CHAPTER 04

2.8K 94 1
                                    

AJ's pov

Nakarinig ako mga taong naguusap kaya naman unti unti akong nagmulat."Sino kayo?Anong ginagawa ko dito?"Nagpapanic kong tanong ng makita ko ang dalawang babae sa harapan ko.

Gulat silang napatingin sa akin at parang napipi. Unang nakabawi ang babae na maiksi at kulot ang buhok "Ah eh diba dapat kami ang nagtatanong niyan sayo? Sino ka? Wala ka bang naaalala?" Sunod sunod niyang tanong

Napatigil ako at kumalma. Andito na ba ako? Ito na ba yung lugar na sinasabi ni mama? Doon sa sulat? " Ah pasensya na ano kasi basta ang naalala ko lang pumasok ako sa gubat tapos biglang nagliwang tapos doon na ata ako nawalan ng malay" sagot ko sa kanila 

Tumango tango naman sila sa sa akin "Ahh ganoon naman pala nako ghorl buti nalang kami ang nakakita sayo dahil kung iba yan baka napahamak ka na" ang babae na medyo maliit naman ang nagsalita

"Salamat at sorry sa inasal ko kanina nabigla lang ako" ngumiti lang naman sila sa akin "ano ka ba wala yon" si ate na kulot ang nagsalita

"Ano nga palang lugar ito ano pong pangalan niyo? Tanong ko para naman alam ko diba kesa naman ate kulot at ate liit tawag ko HAHAHA

"Ah oo nga pala ehem ehen I'm Nikki Cortez 18 years old my power is healing at ako ang nagiisang anak ng pinakamagaling na healer dito" ang babae na kulot ang nagsalita pero teka healer? Hindi pa nagpprocess sa utak ko ang sinabi niya ng magpakilala na si ate liit

"Ako naman si Leana Hernandez 18 years old my power is illusion at nanay ko ang pinaka-" masama man pero sumabat ako

"Teka teka masaya ako na makilala kayo, pero ano bang pinagsasabi niyo na power? Hindi naman totoo yun jinojoke time niyo ako ah" naiiling kong sabi

"Totoo yun noh! Ano ba 'yan pinutol mo introduction namin! Nandito ka sa Immortal world kung saan ang lahat ng nakatira dito may kapangayarihan o magic sa ingles" Anlakas ng boses niya habang nagpapaliwang

"No way! I'm going home hindi ako belong dito I don't have power or some shit " tumayo ako at hinanap ang sapatos ko

Magic? Immortal world? Dito ang lugar kung saan ako nabibilang tulad ng sabi sa sulat? Imposible naman yon joke time lang ito isa pa wala akong kapangyarihan!

"Hoy! Chill ka lang huwag ka gumalaw muna baka mahimatay ka uli!" Pigil nila sa akin, napatingin naman ako sa kanila "imposible naman kasi sinasabi niyo!" Sagot ko

"Anong imposible hindi ah walang pwedeng tumapak na mortal dito. Lahat ng nakakapasok ay makapangyarihan at ikaw nakapasok ka" pagpapaliwang ni leana  sa akin

"Alam kong nakakabigla! Mukhang galing ka sa ibang mundo eh pero maniwala ka sa amin nabibilang ka dito" nilapitan ako ni nikki at pinaupo muli sa kama.

" Katulad ng sabi ko sainyo wala naman akong kapangyarihan wala ako nararamdaman sa katawan ko na kakaiba" paliwang ko sa mahinang boses

" May ganon talagqng cases at isa pa mukhang di ka dito lumaki at siguro isa na iyon sa factor bakit wala pa ang kapangyarihan mo pero huwag ka mag alala lalabas din yan sa takdang oras" hinawakan ako ni leana at binigyan ng ngiti

"Nga pala anong pangalan mo?" Tanong niya pa, hindi pa pala ako nagpapakilala "  I'm Aj Mendoza" pakilala ko

Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata nila at nagkatinginan bago tumili na parang baliw at nagtatalon

THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon