9: #PBBDalaw

9.7K 287 47
                                    

"Maligayang pagdating sa bahay ko." bati ni Kuya sa apat na bisita na nasa confession room. "Hi kuya." bati nang isang babae na nakaupo ngayon sa seat. "Gusto niyo na bang makapasok sa bahay ko?" tanong ni Kuya.

"Opo, pero palabasin niyo po kami please." biro naman ng isa. "Ako kuya, free ako." sabi naman ng isa. "Eto si boy raket." kantyaw naman ng isa pang lalaki na nakatabi sa babae sa gitna ng confession room.

"Nasa activity area ang housemates, sa loob ng isang linggo kailangan nilang maka 10000 3 point shots." paliwanag ni Kuya sa apat. "Maaari niyo ba silang tulungan?" he asked kaya tumango naman ang apat. "Oo naman Kuya!! O my gosh, I'm so excited." sagot nang babae. "Sige na, inaantay na nila kayo, excited na yata si Vice makita kayo. "sabi ni Kuya.

* * * *

"O my gosh!!" sigaw ni Nichole ng bumukas ang pinto sa activity area. Napatayo naman si Vice habang si K ay napanganga nalang. "Brad!!" sigaw ni Vhong kay Vice at naggroup hug silang apat nina Billy at Jhong. Si Anne naman ay naghi agad sa housemates na nastarstruck lang sa mga dumating.

Lumapit naman si K at kahit na pawis na pawis ay yumakap sa namiss na si Anne. "I miss youuuu girl!" sabi ni Anne kay Karylle. Pinakilala naman nila ang housemates sa mga kasama doon sa bahay. Maya maya pa ay tumulong na sila sa pagshoshoot sa basket, si Jhong nga ay tumtumbling pa. After about 2 more hours, pinatigil muna sila ni Kuya sa kanilang weekly task. So far, nakapagshoot na sila ng 840 balls.

Tinour naman nila ang mga bisita sa loob ng bahay. "Namiss kita!" sabi ni Vhong kay K at umakbay pa sa kaibigan. "At ako hindi, Vhong?" Vice twasked at hinatak si Vhong away kay Karylle. "Pinapanood kita lagi!! Akala mo hindi ko napapansin!!" sabi ni Vhong na parang may secret sila ni Vice na sila lang ang nakakaalam. Mismong si Vice ay hindi nagets si Vhong.

"Dito ba kayo magdidinner?" tanong naman ni Karylle kela Billy. "Hindi siguro." sagot naman nito. Nagfrown naman si Karylle and said, "Hindi niyo matitikman luto ni Fourth!!" sabi naman ni Karylle kaya kanya kanya ulit tuksuhan ang mga housemates. "Nagcocooking lessons na nga si Yael sa labas." banat ni Jhong kaya natawa sila. "Baliw kayo." sabi ni Karylle and natawa nalang din.

* * * *

"Tayo nga eh, magusap." sabi ni Vhong ng masolo niya si Vice sa sala ng magaya sila Anne sa garden area at magdip ng paa sa pool. "Bakit?" tanong ni Vice. "Papaalala ko lang na ang tagal tagal nating ginamot niyan." Vhong said na tonong nanenermon at tinuro ang dibdib ni Vice. "Para hayaan mo lang mahulog ulit." sabi ni Vhong. Umiling naman si Vice.

"Ibang iba na ngayon, ano ka ba." sabi ni Vice na gets naman kung anong sinasabi ni Vhong. "Sigurado ka?" sabi ni Vhong. "Matagal na kong magaling di ba? Saka tanggap ko na... saka basta! Hinding hindi na talaga pwedeng bumalik yon." sabi ni Vice looking away. "Ako ba talaga kinoconvince mo o sarili mo?" Vhong asked na seryoso dahil concerned lang talaga siya sa kaibigan. "She stayed." sabi ni Vhong na kahit walang specific details ay naiintidihan ni Vice kung ano at kung sino ang pinaguusapan nila.

"Kaibigan niya ko, kung ikaw din yon I'm sure iisipin din niya kung ano makakabuti sayo." Vice said na pilit umiiwas sa hopia. "Pero iba, Vice!" sabi naman nang mapilit na si Vhong.

"Iba ang set up dito sa loob kung meron man akong maramdaman ulit, alam ko paglabas namin mawawala na din 'yon." Vice said. "Paano kung hindi mawala paglabas mo? Paano kung mareject ka for the second time?" tanong ni Vhong. Natawa naman fakely si Vice sa sobrang pagkapraning ng kaibigan although alam niya na may point si Vhong. "Hindi kaya ako nareject noon... di ko nga lang nasabi.." Vice pointed out.

"Brad..." Vhong said nang naramdaman niyang 'di siya sineseryoso ni Vice. Pinitik naman ni Vice ang leeg ni Vhong and smiled, "Kayang kayang kaya ko 'to. Wag na nating pagusapan dito ayaw kong matsismis pa. Nadaot na nga eh!" sabi pa ni Vice and hinatak si Vhong palabas kung saan nandoon ang iba pang housemates.

ViceRylle All InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon