JL's POV
Yosef has been kind of extra sweet lately. Nuxx! English agad. Tsarrr! Well, dati naman na siyang ganun pero these past few days were quite extreme.
Naalala ko noong huling araw namin sa Dumaguete, nagising ako ng may pagkarami-raming bulaklak sa higaan ko. Oo, sa higaan mismo! Para akong patay na ipapaanod sa dagat. Akala ko ay gagawan muli ng music video ang If I Die Young by The Band Perry at ako ang bida!
Yosef prepared a big and special meal for us that morning. Nagtataka nga ako eh, dahil sa halip na gisingin ako para magluto ng brunch (na lagi niyang ginagawa) ay hindi nangyari. Pumunta kami sa tabing-dagat at doon ay may espesyal na table setting. Romantic brunch na lang daw since hanggang tanghali lang kami doon.
Hanggang sa makabalik kami ng Maynila ay araw-araw akong may natatanggap na flowers mula kay Mi Amor. Kung dati, mistulang flower shop ang kwarto ko, ngayon, mukhang garden na. Hindi naman kasi natutuyo sa loob ng isang araw yung mga bulaklak saka labag sa loob kong dispatsahin agad unless inuuod na.
Ang dami ko ring chocolates! Merong milk chocolate, white and dark. Yiiieee! Hahaha! Ngunit kahit anong kain ko, hindi pa rin ako tumataba.
Yung twice na tawagan namin ni Yosef in-between working hours (Boom! Huli! Hahaha!), nadagdagan din. May bonus pang lunch delivery at hindi ko na kailangang lumabas para kumain. Mas napapadali nga ang trabaho ko.
Iiih! Kinikilig ako! Hahaha! In short words, para kaming nagliligawan. Baliktad ba? Kung kailan engaged na kami ay saka niya ako nililigawan. Sa araw-araw na yun, feeling ko, ako na ang pinakamagandang nilalang! Oopps! Walang kokontra. Moment ko!
Alas-cinco na ng hapon at heto nga, madaling-madali akong lumabas ng restroom. Kailangan mas magpaganda pa. Susunduin ako ni Mi Amor eh. Hahaha! Hindi ako masyadong excited 'no?
Siyempre dadaanan ko muna si Prosecutor Jasper Cuevas sa office niya para ipaalala ang importante naming appointment sa Monday.
*knock knock*
" Come in. ", sagot ni Bossing.
Inilusot ko muna ang ulo ko. Nang ngitian niya ako ay saka tuluyang pumasok. Naupo na rin ako sa silya sa harapan ng kanyang mesa.
Actually, medyo close kami nitong si Prosecutor Cuevas. Ka-brod niya kasi si Kuya Miguel sa fraternity noong college days nila sa Ateneo.
Tumikhim ako at saka nagsalita. " Pros, sibat na po ako ah? "
Ibinigay ko kay Prosecutor Cuevas ‘yung makapal na folder na dala-dala ko. " This is the statement of the witnesses. May copy na rin po ako. " Inilapag ko rin sa table ang flash drive. " And this contains the soft copy. Lahat po ng kailangan para sa final court intervention, nandiyan na. "
Tumango si Prosecutor Cuevas at nakangiting tinanggap ang lahat ng binigay ko. Jusko! Pa-cute pa. Kita ng nagmamadali ako eh. Rawr!

YOU ARE READING
I Do But I Don't
RomanceJustine Dominique Leandro, an erratic and a happy-go-lucky girl but is a young achiever. Name it and she can do it! Despite being beautiful, talented and intelligent, she was forbidden to be with the man she loves. In JL's search of herself, she met...