gusto ko. Hindi ko alam kung paano ko ioopen up sa kanila, lalo na at nag-iisa lang akong anak. Na sa buong buhay nila, ay hindi nila mararanasan magkaapo pa.

Nahihiya na nga ako minsan kay Mariel. Napagkakamalan na mag-jowa kami ng mga katrabaho namin. At minsan na rin kaming napagkamalan magulang ko. But that was before. Alam na ng mga magulang ko na magkaibigan lang talaga kami.

Gusto ko ng klaruhin sa iba na hindi naman talaga kami, pero pinigilan ako ni Mariel. Balewala lang naman raw rito ang mga balitang kumakalat tungkol samin, kaya maigi pang hayaan ko na lang.

Actually, isa sa mga barkada namin ay ang boyfriend nito, si Paul. Isa itong architect. Mas gusto rin ni Paul na mapagkamalan na 'dating' kami dito sa workplace namin, para walang umaaligid na lalaki kay Mariel. Maganda nga naman kasi si Mariel, matangkad at mestiza. Since both were fine with it, pumayag na ako.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.

Nag-PM si Mariel. Binasa ko ang laman ng message nito. Nag-send ito ng mga listahan ng mga kailangang bilhin para sa apartment..

"Ge." Sagot ko rito.

Dinouble check ko ang trabaho ko, at tinignan kung may nakalimutan pa ako gawin bago nagpaalam rito. "Una na ako beks." She waved her hand without looking at me.

Please be mine. (BOOK I)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz