Chapter 4

1.1K 22 3
                                    

©pinaykimchii

"Akala ko ba pumunta kayo dito para sakin? Eh bakit bukambibig niyo 'yung transferee kanina?" Naiinis na tanong ni Tinkerbell habang nakahalukipkip.

Itinaas naman ni Cole ang kamay at natawa. "I am not here for you 'no, hinigit lang ako niyan ni Peter para samahan siya dito." Sabi nito.

Inirapan siya ni Tinkerbell at sumulyap sa bestfriend niyang may nakakalokong ngisi na nakatitig sakanya.

"What?" Naiinis niyang tanong sa kaibigan.

Inis na umupo si Tinkerbell sa tabi nito at ipinagpatuloy ang pagkain ng wala siyang makuhang matinong sagot sa dalawa. Kanina pa siya napipikon sa dalawang magpinsan na ito, umandar na naman kasi ang pagiging palikero ng dalawa. Okay lang sana kung si Cole nalang tutal malandi naman talaga ito, tska wala naman sigurong masasaktan kung maglumandi na naman si Cole, wala siyang pakialam doon pero ibang usapan kasi kapag si Peter. Before, okay lang sakanya na mag lumandi ito at mambabae kasi alam niya na biro lang ang lahat para kay Peter, alam niya rin na wala pa itong balak na sumubok sa totoo at seryosong relasyon kaya kahit mahal niya ang kaibigan ay hinahayaan niya lang ito sa kung anong gusto nitong gawin sa buhay and magkasama pa sila noon sa iisang school kaya alam niya ang bawat galaw nito. But now? She thinks something wrong, na ayaw niyang pangalanan. Parang kapag nagpatuloy ito ay hindi niya kakayanin lalo na't hindi na sila madalas magkita, she's not done with the K to 12 at college na si Peter.

Inakbayan siya ng kaibigan. "Baby, don't be jealous. You are my only baby, you know that." Sinserong saad ni Peter sakanya.

Namula naman ang pisngi ni Tinkerbell sa sinabi nito. Hindi niya ipinahalata na grabe ang epekto sakanya ng sinabi ng kaibigan. She wants to jump in so much kilig na nafifeel niya pero she remail calm and a bit annoyed, mahirap ng mahalata.

"I'm your only one pero bukambibig niyo si Wendelynn." Nagtatampong saad nito.

Tumawa ng malakas si Cole. "That's the transferee's name? Wow! Is this a Peter Pan story in real life?" Tumatawang sabi ni Cole.

"Shut up you motherfucker!" Saway sakanya ni Peter at binato siya ng sushi sa mukha.

"Sayang 'yung sushi!" Saway naman ni Tinkerbell sa kaibigan.

"Cole, will you please leave just for awhile? Kakausapin ko lang si Tinkerbell." Pakiusap ni Peter sa pinsan.

Tumayo naman si Cole at namulsa. "Tss! Parehas kasi kayong pabebe eh, matapos mo akong higitin sa kama ko habang masarap akong natutulog papaalisin mo lang ako?" Nagtatampong saad nito at nagmartsa na paalis.

Nailing si Peter sa inakto ng kanyang pinsan. "Baliw talaga ang isang 'yon." Sabi nito at sinulyapan si Tinkerbell na ngayon ay inuubos ang binili niyang sushi.

Napangiti siya sa bestfriend. This is what she likes about her, matakaw ito at kung anu-ano ang kinakain. Hindi ito mapili sa pagkain, hindi rin maarte kung tumaba man ito. Si Tinkerbell ang eating buddy niya, and they are both like eating a sushi. Kahit ilang sushi pa 'yan, kayang-kayang ubusin ni Tinkerbell.

"Gusto mo pa?" Alok niya sa kaibigan.

Umiling si Tinkerbell habang punong-puno ng laman ang kanyang bibig.

Peter chuckle. "Ang takaw mo talaga basta sa sushi." Aniya at pinunasan ang gilid ng bibig ni Tinkerbell gamit ang thumb finger niya.

Nanlaki ang mata ni Tinkerbell sa ginawa ng kaibigan, it's not like bago ito sakanya. Pero hindi, he always do that kapag puno na ang laman ng kanyang bibig at si Peter ang kasama niyang kumain. May pagkamakalat kasi talaga siyang kumain, but the gesture of Peter.., hindi niya maiwasan ang hindi kiligin at mamula sa simpleng pagdampi ng daliri nito sa gilid ng kanyang bibig, kung noon ay wala lang ito sakanya pero ngayon iba na kasi.., mas lumalalim na ang pagmamahal niya para dito kaya't sa mga simpleng bagay na ginagawa sakanya ni Peter, wala na... sumasabog na siya na parang bulkan, hulog na hulog na siya, may malisya na sakanya, pero hindi dapat malaman ni Peter at ayaw niyang malaman nito ang tunay niyang nararamdaman para sa kaibigan.

I'm only just your TinkerbellWhere stories live. Discover now