Speculations (UD7)

574 20 0
                                    

Pagdating nila Maris sa Alonzo Hospital ay nagmadali silang nagpunta sa emergency room. Litong-lito na hinanap ni Maris ang kanyang tatay.

"Nasan si tatay?" Nanginginig na tanong niya sa mga kaibigan.

"Relax Maris baka naman nakauwi na..." - Edward

"Tito's in room 201 daw." Sabi ni Ronnie habang papalapit ito sa kanila galing information.

Pagpasok nila sa room 201 ay agad na yumakap si Maris sa kanyang tatay. Pinunasan niya ang kanyang luha at humalik siya sa noo nito, habang hinahaplos ng bunso niyang kapatid na si Darren ang likod ni Maris.

Nagising ang kanyang tatay...

"Tay... please po... tumigil na kayo sa trabaho..."

"Kaya ko naman... ubo lang 'to..."

"Haay... ang tigas talaga ng ulo nyo."

"Ilang beses ko ng sinabi yan kay tatay, ate."

Natigil sila sa pag-uusap ng dumating ang doktor.

"Kamusta na po Tatay?"

Ngumiti lang ang tatay ni Maris.

"Tay... makinig na po kayo sa mga anak nyo, mukang mababait ang mga batang ito... Ikaw ba ang panganay na anak?" Tanong ng doktor kay Maris.

"Opo."

"Pwede ba kitang makausap sa clinic ko?"

Tumango si Maris

~~~~~~~~♡~~~~~~~~

Kinabukasan sa Forja Colleges...

Pagbaba ni Loisa sa kanyang car ay nasa gate na ng Forja si Inigo. Nakasandal ito sa wall habang nag-aantay kay Loisa.

Napabuntong hininga si Loisa nang makita nya si Inigo.

"Inigs, why so early?"

"Waiting for you."

Umiling si Loisa.

Hindi alam ni Loisa na nasa likuran lang nila si Ronnie habang naglalakad sila papunta sa classroom.

"When are you gonna stop, Inigs?"

"Why are you asking me that again? Am i really that annoying?"

Hindi umimik si Loisa. Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa likod ng batiin ng mga estudyanteng babae si Ronnie.

"Hi Ronnie!" Kinikilig na bati ng mga estudyante.

Kumindat si Ronnie sa mga girls at ngumiti. Halos mahimatay ang mga estudyante sa ngitin ni Ronnie.

Umirap si Loisa kay Ronnie, hinila niya si Inigo at nagmadali itong naglakad papunta sa kanyang  classroom.

Ronnie's POV

Huh! Inirapan nya ko? Anong ginawa kong mali? Kahapon sinabihan nya ko ng mayabang, tapos ngayon... witch! haysss... Lagi na lang niya kasama yung mokong na yon.

Author's POV

Binitawan ni Loisa ang kamay ni Inigo nang makalayo sila kay Ronnie.

"Wag mo na ko ihatid sa room."

Hindi na umimik si Inigo, tumango na lang siya at pinagmasdan si Loisa habang papalayo ito.

Pagdating ni Loisa sa classroom ay nakita niyang nakasandal sa wall si Ronnie. Nagmadali siyang naglakad papasok sa room pero natigilan siya nang harangin siya ni Ronnie. Ngumiti si Ronnie sa kanya. Kumunot ang noo ni Loisa...

"Arrows of LOVE" (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon