005

279 13 4
                                    

ELLAY's

Kasalukuyang mahimbing na natutulog si Cheol sa kaniyang kwarto ng makaramdam siya ng pagalog ng kaniyang kama.

'Putek sino ba yun? Istorbo' sabi ni Cheol sa isip niya. Napadilat siya ng isang mata at nakitang may batang tumatalon sa ibabaw ng kama niya.

'Sino ba itong batang ito?' Tanong niya sa isip niya at pumikit ulit.

"Daddy wake up! I'm hungly na po" panggigising sa kaniya nung bata.

'Daddy?' Dun na natauhan si Cheol na may anak pala siya. At ngayon niya lang naisip kung paano na yung career niya't ngayon may anak na siya. Masisira ang image niya.

Napangon si Cheol kaya napatigil sa pagtalon si Hannie. Umupo si Hannie kaharap ang Daddy niya. Nakipagtitigan si Hannie kay Cheol.

(A/N: ngayon ko lang na realize na Appa cheol ito kaya dapat Appa ang tawag niya so anyways...)

"Appa, ang pangit mo po" inosenteng sabi ni Hannie kay Cheol.

"Aba..." napatigil si Seungcheol sa sasabihin niya ng napatakip ng ilong si Seunghan.

"Baho Appa" sabi ni Seunghan at bumaba na sa kama ni Cheol.

Inamoy naman ni Cheol ang hininga niya at napatakip naman ng bibig si Cheol at inamoy ang hininga niya. 'Baho nga!' Isip ni Cheol kaya bumangon na siya at dumiretso sa banyo upang mag toothbrush at maghilamos.

Bumaba na si Seungcheol at nadatnan ang kaniyang anak na nanonood ng 'My Little Pony' . Lumapit siya kay Seunghan at tinabihan sa sofa.

"Hey kid, ano gusto mo for breakfast?" Tanong niya sa bata.

"Gusto ko—" hindi natuloy ni Seunghan ang kaniyang sasabihin nang magring ang phone ni Seungcheol. Nag sign si Seungcheol ng wait sa bata at tumayo at sinagot yung tawag.

Napanguso na lang si Seunghan at tumayo sa kinatatayuan niya. Dumiretso siya sa kusina at may nakita siyang babae na nagluluto.

Nilapitan niya ito at hinila ng mahina yung laylayan ng damit.

"AYY AMBOT SA IMU!" gulat na sigaw nung babae at napatingin sa bata.

"Ayy aber sinu ikaw?" tanong nung babae sa bata at pinatay yung kalan dahil nagluluto siya.

"Soly po dahil nagulat ko ikaw. Ako po si Seunghan anak po ni Appa Cheol?" Paghingi ng tawad ni Seunghan at nagpakilala na rin siya.

Napansin niyang nanlaki ang mata ng babae. "Anak ka ni Ser?! Ehh paano nangyari yun? Wala namang gelprend si Ser" takang tanong ng babae

Nagkibit balikat na lang Seunghan. "Ano po yung nicook niyo? Gutom na po si Hannie" pagtatanong ng bata sa babae.

"Eggs and bacon bby. Ano ba gusto mo?" Tanong ng babae at pinantayan si Seunghan. "Gusto ko po ng pancakes pelo okay na po ako sa eggs and bacon" mahinhin at magalang na sagot ni Seunghan.

"Nako bby hindi kung gusto mo pancakes pagluluto kita" sabi ng babae kay Seunghan at tumayo. "Ahh ako nga pala si Ate Gan Damo. Ate G na lang tawag mo saakin" pagpapakilala nung babae tumango na lang si Seunghan at umupo sa isa sa mga upuan dun sa dining at inantay ang pancakes niya.

_____🌼🌼🌼_____

Appa Cheol || Jeongcheol ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon