Chapter 25

1K 24 5
                                    

©pinaykimchii

Malalaking hakbang ang ginawa ni daddy upang makalapit sa kinatatayuan ko. Inilagay ako ni manang sakanyang likod tila pino-proktehan niya ako laban kay daddy.

"Allan, makinig ka muna sa bunso mo!" Sabi ni manang.

Kitang-kita ko kung paano umigting ang panga ni daddy, pinipigilan ang sariling bulyawan si manang. Si mommy ay nasa likod lang ni daddy.

"Huwag. Na. Huwag. Mo akong uutusan kung ano ang gusto kong gawin sakanya!" Matigas na sabi ni daddy sabay baling sakin.

Matalim niya akong tinignan at mabilis na hinablot sa likod ni manang. Napasigaw naman si manang dahil doon.

"Allan, diyos ko!" Sigaw ni manang nang kaladkarin ako ni daddy papasok ng bahay.

"Daddy, listen to me first.." Sabi ko habang pinipigilan na huwag umiyak.

Malakas akong binalibag ni daddy sa sahig. Napahiga ako ng dahil doon kaya natukod ko ang aking kamay na kakatahi lang. Napapikit ako ng mariin. Nang idilat ko ang aking mata ay kitang-kita ko ang pagdurugo ng benda. Marahil ay bumuka iyong tahi!

"D-dad..." Natatakot kong sabi.

Galit na galit siya ngayon. Ganitong-ganito si Wendy kanina, parang hindi ako kilala. Parang handa akong patayin.

Umatras ako ng makitang may hawak siyang latigo. Ginagamit niya itong latigo noon para mapasunod ang mga hayop sa farm namin sa Panay. Umiling ako. Parang ulan sa pagbuhos ang aking mga luha. Hindi ako magagawang latiguhin ni daddy. Hindi niya ito magagawa sakin. Anak niya ako, hindi niya ako kayang saktan ng ganito.

"Anong karapatan mong saktan ang kapatid mo?!" Sigaw niya sabay latigo sakin na tumama sa aking hita. Napapikit ako sa sakit.

"Anong karapatan mong gawin iyon sakanya?!" Sigaw niyang muli sabay latigo sakin. Tumama ito sa aking braso. Napapikit ako sa sakit.

"Iyang ugali mo ay dapat tinuturuan ng leksyon! Humahaba na iyang sungay mo at pati ang kapatid mo ay nagagawa mong saktan!" Galit na galit niyang sabi sabay latigo muli sakin.

Tahimik akong umiiyak habang iniinda ang sakit. Niyakap ko ang aking sarili. Baka madamay ang baby ko.

"Nakita mo ba ang itsura niya ha?! Namumula ang pisngi dahil sa ginawa mong sampal! Puro bukol ang kanyang ulo dahil sa pagsabunot mo sakanya!" Sigaw niya sabay latigo muli sakin.

"Kaya sagutin mo ako! Anong karapatan mong manakit, ha?! Ano?!" Sigaw niya sabay latigo muli sa akin ng ilang beses.

"Tama na po." Nanghihina kong sabi habang umiiyak.

Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na ng aking katawan. Hindi ko na kaya ang sakit.

Binitawan niya ang latigo at humakbang palapit sakin. Namumula ang mata ni daddy dahil sa sobrang galit. Tinitigan ko iyon mula sa mga mata kong luhaan. Mariin niyang hinawakan ang pisngi ko.

"Magsorry ka sa kapatid mo!" Matigas niyang sabi.

Tuluyan na akong umiyak. Umiling ako. Bakit ko iyon gagawin? Ako ang biktima dito. She's devil! Siya iyong nauna. Kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi niya sakin, gusto niya na akong mamatay and yet ako pa iyong hihingi ng sorry?

"Tangina!" Sigaw niya sabay sampal sakin. Halos tumabingi ang aking mukha dahil sakanyang sampal. Nalasahan ko ang dugo sa gilid ng aking labi.

"D-daddy.... S-she want me d-dead." Nanghihina kong sabi.

"Hindi iyan totoo!"

Nag-angat ako ng tingin nang makita ko siyang luhaan habang nasa tabi niya si Peter na nakatitig sakin. Napapikit ako ng mariin. Bakit sa ganito pa talagang eksena niya ako makikita na nahihirapan.

I'm only just your TinkerbellTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang