Chapter Six

1.6K 34 0
                                    

Chapter Six

"PAANO MO nagawa iyon?" Tanong ni Klea sa kaniya. Humarap agad si Audrey rito.

"Nakapagtataka ba 'yon?" Inis na tanong nito. Seriously? Hindi dahil pala-away siya ay wala na siyang alam sa mga ibang bagay. Hindi siya puro yabang lang. Hindi siya bobo. At kahit ganyan siya ay may ipagmamalaki rin naman siya sa academics hindi katulad ng mga bitch girls na maarte na nga, wala pang alam.

"Err— hindi naman. Ang galing mo nga e! Tara na."

Hinila na niya ito papunta sa susunod nilang klase.

HABANG NAGLALAKAD sina AC, Kenneth at Cyrus sa hallway ay tili ng tili naman ang mga babaeng nakakasalubong nila. Hindi na talaga maiiwasan sa kanila ang ganito. Of course, they are handsome and downright gorgeous. Mula ulo hanggang paa. Pero hanggang tili lang ang mga ito, wala ni isa ang nagtangkang lapitan sila o kausapin man lang dahil sinisiguro nilang putol-putol ang mga buto nila kapag ginawa nila 'yon — not literally. Puwera na lang kay Kenneth dahil araw-araw, minu-minuto, iba-iba ang babae.

"Grabe, hindi talaga nawawala ang charms natin 'no." Halakhak ni Kenneth sa mga kaibigan niya. Cyrus just rolled his eyes of what Kenneth said.

Kenneth and his playful remarks will going to be the death of Cyrus. He had enough with him playing around with girls and he doesn't want to meet this other side of Kenneth. So cocky.

Nang makarating sila sa tapat ng pinto ng classroom nila ay binuksan nila kaagad 'yon. Humarap ang teacher sa kanila at handa na silang pagalitan ngunit nang makita ng teacher kung sino ang mga ito ay hindi na siya umimik.

"Ma'am they're late. I think you should punish them, right?" Napalingon si AC sa nagsalita at hindi niya inaasahang 'yong babae na naman 'yon. Magka-klase pala talaga sila?

"Do you think pakikinggan ka niya?" Nakangiwing anito.

"Why not? She's a teacher, after all."

"You don't know me. I'm the boss here."

"Sa itsura mo? You're not considered as one."

"Pwede ba? Tumahimik na kayong dalawa. Let's begin our class. At kayong tatlo naman, magsi-upo na kayo." Saway ng teacher sa kanila.

Habang sina Audrey at AC naman ay nakatingin pa rin sa isa't isa. 'Yong nag-aalab na tingin. 'Yong nakakatakot. Wala sanang mag-iiwas sa kanila ng mga nagbabagang tinginan kung hindi lang siya kinalabit ni Kenneth. Naglakad papunta sa likod si AC at nang nasa gilid na niya ito si Audrey ay nagsalita siya.

"Humanda ka sa akin, stupid."

Pagkatapos ay umupo na siya sa mismong likod.

Lunch break at nasa tambayan na naman sila. All twelve of them.

"Alamin mo nga pangalan ng babaeng 'yon!" Inis na sabi ni AC sa kay Kenneth.

Others were busy playing video games and other stuffs.

"Who?" Kunot-noo at takang tanong naman ni Kenneth sa kaibigan.

"'Yong babaeng akala mo matapang. Akala mo kung sino magaling. Payat naman." Ngumiwi siya.

"Damn, I didn't thought you're that interested to her, huh? Tsaka hindi naman siya masyadong payat, a? Bagay nga sa kaniya e para siyang model." Ngumisi ng nakakaloko si Kenneth. Nang-aasar. Nagsimula na naman ang kalandian nito. Habang si Cyrus naman ay busy sa pakikinig ng music at nakasuot pa ito ng headphone. According to him, ayaw niyang makarinig ng kahit na anong kalokohan na nagmumula sa bibig ni Kenneth.

Interested? To her? Not in a million years. Tsaka ano? Model? What the hell? Bakit siya magkaka-interesado sa babaeng 'yon? He just wanted to know her name. That's it. Ano bang mali don? Wala naman yata?

The Lost Heiress (Completed) Where stories live. Discover now