CHAPTER 03

2.8K 100 1
                                    

AJ's pov

Nang makarating ako sa bahay bumungad agad sakin ang seryosong mukha ni mama na nagaantay.

"Ma anong pagkain" tanong ko agad pagkatapos humalik at magmano "Bacon and eggs kumain ka na" hala seryosong seryoso nanay ko ngayon, dapat na ba akong kabahan?

Pagkatapos kong kumain umupo ako sa harap ni mama " ma anong paguusapan?"tanong ko curious na me eh

"Ano anak ililipat kita ng school" seryosong sabi niya"Ahh ok,  ayyy wait what? lilipat po ako ng school?bakit po?kelan? Saan?"sunod sunod kong tanong

"Ah mahabang kwento AJ eh basta don sa  pupuntahan mo mas magiging masaya ka dahil dun ka nararapat at kinakailangan"makahulugang sabi niya

"Ba't naman ako kakailanganin don ma? Tsaka bakit biglaan naman po ata 'to" ano kaya yon need  ba ng school na yon ng singer? Paano naman career ko dito

"Anak makinig ka nalang saakin please kailangan mo pumunta don sa lalong madaling panahon" pageexplain niya

"Madaling panahon? Bakit agad agad? naguguluhan na po ako,deretsuhin niyo nalang po ako.Bakit don ako nararapat maganda naman school ko ngayon ah"seryoso kong sabi

Huminga siya ng malalim "AJ hindi kita tunay na anak"seryosong sabi niya "Ma ang corny ng joke mo tatawa ba ko?"akala mo naman kasi nakikipag biruan eh.

"Sabi mo deretsuhin eh! totoo yun AJ hindi kita tunay na anak.Nakita kita sa may pintuan nung bata ka pa lamang. May kwintas at sulat na iniwan pata sayo ito oh"sabi ni mama bingay nya sakin yung sulat habang naiyak

Naguguluhan akong kinuha 'yun hindi ko alam ang nararamdaman ko 'di parin nagsisink in sakin

Carla

Matagal na kitang sinusubaybayan at alam kong may mabuti kang puso. Alagaan mo muna ang aking anak habang ako'y wala ikaw muna ang tumayong ina niya.Wala siyang mga alaala, tatapatin na kita hindi kami pangkaraniwang tao ng aking anak.May mundo kami na pinaggalingan na sa ngayon ay puno ng kaguluhan. Ito ang dahilan dinala ko siya saiyo upang maprotektahan. Labing isang taong gulang na siya, bago sana sumapit ang  kanyang ika labing walo na kaarawan ay sana nakabalik na siya sa aming
mundo. Dalhin mo siya sa may gubat kung saan malapit ang iyong bahay at doon iwanan paniguradong makikita niya ang daan patungo sa aming mundo dahil konektado siya rito. Ang kaniyang buong pangalan ay Ashley Jade Nycole Cruz Salvador ngunit maari mo siyang tawagin sa kahit anong pangalan na nais mo basta't 'wag lang ang totoo niyang pangalan,protektahan mo sana at mahalin siya ng parang tunay mong anak naniniwala ako sayo.

Salamat kaibigan hanggang sa muli.

Q.A.S

Hindi ko mapigilan ang ang iyak habng binabasa ang liham na ibinigay kay mama

"Anak, sorry kung ngayon ko lang sinabi,pero tandaan mo kahit "di ka galing sakin ay itinuring kitang tunay kong anak"pagpapatahan sakin ni mama

Naramdaman ko ang yakap niya at ibinalik ito sakanya. "Ma 'di niyo po kailangan mag sorry naiintindihan ko po at nagpapasalamat po ako sa pagmamahal at pagaalaga na ibingay mo sakin" Napaka werte ko dahil inalagaan niya at minahal ako ng lubos sila. Wala ni isang inis o galit akong naramdaman dahil sa pagtatago niya ng totoo.

"Salamat naman kung ganon. Anak nabasa mo naman sa sulat na kailangan mo bumalik sa mundo niyo at pumunta sa may gubat. Pumunta ka don anak" paalala niya sakin.

Tumango nalamang ako bilang sagot. Napaisip ako hindi ko pala lubusan kilala ang sarili ko. Bakit nagkagulo at kinailagan ako dalhin dito? Sino ang tunay kong magulang? May kapatid ba ako? Bakit hindi nalamang nila ako balikan dito?

"Mamayang gabi ka aalis kaya magimpake ka na" napatigil ako sa pagiisip sa sinabi ni mama

"mamayang gabi? mama wait lang naman katatapos ko lang umiyak oh nagmumuni muni pa ako eh! bakit mamaya na at gabi pa? Pwede ba bukas nalang ng umaga?" Reklamo ko nakakatakot kaya gubat pa man din yun

"Para nga walang makakita sayo, 'wag ka ng maarte ok"pinanlakihan niya pa ako ng mata

"Ok fine as if naman may choice ako. Magdadala pa po ba ako ng damit?"tanong ko

"Naku 'wag na importanteng bagay nalang para sayo ung dalhin mo"luh hindi ba importante ang damit

Napatango nalang ako "pero ma paano po 'yung career ko po yung grupo ko mama?"tanong ko hala di ko kaya iwan 'yon ehhh

"Don't worry I already talk to them. Sabi ko magaaral ka sa ibang bansa. Sila na din magsasabi sa mga members "sagot niya

Grabe nakausap na niya lahat alam na na ng manager ko tapos ako hindi pa? Hustisya naman mga mare.Buong araw ko kinukulit si mama, sunod lang ako ng sunod sakanya at dumidikit bakit ba mamimiss ko siya ehh

"Ay nako aj ha magpahinga ka na muna don! Tigil tigilan mo muna ako" masungit niyang sabi sakin "Fine" napairap ako at umakyat sa taas. Nakatingin lang ako sa ceiling hanggang sa antukin ako at makatulog

Nagbihis ako ng black jeans sando na white tas black na jacket at black na converse at nagponytail. Inihatid na ako ni mama sa gubat

"Oh ano ready kana? 'di nakita masasamahan sa loob hangang dito nalang ako. Anak magingat ka dun ah magingat ka sa mga taong pagkakatiwalaan mo,huwag kang basta basta magtitiwala at kahit anong mangayari magpakatatag ka at maniwala ka lang sa sarili mo alam kong kaya mo lahat nang pagsubok. Mahal na mahal kita anak ko"naiiyak niyang sabi niyakap  at hinalikan niya ako sa noo

"Opo mama iingatan ko po ang sarili at magpapakatatag, mahal na mahal ko din po kayo maraming salamat po sa lahat. Mag ingat po kayo lagi at alagaan niyo po yung sarili niyo lalo na at wala ako para alagaan ka mama. Iloveyou mama" umiiyak kong paalm

Pinunasan niy ang mga luha ko "Sige na pasok ka na"sabi niya at ngumiti

Ngumiti din ako at tumango. Ito na  pumasok na ako at naglakad lakad, hindi ko na namalayan kung saan na ako nakarating hanggang sa may kakaibang liwanag akong nakita. Parang tinatawag ako ng liwanag na 'yon, nilapitan ko ito hanggang sa maramdaman ko na hinihigop ako nito papasok.







===================================================================
💞

THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon