12: #PBBSomewhereOnlyWeKnow

9K 249 67
                                    

Nauna na ngang pumasok ang boyfriend nina Vickie and Jayme respectively.. kaya naman ng si Karylle na ang pinalapit sa box, ineexpect nang lahat na ang kanyang asawa ang nasa likod noon. Hindi naman niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa pagbukas ng box.

Vice, on the other hand felt numb. Eh bakit naman siya maapektuhan? Wala naman dapat siyang mararamdaman or if meron man dapat maging masaya siya for his friend. "Karylle, buksan mo na." ulit ni Kuya after a few seconds.

"Alex!!!" sigaw ng lumabas mula sa kahon and lumapit kay Alex at yumakap. Natawa naman ang lahat habang si Karylle ay nangiti nalang at napailing na parang narelieve. "Ryan, nagsisimula na ang iyong oras.." sabi ni Kuya referring sa pagtulong nito sa weekly task.

"Ako ang nanay mo pero ang binati mo si Alex?" sumbat ni Vice kay Ryan, sobrang laughtrip naman ang ibang housemates sa reaksyon ni Alex na hindi maipaliwanag ng makita ang naiwang kaibigan. "Nanay, teka lang." sabi nito at nagshoshoot pero hindi man lang tumama sa ring ang mga tira niya.

"Ako nga nilagpasan eh!" sabi ni Karylle na kunwari'y nagtatampo kay Ryan. "Sorry na Ate K, teka lang." sagot naman nito na sinusubukan pa ring magshoot. "Tama na nga yan di ka naman nakakashoot eh!" sabi ni Alex kaya nilapitan nalang ni Ryan si Vice at niyakap. Then, si Karylle.

Mineet naman niya ang ibang housemates. "Ikaw ba si Fifth?" tanong niya kay Fourth. Natatawang umiling naman si Fourth at tinuro ang kakambal. "Bakit?" tanong ni Alex ng makita ang tingin ni Ryan kay Fifth. "Type mo siya?" mahinang tanong ni Ryan kay Alex. Hampas at tawa lang isinagot ni Alex kay Ryan na halata ang pagkaselos.

"Ryan, magpaalam ka na sa housemates." sabi ni Kuya kaya naman yumakap siya muli kay Vice, Karylle at Alex at kumaway pa sa iba. "Bakit si Ryan Bang?" tanong ni Jayme particularly kay Alex. "Crush nga ako noon." sabi nalang ni Alex nang pabiro. "May something kayo?" tanong ni Fifth bigla. Kumunot naman ang noo ni Alex, hindi alam ang isasagot. "Biruan lang yata, hindi ko alam eh."

"Diyan nagsisimula 'yon eh, sa biruan." sabat naman ni Ranty na nakatingin kina Vice and Karylle na pabalik sa Big Brother house para magchange ng clothes since they're wet. "pero bakit kaya hindi 'yung kay Ate K no?" sabi pa ni Vickie.

* * * *

"Sino bang ineexpect mong nasa likod nung kahon?" tanong ni Kuya kay Karylle. Pinatawag siya sa confession room pagkatapos niyang magbihis. "Si Yael po, Kuya." sabi ni Karylle. "Pero po okay lang, masaya naman po 'yung pagdalaw ni Ryan dito sa loob. Ang tagal na po talaga niyang gustong makita si Alex so masaya po ako for him." sabi ni Karylle.

"Ano bang namimiss mo sa labas?" tanong ni Kuya. "Kanina po pinaguusapan namin ni Vice nakakamiss po talaga 'yung trabaho namin, 'yung Showtime po.." sagot naman ni Karylle. "Saka po syempre si Yael.." habol pa niya and sighed.

"Kamusta naman ang pagiging personal alalay ni Vice?" tanong ni Kuya kaya natawa na si Karylle and nabreak ang uneasiness niya sa pagbanggit ng name ni Yael. "Okay naman po kahit ang demanding nung alaga ko." sabi ni Karylle. "Nahirapan ka ba?" tanong ni Kuya. Umiling si Karylle, "Masaya naman po kahit papaano." sabi pa nito.

"Sa puntong ito, tinatapos ko na ang iyong task.." sabi ni Kuya kaya pumalakpak si Karylle. "Thanks, Kuya..." she said.

* * * *

"Hindi mo na ko alalay!!" sabi ni Karylle ng abutan niyang magisa sa sala si Vice. Saka lang niya napansin na nagwawalis pala ito. "Hala baka mastress yung likod mo." sabi ni Karylle. " Hindi na masakit, Karylle." paliwanag ni Vice na dinudust pan na ang kalat ngayon.

"Hindi pwedeng nganga pagpasok ng mga yon for sure mga pagod na para di na nila kailangang maglinis." sabi ni Vice kaya hinayaan na lang siya ni Karylle. "Luto tayo dinner?" aya ni Karylle kay Vice. "Ano daw ba gusto nila?" tanong naman ni Vice. "Sabi sakin ni Fourth kanina, may porkchop dyan, ipprito lang yon" sabi ni Karylle kaya naman umoo na lang si Vice.

ViceRylle All InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon