IDBIDBookTwo II: 100th Day

1.5K 63 2
                                    

Writer's Note:

I dedicate this chapter to one of my avid readers, Shaznei! Sorry, na-late ng isang araw 'yung ipinangako kong update. Love you, Shaz! :*

Happy reading y'all!

WARNING:

Pwedeng kiligin pero bawal manghampas ng katabi! (^o^)/~

ENJOY!

Love,

Mademoiselle Marie

_____________________________________________

JL’s POV

Muntik pa ‘kong matumba dahil bigla akong tumakbo sa pintuan at binuksan ‘to. There, standing infront of me, my Yosef. Ang nag-i-isang lalaking crush na crush at mahal na mahal ko. Sa paglipas ng panahon, hindi nabawasan ang kakulitan niya! Hahaha!

“ Happy birthday and happy anniversary, Mi Amor. ”, nakangiting sabi ni Yosef.

“ Oh my gee! Yosef!!! Salamat! I miss you!!! ” Wala akong kiber kahit may dala-dala siya. Basta ko na lang siyang dinamba at siniksik ang mukha ko sa leeg niya.

Naiiyak ako. Oo. Naiiyak ako. Miss na miss ko na kasi siya. We had a deal not to see each other sa loob ng isang daang araw - minus the Sundays, of course. Today is the one hundredth day. 12 midnight and it’s our anniversary and my birthday! Yay! Wala ng paglagyan ang tuwa ko.

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at hinalikan sa labi. “ I miss you. Oh my geeee! Yosef!!! Miss na miss na kita! ” Hinalikan ko siya ulit and I whisper I love you in between of those kisses.

“ I miss you! Sh*t! Nakakainis ka! I love you, Yosef! ” Hinalikan ko pa siya ulit sa pisngi at saka ako tumalon para bumaba sa pagkakakarga niya sa’kin.

Tumawa lang siya at nilapag sa side table ng kwarto ko ‘yung dala niya. “ Ano ‘yan? Kanina ka pa ba dumating? Bakit hindi mo sinabi? ”, sunud-sunod na tanong ko.

“ Easy, Mi Amor. I haven’t had my proper greetings and kisses yet. ”, sabi ni Yosef. Ngumiti ako pagkasabi niya nun pero napasimangot ako nung lumakad siya palabas ng kwarto ko.

“ Hoy! Saan ka – ”

Hindi ko na natapos ‘yung sasabihin ko dahil kinuha lang pala niya sa gilid ng pintuan ng kwarto ko ‘yung malaking pumpon ng mga bulaklak. Malaki talaga. Hindi ‘yung ordinaryong laki. Basta! Iiiih! (*o*)/~

“ To my favorite girl in the world. ”, sabi niya habang inaabot sa’kin ‘yung bouquet of tulips.

 “ Yay! Thank you! Happy anniversary! ” Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi. Inilapag ko sa ibabaw ng kama ‘yung malaking-malaking bunch of flowers. Yiiiieee! Nakakaganda ‘yung ganito kalaking bouquet. Hahaha!

I Do But I Don'tWhere stories live. Discover now