Ano ang kuwento mo?

28K 410 71
                                    

Sakit daw ng matatalinong babae, tanga pagdating sa pag-ibig. Naniniwala ka ba? Anong kuwento mo? What's the most foolish thing you did for love?

Love follows no logic. Okay lang maging tanga sa pag-ibig paminsan-minsan. Huwag mo lang gawing hobby... Sakit na yan. Ang tawag dyan, masochism. Hindi ka naman masokista para paulit-ulit na saktan ang sarili dahil sa love, hindi ba?

Kung tanga ka ngayon. Bitter. Sawi. Nagpapaka-gaga sa love. Naghahabol sa maling lalaki. Brokenhearted. Hindi maka move on. Hindi maka let go. Baka may matutunan ka sa kuwentong ito.

Lahat tayo nagmamahal. Pero hindi lahat, minamahal. Iyung iba, niloloko, sinasaktan, iniiwan.

May ibang binubulungan ng "I love you."

May ibang tinatanong ng "Will you marry me?"

At may iba na sinasabihan ng "Goodbye."

At kung masaya ka sa love. Nahanap mo na ang The One. Wala kang issues sa relationship mo. Ah... Huwag ka dito. Hindi para sayo to.

Ito ay para sa lahat ng nagmahal, pero nasaktan at naiwan... Para sa mga Goodbye Girl

The Goodbye GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon