Chapter 2

11.3K 241 9
                                    


Sarah POV

Hindi ko kayang imulat ang mga mata. Nagtutulog-tulugan ako. Hindi ko kayang bumangon at harapin ang mga problema.
Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang bumangon.


Nakangiting mukha ng nurse ang nabungaran ko. Ngumiti ako ng pilit.
"Pasensya na po ma'am. Kailangan kang makausap ni doktora." Aniya. Tumingin ako sa tabi niya.


Seryosong nakatingin sa akin ang doktora. Nakikita ko sa mga mata niya ang awa.
"Nakunan ka misis." Tumango ako at mahinang natawa.

Para akong baliw, Yung tipong halos tawanan ko na lang itong sakit na daladala ko. Wala na ang pinagbubuntis ko. Gusto kong sumigaw at magwala pero pagod na pagod na ang buong katawan at isip ko sa dami ng nangyari sa akin.


Saglit kaming nakapag-usap ng doktora at pinayagan ako nitong makauwi na dahil na rin sa pakiusap ko.


Akala ko binalikan ako ng asawa ko. Kung sana bumalik siya sana nailigtas pa ang baby ko. Tanging sarili ko lang ang nagdala dito sa hospital para lang mailigtas ang batang dinadala ko.



Wala sa sariling naglakad ako hanggang makarating ako sa bahay naming mag-asawa.



Naabutan kong maraming nagkalat na damit sa sala. Hindi na ako nagulat na makitang may babaeng nakapatong sa asawa ko at pareho silang walang saplot.


Pumunta ako sa kitchen at doon inumpisahan ang pagluluto ng agahan.
Nang matapos ako sa pagluto. Umalis na ako sa kitchen. Naabutan ko pa si sean na masama ang tingin sa akin. Nang akmang tatalikuran ko siya agad n'yang hinaklit ang braso ko.


Nagulat ako sa sunod n'yang ginawa. Mahigpit niya akong sinakal. Nanlilisik ang mga mata niya.


Naluha ako habang pilit na tinatanggal ang kamay niya na nasa leeg ko.
Nahihirapan na akong huminga ng maayos. Eto na ata ang katapusan ko.


Unting-unting bumigat ang talukap ng mata ko. Bago pa ako tuluyang mawalan ng hininga binitawan din niya ako.
Bumagsak ako sa sahig at habol ang paghinga. Tumingala ako para matitigan si Sean.

"May gana ka pa talagang bumalik dito pagkatapos mong makipagkita sa kabit mo!" Sigaw niya sa akin. Kahit na nanghihina pinilit kong ibangon ang sarili.


Wala akong lakas para harapin siya. Gusto kong ipahinga ang sarili dahil na rin sa nakunan ako. Hinang-hina ako. Pagod na pagod na ang isip ko.



Humakbang ako hanggang sa makalakad ako. Pinupunasan ko ang luha.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ni Sean sa akin. Hindi ko na siya nilingon pa.


Umakyat ako sa ikalawang palapag nitong bahay namin. Nang makarating ako, nakita ko sa paanan ng hagdan na nakikipaghalikan ang asawa ko sa babaeng dala niya. Iniwas ko ang paningin sa kanila. Pinuntahan ko ang kuwarto namin at kinuha ang maleta ko.



Ayoko mang iwan si Sean pero kailangan kong ayusin ang sarili. Galit sa akin ang asawa ko. Hindi siya naniniwala sa akin kahit ano pa ang sabihin ko.


Gusto kong lumayo, gusto kong takasan ang problema kahit ngayun lang. Masyado pa akong mahina para muling harapin ang galit ng asawa ko. Hindi ko na alam kung pano ko mapapaniwala ang asawa ko. Pareho lang kaming biktima pero napapagod din akong ipaintindi sa kaniya ang lahat. Masyadong sarado ang isip ng asawa ko para pakinggan ako.


Narinig ko ang pag-andar ng makina ng sasakyan niya. Mabilis akong kumuha ng mga gamit ko at inayos.


Siguradong umalis si sean. Eto na ang tamang oras para umalis.
Wala akong nakitang Sean sa buong bahay kahit sa labas ng bahay.


Althea The Suffer WifeOnde histórias criam vida. Descubra agora