#PBBTheBigNight

8.6K 275 45
                                    

“Vice!” tawag ni Anne pero pinigilan siya ni Billy. “Hayaan na muna natin.”

Pero tila walang narinig si Anne at sinundan si Vice palabas ng room. Nagkatinginan nalang ang naiwang hosts na hindi malaman kung susunod ba o hindi kina Vice at Anne. “Paano na si Vice?” tanong ni Coleen innocently kay Billy. Inakbayan na lang ni Billy ang girlfriend. 

“Right love at the wrong time, sabi nga sa ‘She’s Dating The Gangster’ ang lovestory nila ay isang malaking kaso ng wrong timing.” banat naman ni Jhong at umupo ulit sa sofa.

Paglabas ni Anne, nakita niya ang kaibigan na pumasok sa dressing room nito kasabay ng malakas na bagsak ng pinto. Hindi niya ito agad sinundan, sa isip niya kasi baka naman may kukunin lang. Pero lumipas na yata ang isang minuto at wala pa ring Vice na lumabas sa pintuan ng dressing room kaya sumugod na si Anne.

Pagbukas niya ng pintuan ay nagulat siya ng naroon si Vice pero kalmado lang na nakaupo sa harap ng vanity mirror. “Anong ginagawa mo?” tanong ni Anne. Tiningnan naman siya ni Vice through the mirror blankly. “Tawagan mo!” sabi ni Anne at humalukipkip pa.

Umiling si Vice and smirked. “Ano bang ginagawa mo Vice?” tanong ulit ni Anne nang hindi na maintindihan ang kaibigan. “Hindi ka man lang ba iiyak? Hindi mo man lang ba aalamin kung bakit? Vice alam mong tungkol sayo to.” sabi nito, almost begging kay Vice to at least do something.

“This is not about me Anne, it’s about them. Sila 'yung aalis hindi ako.” sabi ni Vice and continued staring at his reflection sa mirror. Hindi naman maiwasan ni Anne na mabahala sa kinikilos ni Vice. She’s expecting na tumakbo ito papunta sa airport o di kaya umiyak katulad ng pagiyak nito ng malasing the last time they were together sa bahay ni Billy.

“It’s about you! Bullshit, Vice!” she shouted. She saw Vice’s face na parang nagulat sa pagsigaw niya. “Hindi ba nga sabi niya sayo, kakalimutan ka niya?! Then, eto na yon oh! She’s going away, away from you, from us, from everything na may kinalaman sayo. Sabi mo palagi kang naiiwan, sabi mo palaging ikaw yung nag let go… Vice, you’re letting her go.”

Bumuka ang bibig ni Vice, he wanted to tell Anne na umalis na lang. She does not understand, anyway pero walang salitang lumabas from his mouth. He did not even react sa sinabi ni Anne. Kinuha niya ang phone niya calmly and stood.

“Where are you going?” tanong ni Anne sakanya when he walked past her. “Sa tahimik na lugar.” sagot niya. Napailing nalang si Anne as she watches him leave. 

*  *  *  * 

Hindi na niya mabilang kung pang ilang beses na ba niya napakinggan ‘yung kantang ‘yon kakaantay kay Yael sa sala. They have to leave at 12nn for a 4pm flight.

“Buko. Buko. Paano makakamove on… paano?” pagkausap na niya sa sarili. Napasandal naman siya sa sofa at inilapat ang batok sa sofa. Nababaliw na nga yata siya. 

Kailan nga ba ko nasimulang nabaliw?  tanong niya ulit sa sarili niya.

Noong pumayag akong makulong sa isang bahay kasama ‘yung taong palagi na lang gumugulo sa feelings ko?

Noong nagtangka akong umamin on national television kahit na kasal na ko sa iba?

O baka naman noong tinanong ko si Yael kung gusto ba niya na sa California na lang kami tumira?

She remembered it clearly, that night, that night pagkatapos niyang putulin ang tawag ni Vhong bigla. She tried her best na matulog nalang bago pa mahiga sa tabi niya si Yael… pero hindi siya inaantok. She’s tired pero ayaw yata talaga siyang pagpahingahin ng utak niya.

There she goes again, overthinking.

Kung saan saan pa lumipad ang isip niya, tiningnan niya ang other side of the bed…. walang tao. Naalala niya ang huling tulog niya sa loob ng bahay ni Kuya. Wala noon sa tabi niya si Vice. Napaisip siya kung alam kaya nilang ‘yon na ang huling tulog nila sa bahay na ‘yon, sa kabilang kwarto pa kaya matutulog si Vice? Will they grab the last chance? 

ViceRylle All InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon