Love and War (UD9)

318 11 0
                                    

(Ud9)

Saturday, sa bahay nila Loisa...

Nag - alarm ang orasan ni Loisa at bigla siyang napaupo. She turned off the alarm at nahiga muli.

"Aaaah... long weekend... haaay..."

Naupo muli siya.

"I'm not gonna waste this beautiful morning!"

Tumayo siya at pumasok sa bathroom. Pagkatapos nyang magshower ay nagbihis siya ng black running shorts, gray razorback tanks with black spaghetti strap tops sa loob nito. Kinuha niya ang kanyang running shoes at isinuot din ito.

Knock knock...

"Yes?"

"Loisa andito ang lolo at lola mo."

"Okay yaya, in a minute.. "

Nag-ayos siya ng buhok at pagkatapos ay lumabas na ng kanyang kwarto.

"Iha... my favorite apo..." humalik si lola Chitra kay Loisa.

Napangiti si Loisa.

"Lola talaga... i'm your only apo po."

"Ay oo nga pala."

Humalik si Loisa sa kanyang Lolo Leon.

"Ang aga naman ng gising mo ngayon. Weekend naman, dapat sinusulit mo ang pagpapahinga mo." - lolo Leon

"Eh 'lo, lalo po akong nanlalambot kapag nasa bahay ako."

"Hayaan mo na yan Leon, hanggat bata pa kelangan talaga nya yang exercise. Palibhasa hindi ka na maka - exercise."

"Sino kaya sating dalawa huh..."

"'La, 'lo, mag-uumpisa na naman kayo. Kumain na po kayo. Nagprepare si yaya ng masarap. Alis na po ako."

Pagkalabas ni Loisa ng bahay ay lumingon siya sa bedroom window ng kanyang mommy. Naisip nya na tulog pa siguro ito. Malamang uminom na naman ito. Isang bagay na ikinakalungkot ni Loisa.

Agad na nag - umpisang magjog si Loisa ng makarating siya sa plaza. Sa pangalawang ikot nya ay may sumabay sa kanyang isang lalaki... gwapo, matangkad, macho, parang kahawigan ng mga relatives ni Loisa kung titigan ito.

"Hi..." - mr. anonymous

"Hi..." sagot ni Loisa habang nagjajog sila.

"Ahmn..." ngumiti ang lalaki sa kanya at ngumiti rin si Loisa pero may halong pagtataka.

"Hi..." - mr. Anonymous

Tumigil si Loisa sa pagtakbo kaya napatigil sin ang lalaki.

"Stop with the 'hi'" nakangiting sabi ni Loisa.

"Uh... I'm sorry... amn... I'm Jameson..."

Nakipagkamay ito kay Loisa at inabot naman niya ito.

"I'm Loisa."

"I know."

"Huh?"

"I mean, I'm also from Forja..."

"Aahh.."

"Amn... uh... may boyfriend ka na ba?"

Sasagot na lang sana si Loisa ng biglang inakbayan siya ni Ronnie at tinakpan ang nito ang kanyang bibig.

"Hi! I'm Ronnie and I'm her fiancé."

"Uh... sorry to bother you..."

Umalis agad si Jameson at ng makita ni Ronnie na malayo na si Jameson ay agad na binitawan niro si Loisa. Inis na inis si Loisa sa ginawa ni Ronnie.

"The hell with you?!"

"Huh! I just... saved you. Wala bang thank you diyan?" Pagyayabang ni Ronnie.

"What? Save me from what?"

"From him! You know, I know him and I know that he's not good for you."

Hindi maipinta ang muka ni Loisa sa sinabi ni Ronnie habang nakangiti lang si Ronnie sa kanya.

"You?" Biglang tumawa si Loisa.

Medyo napikon si Ronnie sa pagtawa ni Loisa.

"Ikaw pa talaga may lakas ng loob magsabi sakin nan ha" sabay tawa ni Loisa habang lumakad na ito papalayo kay Ronnie.

"Huh! Witch... may araw ka rin..." nagjog si Ronnie palayo kay Loisa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa May coffee shop...

"Loisa?"

"Hey Maris... Lemonade please." Habang hinihingal siya.

"Wow buti ka pa may time mag - jog."

Iniabot ni Maris ang Lemonade kay Loisa.

"It's my weekend routine. Masaya ko pag nagjajog."

"Parang hindi naman."

"Eh pano may nambwisit... speaking of the..."

Tumabi si Ronnie kay Loisa.

"Hi baby..."

Nagulat si Loisa sa sinabi ni Ronnie. Hindi nya malaman ang magiging reaksyon nya dahil sa harap harapan na ginagawa ni Ronnie sa harap ni Maris. Nagulat din si Maris sa sinabi ni Ronnie kaya napatakip siya ng bibig. Agad na tumayo si Loisa at umalis. Nakangiti naman si Ronnie habang kinuha niya ang lemonade na naiwan ni Loisa at ininom nya ito. Lalo ng nagulat si Maris.

"Hmmn... taste so sweet..."

Pinalo ni Maris si Ronnie sa balikat na ikinagulat ni Ronnie.

"Ouch!"

"Bayaran mo yan! Hindi pa siya bayad!"

Pumasok naman si Edward sa loob ng shop.

"Anong nangyari kay Loisa? Parang badtrip na nahihiya, hindi maipinta muka, ang pula pa!"

"Today, I declare... love and war!" - Ronnie

"Arrows of LOVE" (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon