CHAPTER 01

4.9K 111 8
                                    

AJ's pov

Malapit na mahal na prinsesa, malapit ka nang magbalik sa iyong tunay tahanan, malapit na ang takdang oras kaya maghanda ka na.



Napamulat ako kaagad ng mata, tumama naman sa'kin ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana kaya naman agad din uli ako pumikit. Niyakap ko ang unan ko, inaantok pa ako.



Eto nanaman ako sa panaginip na 'yan, simula bata ay nananaginip na ako ng gano'n, pero ngayon eh mas dumadalas jusme.



"Anak, gising na. Bumangon ka na dyan, baka malate ka pa sa school"malakas na katok ni mama sa pintuan. Pwede bang huwag muna pumasok? Pwede naman siguro noh, kapag hindi baka pwedeng ipilit natin 'yan



"5 minutes mama, bawal biglain ang pagbangon baka sumakit ulo ko" pagddrama ko sakanya. "Nako aj ha sinasabi ko sa'yo huwag mo hintayin na kunin ko ang susi at pag ako nakapasok dyan hihilahin kita!"



Napabangon agad ako sa sinabi niya " eto na ma nakatayo na, naglalakad na nga papuntang cr eh" Ayoko nga mahila,last time binuhusan niya ako ng malamig na tubig pagkatapos hinila ako papapuntang bathroom.



Simula non lagi na ako nagllock ng pinto, mahirap na "Bilisan mo, lalamig ang pagkain!"sigaw niya pa uli kaya naman agad agad akong nagsimula maligo



Shampoo sabon kuskos banlaw repeat. Pagkatapos ko maligo nagskin care ako, pinakaimportante 'to noh.Hindi na ako magmmake up dahil confident naman na ako kahit wala 'yon, pero syempre magssunscreen ako.



Pagkatapos ko magbihis ng uniform agad agad na akong bumaba at nagtungo sa kusina "GOOD MORNING MAMA!" malakas na bati ko sakanya sabay haliksa pisnge



"Morning, kain na"sabi niya kaya agad akong umupo " kumain ka ng madami ha kailangan mo ng energy" paalala niya sa'kin. Sweet yarn parang 'di kami nagkasigawan kanina lol



Pagkalipas ng ilang minuto natapos na akong kumain. Nagtoothbrush uli ako at nagpaalam na kay mama. "Mami alis na me, babye po"nakiss at nagmano ako sakanya



"Sige,pero magingat ka ha baka dumugin ka nanaman katulad noong isang araw mag pahatid ka kay manong fredy"paalala niya, wow dumugin talaga HAHAHA kaya lang naman nagkaganon ay dahil nasa public place ako



"Mama sa school po ako pupunta at isa pa po madami din pong nagaaral na artists do'n like me kaya safe po ako"pagpapaliwanag ko sa kanya " Hays oo na nga basta magingat ka nagaalala lang namn ako eh" niyakap ko siya



"Sige mama love u" pumasok na ako sa sasakyan, hindi ko naman masisi si mama na gano'n magalala dahil minsanan na rin akong napahamak dahil nga nakilala ako ng karamihan. Sanay naman na ako dahil ito ang hilig at trabaho ko ang kumanta at sumayaw. Isa akong artist or idol? Ppop n rise ganern



17 years old lang me, mabait sa mabait plastik ako sa plastik at mas masama ako sa masama kaya basta depende sa taong pakikisamahan ko. Hindi ko alam kung panget or maganda bang ugali 'yon basta huwag lang gagawan ng masama ang mga mahal ko.



"Maam andito na po tayo"pagbibigay alam sakin ni manong fredy. Hindi ko namalayan na nasa school na pala ako.



