Arito POV
"Magsimula na kayong magpakilala kay Arito.", astig na ngiti ni Sakura at dumekwatro sa kanyang trono.
"Mauuna nako.", ngiti ng isang babae na may mahabang brown na buhok at maaliwalas na itsura. "Ako si Katherine Agnes Tagle, Black Exorcist, Chasuble Rank. Ako ang Vice President ng Principalia at ang maydala ng Sacred Spear, Epiclesis. Maligayang pagsali sa ating kapatiran, Brother Arito."
Sa tingin ko magiging kumportable akong kausap si Kath. Mukang matured siyang babae at yung tipong kaya akong pakinggan kapag may problema.
"Alright guys ako na ang sunod sa ating sexy Vice!", sigaw ng lalaking may dilaw na buhok at hubog na pangangatawan. Halatang bihasa na siyang exorcist.
"Tigilan mo ako Casval.", ang banat ni Kath.
Nakipag kamay itong si Casval sa akin, "Yow bro! Ako si Wilhelm Casval Rosales, Black Exorcist, Humeral Class. Maydala ng Sacred Axe, Monstrance. Hahaha astig no? Siyempre ako paba! Basta cool kalang bro at wala ka dapat ipag alala pag nandito si Master Casval!"
"Daming mong satsat. Ako naman.", may pang asar na ngiti na sabi ng isang lalaki na may PUTING buhok? Ano ba sila, cosplayer?
"Ako si Zack Luis Villega, Black Exorcist, Dalmatic Class. Maydala ng Sacred Rifle o kilala sa tawag na Chalice na tumatama sa puso ng kababaihan. Kung gusto mo ng mga hotchicks, saken ka lumapit. Kahit ang mga multo ay nagkakadarapa sakin."
YOU ARE READING
The Black Exorcist
Horror[Highest rank achieved: #2 in Maligno] Dahil sa walang tigil na pagsapi at pagpaslang ng mga demonyo sa mga tao sa ibat ibang lugar sa Pilipinas, lihim na dumulog ang Arsobispo ng Maynila sa Papa sa Vatican tungkol sa problema ng walang habas na pag...