004

282 13 1
                                    


ELLAY's

"Baby ganda, gising na nandito na tayo" inaalog ni Seokmin ng mahina si Seunghan para magising ito.

Dahan dahan dumilat si Seunghan at kinusot yung mata niya.

ANG KYUUUUUT ;-;

"Tito daddy, san po tayo?" Pagtanong ng bata nang maayos ayos na ang kaniyang paningin.

"Baby ganda, yun ang bahay ng Daddy mo" sabi ni Seokmin habang tinuro yung mala-mansyon na bahay ni Seungcheol. Napa- 'Wow' naman yung bata dahil malaki at maganda ang bahay na nakikita niya.

"Ito baby and picture ng daddy mo. Choi Seungcheol ang pangalan niya. Diyan ka mag stay hanggang sa sunduin kita. Sabihin mo sa kaniya ang name mo at pakilala ka bilang anak niya ukie?" Tango lang ang nakuha ni Seokmin sa bata at tinignan yung picture na inabot sa kaniya.

"Pero tito daddy, bakit di kasama si Papi sa atin?" Takang tanong ng bata. Napa-'shoot' naman si Seokmin dahil nakalimutan niyang mag isip ng dahilan kung bakit di sasama ang Jeonghan hyung niya.

"A-Ah kasi baby ganda ganto yun, may kailangan asikasuhin si Papi mo eh di ka niya maalagaan mabuti kasi magiging sobrang busy siya kaya pinabantay ka muna niya sa Daddy mo" pag eexplain ni Seokmin sa bata. 'Ahh okay po' na lang ang sinagot ng bata sa kaniya.

Na relief naman si Seokmin dahil hindi na nagtanong pa ang bata sa kaniya.

"Sige na baby ganda, you need to go. Di ka na namin mahahatid sa front door. Kaya mo ba?"

"Yes naman po tito daddy! Big gul na po si Seunghan" masiglang sabi nung bata. Ngumiti na lang si Seokmin kay Seunghan at kiniss sa noo ang bata.

Bumaba na ang driver nila at kinuha yung bagahe sa loob at hinatid si Seunghan sa may front door at pinindut ang doorbell. Agad naman bumalik ang driver sa sasakyan at pinaharurot ito dahil takot na mahuli sila.

Dako tayo kay Seunghan

Nakatayo si Seunghan sa may harapan ng bahay ni Seungcheol at nag aabang na pagbuksan siya. Matapos ang 2 minuto ay narinig niya ang pagbukas ng pinto.

Napatingala si Seunghan at nakita ang bagong gising na Seungcheol.

"Who are you?" Takang tanong ni Seungcheol sa bata

"Annyeonghaseyo! My name is Choi Seunghan."

"Go home kid. Your parents might be looking for you" walang ganang sagot ni Seungcheol kay Seunghan habang humihikab hikab pa

"Hindi po ako hahanapin ni Papi. Tsaka po pinadala niya po ako dito. Ikaw daw po kasi ang daddy ko" pagpapaliwanag ni Seunghan kay Seungcheol

"DADDY?!" Gulat na tanong ni Seungcheol na tila nagising ang kaniyang diwa. Tango lang ang naisagot ni Seunghan kay Seungcheol.

"You know what kid, huwag ka ng mag joke at umuwi ka na. Nakakaistorbo ka. Tsaka wala akong anak."

"Ehh kayo nga po talaga ang Daddy ko. Kung papauwiin niyo po ako, hatid niyo po ako. Sa Busan pa po ako nakatila ehh" inosenteng sabi ni Seunghan. Napa buntong hininga na lang si Seungcheol.

"Sige ganito dito ka muna tapos bukas hahatid na kita sa bahay niyo dun sa Busan baka hinahanap ka na ng Papi mo at Mami mo" sabi ni Seungcheol kay Seunghan at kinuha yung bagahe nito at tuluyang pinapasok ang bata sa mala mansyon niyang bahay.

"Wow! Ang ganda naman po dito. Pelo sasabihin ko po ulit na di po ako hinahanap ni Papi dahil pinadala niya nga po ako dito at wala po ako Mami, daddy lang po at Papi" nagtaka naman si Seungcheol sa sinabi ng bata dahil imposible namang galing siya sa loob ng tiyan ng isang lalaki.

"Huh? Ibig sabihin ba dalawang daddy ang meron ka?" Tanong ni Cheol kay Hannie

"Opo. Galing po ako sa tiyan ni Papi. Ito nga po siya ohh" sabi ni Seunghan at may hinalungkat sa backpack niya.

Nang makuha niya ang picture ay agad itong inabot ni Seunghan kay Cheol NA ikinagulat nito.

"Yoon Jeonghan" mahinang bulong ni Cheol sa sarili. Napatingin siya sa bata at ngayon niya lang napagtanto na kamukha noya ang bata. Mukhang hindi nga ito nagsisinungaling. Mukhang anak niya ata itong bata.

____🌼🌼🌼_____

Yo yo wassup chingus!

Wedding ng pinsan ko bukas tas pinapakanta nila ako ehh di naman maganda boses ko kawawa yung mga bisita huhuhuhu
SKL 😂😂

Love you all

-Ellay

Appa Cheol || Jeongcheol ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon