IDBID II: First Sight (In Her Eyes)

5.5K 134 11
                                    

JL’s POV

 APRIL 2014

Today is another day.

Summer.

April 2014.

As usual, karamihan ay nagtatapos na. Pero ako? Hindi ko pa rin alam kung saan patungo ang buhay ko. Kumbaga sa isda, patay ako. Go with the flow.

Hay. 20 years old na ako pero hindi pa ako graduate dahil sa hindi ko malaman kung ano talagang gusto ko.

Ganito ako tuwing gigising sa umaga. Nakatunganga sa kisame habang yakap-yakap ang paboritong unan ko na hugis hotdog. Iniisip ko kasi kung ano na namang matino na pwede kong ma-i-ambag sa lipunan. Charaught!

Estudyante ako sa Polytechnic University of the Philippines, sa Main Campus ako. Political Science student. Iyon nga lang, may kaunting chika muna kung paano ako napunta doon.

2010 nang magtapos ako ng high school. Pagkatapos noon, diretso sa college, siyempre! Sa Universidad de Manila ako unang napadpad at kumuha ng kursong Political Science. Ang gusto ko talaga ay Mass Communication kasi hilig ko ang pagsusulat at photography kaso sabi sa faculty ng College of Arts and Sciences ay close na raw ang MassComm kaya sa PolSci ako napunta. Isang college lang din naman. Maganda ang kurso na 'yon, madugo nga lang!

  

2011 naman nang mamatay ang Lola Zita ko. I decided to stop my schooling. Depressed ako noon at kailangan ng matinding distraction. That pushed me to go and pursue my theatre career. Akala ko noon ay mapagsasabay ko ang pag-arte at pag-aaral. Weekends lang kasi may show dahil students din ang market namin pero na-obsess ako sa pagganap sa entablado kaya tumigil na ko ng tuluyan at pati weekday theatre ay pinatos ko na rin. After a year, tumigil din ako sa pag-te-teatro.

Gusto kong bumalik sa pag-arte kaso naengganyo naman akong pumasok sa isang primary school para mag-tutor. Second grade students ang tinuruan ko pero pagkatapos ng isang school year, umalis na rin ako.

Heto na! 2013 noong lumipat nga ako sa P.U.P. Manila para ipagpatuloy ang kurso ko. Akala ko dire-diretso na pero shemay ito nga ang dahilan kaya nagising ako. Tumawag kanina ang kaibigan kong si Andrea – Andrea Virgilio. PUPian din, B. S. Cooperatives student siya. Nagkakilala kami noong mga panahon na inaayos ko ang paglipat ko sa unibersidad. Nag-click kami agad dahil parehas kaming may sapak sa ulo! She called a while ago pero binaba rin noong sasagutin ko na. Baliw talaga!

Tumingin ako sa bedside table at nakipagtitigan sa orasan. 11 A.M. na pero antok na antok pa rin ako. Gusto ko sanang matulog pa kaso itong cellphone ko ayaw tumigil sa pag-vibrate. Naka-silent nga nginig naman ng nginig! Takte! Kinuha ko 'yung phone ko. As expected, si Andrea na naman nga.

"Ateng! Natutulog pa 'ko! Ano ba!?", bungad ko kay Andrea. May natutulog bang sumagot ng tawag? Na-shu-shunga na naman ako at palpak ang sagot ko!

"Wow naman, JL! Tulog ka pa ng lagay na 'yan pero nasagot mo ang tawag ko! Bruha ka! Tanghali na! Kita tayo sa Shang-rila. Now na! May solusyon na sa problema mo!", sigaw din ni Ateng sa kabilang linya.

"ANG LAYU-LAYO NYAN! WALA AKONG PERA! ANG INIT-INIT PA! TANGHALING-TAPAT, 'TENG!", bulyaw ko sa kanya. 'Di magpapaawat ang lola mo. Sigawan galore? Push!

"Kapag ikaw di dumating 'wag mo na kong kakausapin ah! I-g-GM ko sa tropa yang kaartehan–"

  

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. "Maghintay ka dyan! Mamuti sana ang mga mata mo! Basta darating ako. Hintayin mo ako!"

Narinig ko pa si Andrea na humalakhak na parang mangkukulam sa kabilang linya. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Leche talagang babae 'to! Palibhasa napasunod na naman niya ako.

I Do But I Don'tWhere stories live. Discover now