Chapter Nineteen

1.2K 34 3
                                    

"AUDREY, are you okay?"

Mabilis na nilingon ni Audrey kung sino ang nagsalita, hindi pa man niya namumukhaan ito ay agad na siyang nagsalita.

"Sino ka? Lumayo ka sa'kin. 'Wag mo akong babarilin!"

"Wait-- what are you saying? Hindi kita babarilin. Tsaka wala naman akong dalang baril for pete's sake."

"Hindi mo ba kami natatandaan?"

Base sa kanilang mga boses ay sina Cyrus at Kenneth ito. Pero wala na siyang pakialam ngayon. Gusto na niyang maka-uwi baka kung ano pang mangyari sa kaniya. Kaya siya nagkaka-ganito ngayon ay dahil sa kaniyang panaginip o bangungot na kung tawagin. Bakit naron ang kaniyang ina? Bakit tinatawag iyong batang babae ng mommy ang kaniyang ina? Sino ba talaga ang batang babae na 'yon?

"Gusto ko nang umuwi." Iyon ang lumabas sa bibig ni Audrey.

"Kagigising mo lang baka kung mapano ka. Tsaka hindi ka pa okay. You know what, take a rest." Ani Cyrus habang naka-crossed arm ito.

Umupo naman si Kenneth sa sofa dito sa gilid ng kaniyang kwarto sa ospital tsaka malakas na bumuntong-hininga na para bang na-relieve siya sa kaniyang pag-upo.

"Yeah. Take a rest, Audrey." Sabi ni Kenneth nang maka-upo ito.

Kumunot naman ang noo ni Audrey tsaka siya nagsalita. "No! Kailangan ko nang umuwi!" Hindi niya mapigilang isigaw 'yon.

"Hindi nga pwede. Lagot kami."

Mas lalong kumunot ang noo ni Audrey. "Kanino? Wait-- Ano ba kasing nangyari sa'kin? Ba't ako na-ospital?" Audrey fired them with random questions.

Agarang napatingin ang dalawa sa kaniya. Nagtataka.

"You don't remember?" Sabay na tanong ng dalawa.

Ang naaalala lang ni Audrey ay 'yong nahimatay siya dahil may kung bagay ang tumama sa kaniyang ulo. Hindi niya nga maalala kung sino ang kasama nito nong gabing 'yon. Dahil ba kaya sa pagkaka-tama ng bagay na 'yon sa kaniyang ulo at nawala ang kaniyang alaala? Pero habang inaalala niya ang bawat detalye ng pangyayari ay unti-unting nabubuong imahe sa kaniyang isip.

Basement. Ang dalawang grupo. Ang Black Knights at Exodus. Si Russell nang hinila niya si Audrey. Nakipaglaban siya rito. Tsaka siya natamaan nang kahoy sa ulo. Nawalan siya ng malay. At si... AC? Ang huli niyang nakita sa kaniyang pagpikit ay si AC. Bakit?

"Fuck!" She cursed out of nowhere.

"So, naalala mo na?" Taas-kilay na tanong ni Kenneth sa kaniya.

"Sino 'yong gumawa nito sa'kin?" She asked coldly. Ang mga kwestyonableng tingin nito kanina ay napalitan ng walang ekspresyon na tingin. Sa pagkakataong ito, sisiguraduhin niyang magbabayad ang kung sino man ang may gawa nito sa kaniya.

"Back to beast mode again. I guess." Bulong ni Kenneth.

"Actually, we didn't know. Ask AC about that thing, siya ang nakakita ng lahat." Si Cyrus ang sumagot sa tanong ni Audrey.

Saktong pagbukas ng pinto ay ang pagluwal nito ng isang bulto ng lalaki. No other than AC.

"Gising ka na pala." Bored niyang sabi kay Audrey. "Heto, kainin mo." Itinapon niya sa mismong harap ni Audrey ang pagkain na dala nito tsaka siya umupo sa sofa katabi ni Kenneth.

"No thanks." Aniya tsaka akmang tatayo.

"Hey, hindi ka pa okay!" Mabilis na tumayo si AC at agad na lumapit kay Audrey para pigilan ang pagtayo nito.

"Ano bang problema mo?" Kunot-noong tanong nito sa kaniya.

"You need to rest, dang it. Baka mapano ka!"

"Thanks for your concern but I just really need to go. Umalis ka nga sa harap ko!" Aniya tsaka niya tinulak ito.

"Ano bang problema mo?!" AC's voice boomed inside the room. The way he stare at Audrey's eyes looks like he wants to strangle someone because of his irritated look. Naiirita siya dahil sa inaakto ni Audrey. Ano bang nangyayari sa kaniya?

Hindi na nagsalita si Audrey at nanatiling sinamaan nito ng tingin si AC. Naiinis siya rito. Bakit ba kasi ayaw niya itong pauwiin? Nag-aalala siya sa mga magulang niya lalong-lalo na ang kaniyang ina. Kung ano man ang napanaginipan nito ay sana hindi iyon magkatotoo.

Ilang oras pa ang pinalipas ni Audrey bago siya nakalabas ng ospital. Sabi naman ng doctor ay pwede na siyang makalabas as long as hindi muna siya magpapaka-pagod at mapapaaway. Tumango lang ito at hindi na inabala ang sunod na sinabi nito. Agad siyang lumabas ng ospital at hindi na niya hinintay pa ang tatlo na kasalukuyang nakikipag-usap sa doctor. Hindi na rin ito nagpasalamat sa ginawa nilang tulong para sa kaniya.

Saying the word thank you is not her thing.

"SALAMAT doc."

Matapos makipag-usap ang tatlo sa doctor ay nilingon nila ang kama kung saan don nakahiga si Audrey pero laking gulat nila nang makitang wala na ito ron. Malakas na napamura si AC dahil sa inis.

"Nasan si Audrey?" Inis na tanong nito sa dalawa.

"The fuck, man? Kita mong nakikipag-usap tayo sa doctor tapos sa amin mo siya tatanungin?" Depensa ni Kenneth sa sarili.

"Baka lumabas na." Cool na sabi ni Cyrus.

Marahas na ginulo ni AC ang buhok at dali-daling lumabas sa hospital room at hinanap agad si Audrey.

"Malilintikan ka talaga sa'king babae ka!" He hissed. Nang makarating siya sa parking lot ay walang sabi-sabing sumakay siya sa kaniyang kotse at agad na pinaharurot ito na parang wala nang bukas.

Ilang minuto pa lang ay namataan na niya kaagad si Audrey na naglalakad sa tabi ng kalsada.

"Wala ka talagang kadala-dala." Inis na bulong nito sa sarili. Mabilis siyang lumapit don at itinabi ang kotse nito malapit sa kaniya. Mabilis siyang bumaba at walang sali-salitang hinatak niya ang braso ni Audrey at isinakay sa kotse nito sa front seat.

"Ano ba!" Sigaw nito nang mai-sakay na niya ito sa kaniyang kotse. Walang imik si AC hanggang sa nakasakay na siya sa kaniyang kotse. Pinaandar niya ang kotse at pinaharurot agad iyon.

"Gago! Ibaba mo nga ako dito." Sigaw niya ulit pero hindi nagsalita si AC.

"Ano bang problema mo?! Ha?!" Sigaw niya ulit rito sa mismong mukha niya. Humugot ng malakas na buntong-hininga si AC at humarap kay Audrey. Itinigil nito ang kaniyang sasakyan sa gilid.

"Tingnan mo nga ang itsura mo! Nakaband-aid na nga ulo mo! Tapos makikita kitang maglalakad kung saan-saan?! What the fuck is wrong with you?! Ganon na ba inis mo sa akin para ayaw mo akong makasama, ha?!" Sigaw nito na ikinatulala ni Audrey. Ganon din si AC, hindi niya inaasahang ganon ang lalabas sa kaniyang bibig. What the fucking fuck?! What in the world did he just say?!

"I mean, kami ang may kasalanan nito kaya responsibilidad ka namin tapos magkaka-ganiyan ka lang?" This time hindi na siya makatingin sa kaniya.

"Okay sige. Hindi mo namang kailangan sumigaw e." Nag-iwas ng tingin si Audrey. Ewan niya pero iyong mga sinabi ni AC ay iba ang naging epekto sa puso niya. Parang tumalon ito ng bahagya. Tanginang ka-kornihan!

***

Lame talaga huhuhu

The Lost Heiress (Completed) Where stories live. Discover now