Chapter 37

1.1K 21 4
                                    

©pinaykimchii

Tumulong muli ang aking luha.

Did I hear it, right? Mahal niya daw ako?

Shit!

Noon ko pa gustong marinig ang mga katagang 'yan, at ngayon narinig ko na mula sakanya bakit hindi ako masaya? Bakit parang nilulukob ang puso ko? Bakit wala akong maramdaman na kung ano sa aking tiyan? Hindi din mabilis ang pagtibok ng aking puso.

"S-say something. Hey.." Napapaos niyang sabi dahil marahil sa iginawad kong katahimikan.

Anong gusto niyang sabihin ko? Magpasalamat dahil sa wakas, mahal niya na din ako? God!

Umiling ako at mas lalong umatras mula sakanya. Hindi ako naniniwalang mahal niya ako. Kasi kung totoo, mararamdaman ko iyon, pero ang kaso ngayon ay hindi ko maramdaman. Kaya malaki ang tyansa na nagsisinungaling siya. Pero, bakit? Pinalaya ko na siya! Hindi ko na siya kailanman hahabulin. Bakit ginagawa niya ito? Para sa anong dahilan?

"Y-you're lying. Mahal mo ako? Hindi ako naniniwala." Umiiling na sambit ko.

Akma siyang lalapit sakin pero agad ko siyang pinigilan.

"Huwag kang lalapit! Pakinggan mo ang sasabihin ko." Sigaw ko.

He bit his lip. Problemado.

"Tink. Believe me. I love you. Mahal kita. Matagal na kitang mahal! Mga bata pa lang tayo inamin ko na sa sarili kong ikaw ang babaeng mamahalin ko hanggang sa pagtanda natin!" Pag-amin niya.

Peke akong tumawa.

"Hindi mo ako mahal! Kung mahal mo ako, hindi mo ako hahayaan na masaktan, hindi mo ako pag sasalitaan ng masasamang bagay! Kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako iiwan at mas lalong hindi mo ako hahayaan na mababoy dahil lang sa gusto mong protektahan ang nagpapanggap kong kakambal!" Sigaw ko.

Tulad ko. Lumuluha din siya. Ano? Nasasaktan din ba siya o umaarte lang? Naguguluhan ako!

"Hindi ako naniniwala, Peter! Ilang beses mong pinamukha sakin na si Wendy ang mahal mo at hindi ako! Kaya bakit ako maniniwala sayong mahal mo ako? Ano? Uutuin mo ako? Anong balak mo ah? Papaniwalain mong mahal mo ako, tapos ano? Sasaktan? Dahil ito ang gusto ni Wendy? Huh? Iyon ba 'yon?!"

Umiling siya. Humakbang siya palapit sakin at nahawakan niya ang aking palapulsuhan. Humaplos iyon pataas sa aking braso at huminto sa aking siko. Nag mamakaawa siyang tumingin sakin.

"Maniwala ka sakin. Sa lahat nang kasinungalingan na sinabi ko sayo, ngayon lang ako nagsasabi ng totoo, Tinkerbell. Hindi ako nagsisinungaling. Mahal na mahal din kita. M-mahirap din sakin lahat ng ginawa ko sayo. Pinagsisisihan ko 'yon hanggang ngayon! Noong tuluyan na tayong naghiwalay, naging miserable na ang buhay ko." Aniya.

Nanlaki ang aking mata nang lumuhod siya sa aking harapan. Umiiyak at niyakap ang aking baywang. Napaawang ang bibig ko. Wth?!

"I'm so sorry, baby. N-nabulag ako dahil galit na galit ako sayo! T-that night. Noong nahuli tayo ng daddy mo, doon nagsimula ang lahat. I was so  fucking hate you that night! Pero kahit na galit na galit ako sayo, makita lang kita nalulusaw ang galit ko pero sa tuwing nakikita kong laging nakabuntot sayo ang gago mong fiancé na si Terrence, umuusbong na naman ang galit ko. Sayo, sainyong dalawa!"

Natigilan ako. Fiancé? Si Terrence? Hindi ko maintindihan. Bakit niya sinasabi na fiancé ko si Terrence?

"H-hindi ko kailanman naging fiancé si Terrence."

Inangat niya ang kanyang mukha para tignan ako. I saw tears in his eyes. Humigpit lalo ang yakap niya sa akin.

"Yes, baby. Hindi mo siya fiancé dahil I was so stupid na naniwala ako sa daddy mo. He only said that para layuan kita. He only said that dahil gusto niyang ibaling ko ang atensyon kay Wendy." WHAT?!

I'm only just your TinkerbellOnde histórias criam vida. Descubra agora