The Bet ~ wrong move (UD11)

274 12 1
                                    

At Forja Colleges, nakasandal si Ronnie sa labas ng kanyang car habang pangiti-ngiti siya.

"Para kang sira ulo dyan brad." - Edward

"I just realized something bro..."

Kinuha ni Edward ang sandwich sa kanyang bag at kumain ito, "at ano naman yon?"

"That she likes me too..." sabay turo nya kay Loisa.

Inubo kunwari si Edward, "okay ka lang brad? E hate na hate ka na nga nya".

"Yun na nga eh, hate means love..."

Napaisip si Edward.

Hate din ako ni May at hindi naman suplada sakin si Loisa. Siguro nga kaylangan ko na bitawan si Loisa. Stick to one na ko simula ngayon.

"Hmmn... pede..."

"Bro trust me, I know she likes me."

"Sabi mo eh... ah ganto na lang, pustahan na lang tayo!"

"Tss!"

"Pag napasagot mo si Loisa sa loob ng isang buwan... bibigay ko sayo collections ko."

Matagal ng hinahangaan ni Ronnie ang mga vintage toy car collections ni Edward na nakatabi sa bahay nila Ronnie. Wala na siyang mahanap na katulad non kahit madami pa siyang pambili. Koleksyon iyon ng namatay na tiyuhin ni Edward. Humarap siya kay Edward.

"You sure?"

"100% sure!"

Ngumiti si Ronnie.

"'Wag kang pakasiguro brad..  'pag hindi ka sinagot ni Loisa ibig sabihin talo ka, akin na ang kotse mo."

"Tss! Sure!"

Nanlaki ang mga mata ni Edward sa sagot ni Ronnie.

"Seryoso ka brad?"

"Yeah... it's nothing compared to your toy cars."

Iba talaga 'pag mayaman... Isip ni Edward

~~~~~~~~~~~~~~~~♡♡♡~~~~~~~~~~~~~~~

Habang nakaupo si Loisa sa bench sa pathway ng Forja ay lumapit sa kanya ang isang estudyanteng lalaki.

"Loisa... may nagpapabigay sa'yo." Iniabot ng lalaki ang napakagandang bouquet of red roses kay Loisa pero biglang napahaching si Loisa.

Tinakpan ni Loisa ang ang kanyang ilong at bibig at maya-maya ay humaching na naman. Napaisod ang lalaki at kuno't noong pinapanood si Loisa. Halos mamula ang ilong at mga mata ni Loisa kakahaching.

"Kan... kanino galing yan?" Naiinis na tanong ni Loisa.

"Ahh... doon o..." tinuro ng lalaki ang nakadekwatrong nakaupo na lalaki sa di kalayuan sa kanila.

"Pakisoli please, allergic ako sa roses." Sabay haching nya.

Kumamot sa batok ang lalaki at umalis na.

Ronnies POV

May sakit ba siya? Okay naman ang weather ngayon...

Lumapit ang isang lalaki sa kanya at iniabot ang bouquet of roses kay Ronnie.

"Allergic daw siya diyan."

Itinapon ni Ronnie ang roses sa trash can at nagbuntung hininga. Inabot nya sa lalaki ang one thousand pesos at sinenyasan nya ito na umalis na. Kinuha nya ang kanyang mobile phone at tinawagan si Maymay.

"Hi Ronnie dear..."

Nilayo ni Ronnie ang phone nya sa kanyang tenga dahil sa lakas ng boses ni Maymay.

"You said she like roses?"

"Ahh... did I said that? I said she love orchids..."

Pumikit si Ronnie at nagbuntong hininga.

"Okay thanks."

Pinatay nya ang kanyang phone at nagmadali siyang nagpunta sa kanyang sasakyan.

Maymays POV

"Hmp! puro ka Loisa, 'pag di Loisa Maris naman... hayyys... kelan mo kaya mapapansin ang beauty ko? Oh i forgot!"

Nagmadaling naglakad si Maymay papunta sa kanyang kotse.

~~~~~~~~~~~~~♡~~~~~~~~~~~~~~

Binuksan ni Inigo ang gamot at iniabot niya ito kay Loisa. Ininom ito ni Loisa.

"Who gave you that roses ba?"

"I don't know..."

Kunyaring hindi alam ni Loisa pero nakita naman niya si Ronnie ng ituro ito ng estudyante na nagabot sa kanya ng bulaklak.

Lumapit si Maymay kay Loisa at niyakap nya ito. Iniabot niya ang antihistamine meds kay Loisa.

"How'd you know?"

"Amn... can I talk to you alone."

Ngumiti si Inigo kay Loisa at Maymay at lumabas ito ng cĺassroom.

"Sigh... I'm so sorry Loisaaa..." yumakap ulit si Maymay kay Loisa na ipinagtaka naman nito.

"Why?"

"Sabi ko kasi kay Ronnie na you like roses..." sabay tungo nya.

"So ikaw pala..."

"I'm so sorry..."

"You still remember that?"

"How can I forget, eh panay ang sneeze mo when they gave you roses when we were in high school."

Ngumiti si Loisa... "you're forgiven."

"Really?" Nahihiyang tanong ni Maymay.

"In one condition..."

"Anything!"

"Ammn... Let's forget about him."

"Ha?"

"Si Ronnie, kalimutan na natin siya. Alam mo wala naman sakin kung gusto mo siya. Pero wag sana makaapekto sa blooming friendship natin."

"Yah, nahihiya ako sayo... sorry talaga, I mean it."

"I know. Wala na yun."

Nagyakapan sila at biglang napahaching si Losa.

~~~~~~~~~~~~~♡♡~~~~~~~~~~~~~~~

"Arrows of LOVE" (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon