Chapter Four

1.7K 58 0
                                    

Chapter Four

At 'yong akala kong natulala siya dahil sa sinabi ko, pwes nagkamali ako. Dahil bigla na lang siyang humagalpak ng tawa.

"Anong Thea? Klea nga! Klea! Gets mo? Grabe nakakatawa ka." She even held her tummy, eyes shut closed while laughing her ass off. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumuso siya. Muntik na akong masuka. Hindi niya ba alam na naiirita ako sa kaniya?

"Magagalit na nga lang, mali-mali pa mine-mention na pangalan." Bulong niya pero dinig ko.

"Narinig kita!" Singhal ko sa kaniya. Itong babae na 'to sakit sa akin sa ulo!

She grinned. "Peace." Sabi niya habang nag-peace sign pa.

Sa inis ko, "Baka gusto mong isunod kita don sa mga nang-away sa akin, ha?" Hamon ko.

"Eh? Ito naman hindi na mabiro." Ngumuso ulit siya.

"Huwag kang maingay kung ganon!" Inis na sabi ko tsaka tinalikuran siya. Nakakainis! Bakit ako pa pinag-trip'n non?

"Okay po!" Sigaw niya. Napapikit na lang ako sa inis! Bakit ba may babaeng ganiyan? Gusto ko lang naman ng tahimik pero mukhang hindi pumapabor sa akin ang tadhana dahil sa babaeng 'to.

Mabuti na lang at hindi na ako binagabag pa 'yong Klea na 'yon. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil don pero ang tingin sa akin ng mga estudyante sa paligid ay ganon pa rin. Wala pa man silang sinasabi ay parang sinusumpa na nila ako. Pero pake ko sa kanila.

Hanggang sa pag-uwi ay hindi nila ako tinantanan. Kulang na lang ipabaon na nila sa akin 'yong mga mata nila, masamaan lang nila ako ng tingin pagkauwi ko. Tss. Mga tao talaga.

Naglalakad ako pauwi. You heard it right. Hindi pa kasi napapaayos 'yong motor na bigay sa akin ng daddy ko. Habang naglalakad ako biglang may kotseng humarurot sa tabi ko, at sa sobrang bilis niya magmaneho muntik na naman akong mabangga. Mabuti na lang at hindi maulan ang panahon ngayon dahil kung oo, natalsikan na ako ng putik sa mga oras na ito. Sinamaan ko ng tingin 'yong kotse, pero sandaling kumunot ang noo ko nang namumukhaan ko ang sasakyan na iyon. The Maybach. At alam na alam ko kung kanino 'yon.

Siya na naman...

Inuubos niya talaga ang pasensya ko. Wala ba siyang alam gawin kundi ganon? Ang muntikan akong banggain? Tss. Naturingang gangster.

Teka, gangster ba talaga siya?

Nasa tapat na ako ng village namin nang makita ko na naman 'yong limang lalaking humarang sa akin kahapon. Taas-noo nila akong tinitingnan habang nakangisi, magka-cross pa ang kanilang mga braso na akala mo ikina-cool nila. Ikina-baduy lang nila 'yan. Tss.

"Ano na namang pakulo 'to?" Nagkamot ako ng batok. Pinapakita sa kanila na nabuburyo akong tingnan sila.

"Mayabang ka pa rin pala talaga no? Porque nabugbog mo kami kahapon?" Ngumisi ang pinaka-leader nila. Kumunot ang noo ko, anong pinaglalaban nila? Hindi ba nila natanggap na natalo ko sila kahapon? Nasaktan ko ba ang ego nila? Kung ganon, pasensyahan na lang. Mas magaling ako e.

"Mga bata!"

Nagtawag siya ng mga bata niya daw. Tingnan mo nga naman, ano. Nagtawag pa ng mga bata? Loser talaga.

"Gulpihin niyo siya."

Ngumisi ako. "Bakit hindi ikaw ang lumaban, ha? Takot ka?" Nanghahamon na tanong ko habang pekeng ngumunguya.

"Baka ikaw ang natatakot kasi hindi mo sila kaya?"

"Asa boy!" Nakangisi kong sigaw. Dahil sa sinabi ko, sumama ang mukha niya. At inaamin ko, mas pumangit siya don.

"Gusto niyo pala away, a? Sige na nga pagbibigyan ko kayo." Nakangiwi kong sabi.

Dahil naka-tshirt ako, tinaas ko ng maigi ang kamay nito patungo sa balikat ko. Pinosisyon ko ang aking sarili sa pakikipaglaban, pito sila ngayon. At dahil don, mas ginanahan ako.

"Wag ka munang magyabang!"

Umiling ako. "Let's just get this shit over with, you loser." I bet he didn't understand that. At tama ako, dahil sandaling kumunot ang noo niya at nagtatanong itong tumingin sa kasama niya na nagkibit-balikat lang. Mga ugok!

"Ano pang ginagawa niyo?! Labanan niyo na!" Sigaw niya at agad naman nila akong sinugod.

Astang susuntukin ako ng isa pero nakailag ako at pinagsusuntok ko naman agad 'yong nakaharap ko. Isa. Pagkatapos ay sinipa ko ang nasa gilid ko ng buong puwersa. Dalawa. Tumalon ako, nag piggy-back ride ako sa isang lalaki at siniko ang ulo nito tsaka sinampal ang magkabilang tenga nito. Nakita ko pa itong namilipit sa sakit. Tatlo. Patalikod akong bumaba, kaya nakapag-bending ako, sakto naman na susuntukin ako ng isang lalaki sa likod ko at dahil nakabending ako, 'yong kasama niya ang nasuntok nito. Apat. Tinaas ko ang mga paa ko at agad na sinipa ang lalaking nasa harap ko, take note, sinipa ko ang future niya. Lima. Tsaka ako nagmadaling bumangon. Sinuntok ko sa mukha ang isang lalaki, nakita kong dumugo ang ilong nito, sinuntok ko pa ulit tsaka tinuhod siya. Anim. Humarap ako sa isa pang lalaki, kita ko ang takot sa kaniyang mukha. Napangisi ako.

"Ano pang ginagawa mo? Sugurin mo na!" Sigaw ng ugok na loser.

Dahil sa takot ng lalaki ay kumaripas na ito agad ng takbo. Napamura ang gago.

"Ano? Lalaban ka?"

"Iba ka talaga! Di bale, hindi pa ito nagtatapos ang lahat! Magtutuos pa tayo!" Galit na usal niya.

"Ikaw ba nakipagtuos kanina? Hindi naman, a?" Takang tanong ko. Nang-aasar. Siniringan niya lang ako tsaka siya nagdabog paalis. Napa-tss na lang ako. Naka-ilan na ba ako ngayong araw na ito? Mukhang napapadalas na pakikibag-away ko, ah? Sana lang hindi mabangasan mukha ko nito. Tss. Pumasok agad ako sa village. Buti na lang wala 'yong guard kanina sa harap ng gate kundi lagot ako. Pero hindi naman ako nakataas sa CCTV. But, whatever.

Nang makapasok ako sa bahay...

"Hey, mom." Bati ko.

"Anak, how's school?"

School? School is disaster, mommy, but "Great." Tipid akong ngumiti.

"Mabuti naman kung ganon." Yeah. I guess.

"May surprise nga pala ako sa'yo." Ngumiti siya ng malapad. Ako naman ay nagkunot lang ng noo.

"What is it this time, mom?"

"Come on, let me show you." Tapos hinila niya ako. Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa kakulitan ng mommy ko.

"Tadah!"

Nanlaki ang mga mata ko. It's my freaking Ducati motorcycle! And it's good as new!

"Shit! Thanks, mommy! Mukha na ulit siyang bago!" Masayang sambit ko.

"Language." Aniya habang naka-crossed arm.

"Sorry. Thanks again, mom." Ngumiti ako sa kaniya.

"Anytime for my baby." Umasim ang mukha ko.

"Mom?"

"What?"

"I'm not a baby anymore." I frowned. Ngumuso siya. Minsan naikukumpara ko na siya kay Klea e kahit ngayon ko lang siya nakilala. Tss.

"Fine. Oh, sige na anak, I'll prepare you meryenda, okay?" Ngumiti ako tsaka tumango.

"Thanks, mommy." Kung sa labas, wala akong kinatatakutan, maangas man, walang puso, nahihirapang ngumiti pero pagdating sa mommy ko, nagiging ganito ako. I love my mom so much.

Ngayon ay pinagmasdan ko naman ang motor ko. My Ducati. Black na black ang kulay nito at parang kumikislap pa. Parang kabibili lang e. Namiss ko tuloy gamitin 'to. Hmm, bukas na bukas din. It's gonna be a big day tomorrow.

END OF CHAPTER.

Kindly pressed the vote button and leave a comment. Thanks! :* Anyway, so, I just decided na h'wag ko na pala siya i-edit. I want to see my works from beginning 'til now kasi hehe. Tingnan ko kung gaano kalaki pinagbago ko. Thank you again!

The Lost Heiress (Completed) Where stories live. Discover now