Chapter 4

9.9K 194 3
                                    


After One Year

SEAN POV

Bumukas ang pinto ng office ko. Umangat ako ng tingin at ningitian ang Girlfriend kong si Ella.

Mapang-akit itong naglakad palapit sa akin. Naupo siya sa hita ko at hinalikan ako sa labi.

"I miss you.." she said. My hands roaming her body.

"I miss you too Babe.." Inalalayan ko siya sa patayo at dinala sa Private Room ko dito sa Office.

Everytime na pumupunta siya dito lagi kami nauuwi sa mainit na tagpo.

Umalis ako sa pagkakaubabaw sa kanya at naupo sa kama. Agad naman itong yumakap sa likuran ko.


"Sean, kailan mo ba balak hiwalayan si Sarah?" Automatic na tumingin ako sa kanya pagkarinig ng babaeng sumira sa buhay ko.


"Bakit ba paulit-ulit mo tinatanong sa akin ang bagay na to Ella. Hindi ka ba kuntento kung anong meron tayo?" May pagkahalong inis na ani ko.


Agad s'yang humiwalay sa akin.


"Don't tell me mahal mo pa rin ang babaeng 'yun. Baka nakakalimutan mo Sean, niloko ka niya at pinagpalit sa lalaki niya!" Napataas na ang boses nito. Huminga ako ng malalim at mahinahon na nagsalita.

"Hindi ko na siya mahal Ella. Ang akin lang, pano ako makikipaghiwalay sa kanya gayung hindi ko alam kung nasaan siya."
Umarko pataas ang isang kilay nito. "Ayoko ng itago ang relasyon natin sean. I want to be Mrs. Manzano. Do anything, hanapin mo siya kung kinakailangan."


Muli ako napabuntong Hininga.


"Fine, kung iyan ang gusto mo." Pagsuko ko. Ang lukot na itsura nito ay napalitan ng saya. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa labi.

"I love you so much Sean." She said.

"I love you too Ella." I reply.

Ang totoo, Parang wala lang sa akin ang pag-sagot ng i love you kay Ella.

Hindi ko maramdaman ang Totoong Pagmamahal kay Ella. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil sa isang taon hindi niya ako iniwan. Lagi siyang nandyan para sa akin pagkatapos akong iwan ni Sarah. Kahit na ganun, hindi ko makuhang masaya. Halos pilit na lang ang lahat. Hindi ko maramdaman ang Saya na naranasan ko noon kay Sarah. Naging iba na ang lahat sa akin.



Sarah POV

"Where are you?" Napatitig ako sa dati naming bahay ni Sean. Sinagot ko ang tanong ni Jason.


"Nasa bahay ako ng asawa ko." Masayang sagot ko.

"Sigurado ka na ba talaga dito Sarah?" Tumango ako kahit hindi niya nakikita.


"Yes Jason. Oras na para harapin ang asawa ko. Tama na ang isang taon para makapag-isip siya ng tama. Haharapin ko to ng mag-isa."

Narinig ko ang pagkawala ng buntong hininga niya.

"Okay, basta kapag may problema tawagan mo ako." Napangiti ako.

"Thank you for everything Jason. Bye.." ibinaba ko na ang tawag.
Tumitig ako sa bahay namin ng Asawa ko. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Kakarating lang namin. Hindi ako sumama kay Jason at agad na tinungo ang daan papunta sa bahay ng asawa ko.

Sa wakas.. makikita ko na ang asawa ko. Sana naman magiging okay na kami.

Pumasok ako sa loob ng bahay. Nagulat ako ng walang tao sa loob. Baka nasa office pa siya.

Althea The Suffer WifeWhere stories live. Discover now