"Salamat po sa paghatid, manong naman Aj nalang po itawag ninyo sa'kin" ayoko kasi na tinatawag pa akong ma'am, hindi naman ako teacher eh chour tsaka parang pamilya na din ang turing ko sa kanila



"Sige po ma- Aj ingat po" ngumiti nalang ako bilang tugon tsaka bumaba. Pagakakitang pagkakita nila sa'kin at nagsimula na ang bulong bulungan. Mga bubuyog

*ganda talaga ni Aj pre*


*sinabi mo pa walang wala si Jean sa kanya eh*


*ganda niya talaga talented pa liligawan ko na talaga siya *


*sorry bro pero uunahan na kita*


Eh as if naman magpapaligaw ako and true mas maganda ako kay jean na mukhang clown. Pumasok na ko sa room namin at pagpasok bumungad agad sakin si chelsea


"Hello Aj!" Nginitian ko siya "hello kamusta" pagbati ko pabalik,mabait 'yan kaya bet ko maging friend 'di katulad ng iba ehem ehem


"Eto nga hindi ok sinisiraan ako ni bes mare manunuklaw ata ang g*ga"pagkkwento niya."


"Huwag kang magaalala kapag tuluyan kang natuklaw ako bahala sa libing mo chour" panunikso ko sakanya"


"Bwiskwit ka din eh! Nangaasar pa HAHAHHAH sige na nga don na ako sa upuan ko"pabiro niya akong inirapan tsaka umalis sa harap ko.


Aba talaga magiingat ako noh ang laki ata ng galit non babaitang 'yon sa'kin. Nagissue pa ako dahil dyan before, nagkalat ba naman ng fake stories para ayawan ako ng mga tao pero syempre 'di naman siya nagtagumpay


"Good morning class"biglang pasok ni maam sa room kaya dali dali akong pumunta sa upuan ko. Ayan daldal ma aj


"Good Morning maam"bati namin kay maam


"Ok class wala kayong klase ngayon araw, pasensya na sa late notice. May biglaan lang na nangyare kaya naman maari na kayo umuwi at kung mga gagawin kayo gawin niyo na" announce ni maam


So ganun ganun na lang 'yon? gumising ako ng maaga at nagmadali pumasok para lang pauwiin uli? Asan ang hustisya!? Pero oki lang yan magpapractice nalang ako para sa bagong album kasama ang mga kagroup ko


Hindi lang ako nagiisa 5 kami sa grupo pero nakapagdebut din ako as solo. Magkakasama kami sa dorm nagkataon nga lang na sa bahay ako natulog kagabi dahil naglambing ang aking mama magkakasama


"Huy ano tulala ka diyan alis na 'ko mauuna may event pa kong pupuntahan eh ikaw?"sabi ni chealsea


"Go lang ingat chels magppractice nalang siguro ako"sabi ko naman "Ah ganon ba sige goodluck sainyo pakisabi nalang din kila macy mauna na ako ha"paalam niya sakin ngumiti nalang ako bilang tugon


Hindi muna ako lumabas ng classroom dahil kattext ko lang kay manong fredy para magpasundo ulit. Hay nako bumalik pa tuloy siya.


Nung nagtext si manong na malapit na siya dun lang ako nag ayos ng mga gamit at lumabas na ng room at kung minamalas ka nga namn nakasalubong ko pa si bess


"Hello! Long time no see ah" bati niya at ipinakita ang fake smile panget.Hayss plastik mode on


"Oo nga eh long time no see sige ha mauna na ko at magpapractice pa kami ng mga kagrupo ko para sa album namin eh"sabi ko sakanya at nginitian ng napakatamis


Bigla namn nagiba yung itsura ni bess lalo siyang pumanget hahaha 'di pa kasi siya nakakapaglabas ng album niya hays."Ah ganon ba sige bye besty"sabi niya at ngumiti siya ng pilit


Wth besty? besty? besty yucky
Paglabas ko nakita ko agad si manong fredy na nagiintay,buti nalamang at hindi pa siya gaano nakakalayo kanina kaya mabilis ako nabalikan. Epal kase ng school eh.









================================================================
===
💞

THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon