13: #PBBKungMalayaLangAko

8.2K 251 36
                                    

"Weh nagbibiro ka lang?" sabi ng isang boses sa tabi niya. Nagulat naman siya nang makita sa Alex sa tabi niya sa seat na binakante ni Karylle. "Narinig mo?" tanong ni Vice.  Tumango si Alex and ngumiti kay Vice na nangaasar. "Hindi ko naman sinasadya, galing ako sa activity area tatanungin ko lang naman kayo sana kung nasayo pa yung mga natirang salonpas kanina... eh naguusap pala kayo, di na ko nakatakip ng tenga." sabi ni Alex na hindi pa rin nawawala ang ngiti dahil sa narinig. 

Hindi naman kumibo si Vice na hindi pa rin alam kung susundan niya si Karylle o hindi. "So, ano yon?" tanong ni Alex. "Hindi ko nga din alam eh." sabi ni Vice na napakamot nalang. "Akala ko talaga nung una task niyo lang na magpasweet dito sa loob." Alex confessed kaya naman naisip ni Vice na baka nga may sense na makipagusap ngayon dahil parang mababaliw na siya. "Para kasing noong naguest ako sa Sine Mo 'To noon, 'yung magkapair kayo.... parang merong something pero naisip ko ayy, malamang sine mo 'to nga di ba?" patuloy pang pagdaldal ni Alex.

"Kelan 'yon?" tanong ni Vice kay Alex. "Last year? Basta father's day special yata yon eh." sabi naman ni Alex na ang tinutukoy ay ang Sine Mo 'To episode na Ang Tanging Ama kung saan kina Karylle and Vice umiikot ang storya at kung saan naguest si Alex. "So may something nga?" tanong ni Alex. Natawa naman si Vice pero hindi sumagot. "Alam ko na, wag ka ng sumagot." sabi naman ni Alex. 

"Bruha ka, wala akong sinabi." sabi naman ni Vice. "I understand. Mahirap." Alex said na parang hindi naniniwala kay Vice. "Kung ako nasa situation mo, nako, hindi ko alam lalo na't lagi kayong magkasama dito." sabi naman ni Alex. Umirap naman si Vice, hoping na tigilan na siya ni Alex. "Mahirap yan, Vice." sabi nalang ni Alex. Umiling nalang si Vice. "Nasa higaan yata namin 'yung hinahanap mo sige na, doon ka na, wag mo na kong kausapin... kaloka ka." sabi ni Vice kaya tumayo na si Alex na bumelat pa. "Hindi na pala soul sister ha, soul brother na pala ha!" sabi pa nito bago pumasok sa loob and iniwan si Vice sa garden. 

*  *  *  * 

"May kailangan ka?" tanong ni Fifth ng mapansing paikot ikot si Vice sa may kusina kahit na patay na ang ilaw sa kwarto nila. "Ano kasi..." di maipaliwanag ni Vice ang gusto niyang sabihin. "Paturo paano magluto ng garlic rice?" sabi ni Vice and forced a nervous smile. "Breakfast?" tanong ni Fidth. "For tomorrow sana..." sabi ni Vice na nahihiya na. Bigla namang lumabas mula sa bedroom si Fourth and inabutan sila na naguusap. 

"Eto pala eh, Fourth, turuan mo si Vice na magluto ng garlic rice." sabi ni Vice. Kahit na naaawkward si Vice kay Fourth for unknown reasons ay tinuruan siya nito at nakinig lang siya. "Yun na yun?" tanong ni Vice habang inaabsorb ang mga tinuro ni Fourth. "Task yan?" tanong ni Fifth pero umiling si Vice. "Maiba lang." sabi ni Vice and ngumiti nalang sa kambal. "Thank you ha, sige na good night." sabi ni Vice and pumasok na sa kwarto nila. Nakita naman niya na mahimbing na natutulog ang ibang housemates.

Napansin naman niya si Alex na nakatingala lang na parang may iniisip. "Lalim niyan ha." biro niya dito. Tumingin lang sakanya si Alex na parang nagbabanta na wag ngayon. "Good night..." sabi nalang ni Vice na natatawa. "Yung kanina, uy ano ah." pahabol pa ni Vice and sumenyas na quiet lang si Alex. "Oo na pero alalay dyan ha." sabi ni Alex at nginuso ang puso ni Vice. Napailing nalang si Vice na napapangiti. 

"Tulog na 'to oh." sabi ni Vice ng inayos ang pagkakahiga ni Karylle. "Wag ka na magalit." sabi ni Vice kahit na hindi naman siya naririnig ni K ngayon dahil nga tulog ito, hindi niya alam ay nagising niya ito ng tumabi siya pero di nalang nagreact dahil ayaw niyang kausap si Vice ngayon. "Kung pwede nga lang eh." sabi ni Vice pero di rin naman tinuloy ang sasabihin at nagsigh nalang. "Good night na." bulong ni Vice malapit sa tenga ni Karylle kaya parang nakiliti siya sa breath ni Vice na sobrang lapit sakanya ngayon. 

*  *  *  * 

"Tikman mo nalang kasi." sabi ni Vice na antok na antok pa pero natataranta na dahil nagwake up call na ay di pa niya napprito ang hotdogs na aalmusalin nila buti nalang at hindi pa lumalabas si Karylle sa kwarto. "Medyo napaalat yata pero keri na te." sabi naman ni Alex na half awake pa. "Sure ka?" tanong pa ni Vice. Tumango naman si Alex kaya 'yung hotdogs naman ang pinrito ni Vice. 

ViceRylle All InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon