Chapter Twenty-Nine

1.1K 27 0
                                    

NAGISING AKO isang umaga na may ngiti sa labi. Wow! I never thought na gigising akong naka-ngiti. Akala ko habang buhay na akong makikipagbasag ulo. Akala ko habang buhay na akong bato ang puso. But here I am.

Deretso akong pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos kong naligo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko at hinayaang nakalugay lang 'yon. Nagsuot ako ng black pants at maroon t-shirt. Nang matapos ako sa pag-aayos ay bumaba na kaagad ako.

Nasa hagdan pa lang ako ng marinig ko ang boses ni daddy. Siguro may kausap na naman sa phone. Napapadalas na ang pagtawag niya sa phone, ah? Baka nagka-problema na naman siya sa business. Nagpatuloy ako sa pagbaba.

"Act normal at 'wag na 'wag kang papalya!" 'Yon lang ang narinig ko pagkababa ko. Nakita ko siyang galit na galit ang mukha.

"Dad? Is there something wrong?" Tanong ko. Lumingon siya sa akin gamit ang gulat nitong ekspresiyon.

"Kanina ka pa diyan?" Balik tanong niya sa akin, binalewala ang tanong ko. Kumunot ang noo ko tsaka umiling.

"Kakababa ko lang po. Ano po bang nangyari?" Tanong ko ulit. Bumuntong-hininga ito tsaka umiling.

"It's just about the business. Breakfast?" Sabi niya at iginaya ako sa kusina. Tumango ako at sumabay na rin sa kaniya.

"Good morning, anak!" Bati sa akin ni mommy pagkarating namin sa kusina. Kasalukuyan siyang naghahanda ng pagkain sa lamesa. Umupo kami ni daddy.

"Good morning, mom." Bati ko rin sa kaniya.

Nagsimula kaming kumain. Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si daddy.

"May nakikita ka bang bagong mukha sa school niyo, Audrey?" Tanong nito. Tiningnan ko siya at sandaling kumunot ang noo ko. Bakit naman magtatanong si daddy ng ganitong bagay?

"Meron po and she's a girl. Bakit?" Sagot ko.

"Uh, her name?" Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Well, she said Red Skyler Vasquez." Sabi ko.

"Why do you asked, dad?" Tanong ko. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Anong meron? Umiling siya tsaka nagpatuloy sa kaniyang kinakain. May tinatago ba si dad sa akin? Hindi naman siya ganito dati. Umiling ako. Baka nagkataon lang.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako kina mommy para pumasok. Pero pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa school ay panay na ang titig sa akin ng mga estudyante. Ano na naman ang meron? Kung gusto nila nang gulo, puwes ako hindi.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko na lang sila pinansin. Ayokong madagdagan ng bad vibes ang mood ko. Mahirap na!

Habang naglalakad ako sa hallway ay biglang may humarang sa akin na grupo ng mga kababaihan. Napatigil ako sa harap nila. Tapos na 'yong paghahanap namin sa tagapagmana ng mafia. Tapos na 'yong mga mala-impyernong dinanas ko. Tapos ano na naman ito?

"What is it this time?" I asked coldly. Nakapamulsa at tamad ko silang tiningnan isa-isa.

"Baka nakakalimutan mong nakalista ka pa rin sa black list?" Taas kilay na sambit nang isang babaeng nasa gitna. Batid kong siya 'yong pinaka-leader nila.

"So?" Nanunuya kong tanong.

"Hindi ka ba natatakot?"

"Why would I be afraid of some uncultured swines?" Nakangisi kong sinabi.

Nakita ko siyang nagngitngit sa galit. Lumapit siya sa akin at sinabunutan niya ako. Damn it hurts! Sinubukan kong kumalas pero may dalawang babaeng lumapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso. Shit! Wala na akong kawala. Tumigil sa pagsabunot sa akin 'yong babae at tinitigan ako. Sinampal niya ako sa magkabila kong pisngi. Tangina!

The Lost Heiress (Completed) Where stories live. Discover now