Chapter 1

14.9K 263 18
                                    

SARAH POV

Naalimpungatan ako ng may magbukas ng ilaw ng kuwarto naming mag-asawa. Bumangon ako kahit na nakapikit. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa pag-inom kagabi.


Kasama ko si Liam kagabi dahil broken hearted ito ayon sa kuwento niya. Nag-aya s'yang uminom kami dito sa bahay.

Pumayag ako kahit na hindi ko naman hilig ang maglasing. Lalo na may problema din akong dinadala kaya agad akong napapayag.


Bigla akong nalasing ng isang beses palang akong nagshot. Hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Napatingin ako sa pinto. Nanlaki ang mata ko ng makitang nandun ang asawa kong si Sean. Napako ang tingin ko sa katawan ng lalaking katabi ko sa kama.
Tumayo ako at mabilis na lumapit kay Sean. Napaatras pa siya at nanlilisik ang mata sa akin.


Bumangon si Liam ng makita niya ang asawa ko. "Sean let me explain." Ani ko.
Kahit kinakabahan ay ginawa kong mahinahon ang boses ko. Malamig ang tingin na pinupukol nito sa akin. Nasasaktan ako sa kaalamang ganito sa akin si Sean.


"May nangyare ba sa inyo?" Tanong niya. Mabilis akong umiling bilang sagot.


"Hindi, walang nangyare-" Liam cut me off.

"Don't listen to her. Aminin mo sa kanya Sarah na may nangyare satin. How you shout my name-"


"SHUT UP.." Sigaw ko sa kanya. Pano n'yang nagagawang sabihin to mismo sa harap ng asawa ko. Alam ko sa sarili ko na walang nangyare sa amin.


Humakbang ako palapit kay Sean at agad s'yang nahawakan pero piniksi niya ang kamay ko at malakas akong itinulak.


Ang namumuong luha sa mga mata ko kanina ay kumawala na. "Sean, wag kang maniwala sa kanya. Mahal na mahal kita at hindi ko magagawang saktan ka."


Napailing si Sean at bahagyang natawa. Patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata ko.


"Akala ko iba ka. Pero sa nakikita ko ngayun at sa sinasabi ng lalaki mo tingin mo paniniwalaan pa kita? HINDI." Gumapang ako palapit kay Sean at yumakap sa binti niya.


"Sean, please sakin ka maniwala... ako ang nagsasabi ng totoo. Walang nangyare samin sean." Umiiyak na saad ko.


Tinatanggal niya ang mga kamay ko sa binti niya hanggang sa nagawa nga niya. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Lumapit ako kay liam at sinampal siya.


"How dare you!." Nanlilisik na saad ko.


"Bawiin mo ang sinabi mo. Alam mong walang nangyare satin." Galit na sigaw ko sa kaniya. Tumingin si Liam kay Sean. Hanggang sa tila nawalan ako ng hininga dahil sa huling sinabi ni Liam.


"Believe it or not may nangyare sa amin ni Sarah. Ayaw n'yang sabihin sa'yo ang tinatago naming relasyon dahil habol niya ang yaman mo."


Di makapaniwalang tumingin sa gawi  ko si Sean. Mapait itong napangiti at umalis sa kuwarto. Nanlalambot ang tuhod na napaupo ako sa sahig.
Lumabas din ng kuwarto si Liam. Nablangko ang isip ko. Hinayaan kong dumaloy ang mga masaganang luha sa mata ko.


Bakit kailangan mangyare ang lahat ng ito? Ano bang nagawa ko para maranasan ang sakit na ito?


Hinintay kong bumalik si Sean hanggang sa maghapon. Nagsimula na akong kabahan nang hindi pa din siya bumabalik ng pagdating ng gabi. Di ko mapigilan ang maluha. Ngayun palang nasasaktan na ako kapag naiisip ko na baka iiwan na ako ni Sean.

Althea The Suffer WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang