Chapter 5

11.2K 226 21
                                    

SARAH POV
Bumangon ako at inayos ang sarili. Kahit na namamaga ang mata dahil sa kakaiyak nakuha ko pang ngumiti at maging masaya.

Gusto kong asikasuhin ang asawa ko. Alam kong papasok siya sa company kaya maaga akong gumising.

Lumabas ako ng kuwarto. Napahinto ako sa hagdan ng makita si Sean.

May kahalikan ito at parang walang pakialam sa paligid. Naputol ang halikan nila ng tumingin ang babae sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita ang babae.
Si Ella!

Dali-dali akong bumaba para harapin siya. Masama ang tingin ko sa kanya.

Ngumisi sa akin si Ella at agad na lumingkis sa asawa ko. Parang wala lang kay Sean ang ginawa ni Ella.
Kahit nasasaktan ay nagawa kong magsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Ngumiti muna siya kay Sean at ninakawan ito ng halik.

"I'm here because of my Boyfriend." Sagot niya. Napatingin ako kay Sean. Walang emosyong nakatitig ito sa akin.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Balik tanong ni Ella.

"Asawa ko si Sean kaya may karapatan akong manirahan dito." Naiiling na ngumisi si Ella.

"Wala ka talagang hiya Sarah. Niloko mo na nga si Sean nagawa mo pang manirahan sa bahay na ito. Tsk, tsk. Ibang klase ka." Panunuya niya sa akin. Nabalot ng matinding galit ang buong kalooban ko.

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo Ella. Asawa pa rin ako ni Sean." Gigil na saad ko.


"Let's go Babe.." Sean Said. Kumaway sa akin si Ella.


"Bye aalis na kami ng boyfriend ko." Muli s'yang ngumisi sa akin. Naglakad na sila palayo.


Masakit makita may kasamang ibang babae ang taong mahal mo. Nasisiraan na ata ako dahil kahit na sobra na akong nasasaktan nakuha ko pa ring ipaglaban ang karapatan ko bilang asawa ni Sean.

Sarah kayanin mo lang dahil simula palang ito.

Pakikipag-usap ko sa sarili.


Tama, simula palang ito at alam kong mas sasakit pa ang mararanasan ko habang nakatira pa ako sa bahay na ito kasama si Sean.


I will endure the pain basta makasama lang ang taong mahal ko.



Ginugol ko ang oras sa paglilinis ng buong bahay. Pumasok ako sa kuwarto namin noon ni Sean. Nanghihinang kinuha ko ang litrato sa bed side table.


Kung dati, mga masasayang picture namin ang nakalagay noon. Ngayun mga litrato na nilang dalawa ni Ella.


Napatakip ako sa bibig para pigilan ang paghikbi. Hinayaan ko ang sarili na lumuha. Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito.

Kung hindi ko naging kaibigan si Liam sana hindi mangyayari ang lahat ng ito. Halos kapatid na ang turing ko kay Liam pero sa huli siya rin pala ang sisira ng buhay ko at ang relasyon namin ng asawa ko.


Masyado akong nagtiwala kay Liam kaya eto ang napala ko.


Naibaba ko ang hawak na picture frame at naupo sa gilid ng kama.


Tumingala ako at pilit na pinapakalma ang sarili.

Ginawa ko na ang dapat gawin. Nilinis ko ang buong kuwarto ni Sean. Minsan napapatingin ako sa mga litrato nila pero isinambahala ko na lang ang lahat ng iyon.

Matapang ako..

Paulit-ulit ko iyon sinasabi sa sarili ko. Sana hindi pa huli ang lahat para sa amin.

SEAN POV

Pabagsak kong isinara ang pinto. Nilibot ko ng tingin ang buong bahay. Nakita ko sa salas si Sarah na tulog.

Ngayun ko lang nakita ang kabuohan niya. Malaki ang pinagbago ng itsura niya. Kahit na nakapikit ito alam kong galing ito sa pagluha dahil namumula pa ang ilong nito.


Ang laki ng ipinayat ni Sarah pero iwinaksi ko sa isip ang awang nararamdaman ko para sa kanya. Sinaktan niya ako kaya oras na para ibalik ko iyon sa kanya.
Kumuha ako ng pitchel sa ref at bumalik sa salas. Binuhos ko ang tubig sa mukha ni Sarah para bumangon ito.

Nakainom ako kaya malakas ang loob kong saktan siya.


Agad itong napabangon at inayos ang sarili. Tumingala siya para tignan ako. Hinila ko si Sarah patayo at mapagparusa ko s'yang hinalikan. Nang una nanlaban pa ito pero tumigil din siya.

Sinira ko ang damit niya at itinulak siya sa couch. Hinubad ko na ang suot at kinaubabawan siya.


Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi na siya welcome sa buhay ko.


Wala akong narinig mula sa kaya o pagtutol sa gusto kong gawin sa kanya.

Tumayo ako nang matapos na akong pagsawaan ang katawan niya. Ngumisi ako sa kanya at nagbihis. Umalis ako sa salas at tinungo ang kuwarto ko.


Narinig ko pa ang paghagulhol ni Sarah pero hindi ko na iyon pinansin pa.


Masaya ako dahil nakuha ko ang gusto ko mula sa kanya. Sisimulan ko ng saktan siya para si Sarah na mismo ang kusang umalis sa buhay ko.

Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo ko. Bumangon ako sa kama at tinungo ang banyo. Kailangan ko ng magshower.



Pagkalabas ko ng banyo ang una kong napansin ang isang basong tubig at gamot na nasa food tray.

Agad ko iyon kinuha at ininom. Lumabas ako ng kuwarto para kumain ng breakfast.


Naabutan ko pa si Sarah sa dining na inaayos ang plato. Nag-iwas siya ng tingin ng makita ako. Naupo na ako at nagsimulang kumain. Akmang uupo na rin siya ng magsalita ako.


"Ayokong makasabay ka sa pagkain kaya umalis ka na muna. Nawawalan ako ng gana kapag nakikita ka." With that napatingin siya sa akin.


Wala sa loob na tumayo si Sarah. Ngumiti siya ng mapait sa akin. Nakita ko pa ang pagtulo ng luha sa mata niya bago siya umalis.


Nabitawan ko ang kurbyertos na hawak. Bigla akong nawalan ng gana.


Tumingin ako sa pinaglabasan ni Sarah.


Nagring ang phone ko. Tumatawag sa akin si Ella na siya namang sinagot ko. Nakangiting sinasagot ko ang sinasabi niya sa akin. Napagdisisyonan naming dalawa na lumabas.

Nagbihis na ako para maka-alis na ako. Tumigil ako sa pinto ng may narinig akong nabasag.


Dali-dali kong pinuntahan si sarah sa kitchen. Dumudugo ang kamay niya ng maabutan ko. Nakatingin siya sa akin at wari'y humihingi ng tulong. Pinilig ko ang ulo at hinayaan siya mag-isa sa kusina.

Bahala siya sa buhay niya basta ako magpapakasaya ako kasama ng babaeng mahal ko. Napangiti ako dahil naalala ko ang huling gabing na kasama ko si Ella.

Mas sumasaya ako kapag kasama siya. Nang dahil kay ella kaya nakuha ko pang magmahal ulit. Nakalimutan ko si Sarah sa pamamagitan ni Ella.

Althea The Suffer WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon