CHAPTER 02

3.2K 95 1
                                    

AJ's pov

Ang tagal ng byahe magnanine na nang makarating ako sa studio nakita ko.Agad ko naman sila nakita na nagppractice ng sayaw. "Hi mga bhie!"sigaw ko kaya lahat sila ay napatigil at napatingin sa'kin


"Akala namin ay mamaya ka pang hapon? Wala kang pasok?" Nagtatakang tanong ni mina isang vocalist sa group. Napakibit balikat ako " iyon din ang akala ko mga bhie, kastress nga nagmadali pa man din ako pumasok"napatango naman sila

"Ilapag mo na ang mga gamit mo at magstreching ka na" sabi sakin ni tiffany. "Mamaya pa tayo magrrecord, sayaw muna ngayon"pagbibigay alam sa'kin ni ella ang encharge sa sayaw namin at pinakamatanda sa grupo habang ako naman ang pinakabata at vocalist din

"Ok game na guys" yaya samin ni erin ang nanay nanayan namin "opo nay" natatawang sagot naman ni tiffany ang pinakamingay samin


Grabe naman ang sayaw na 'to! Ang hirap ha buti nalang din pala wala kaming klase atleast may time ako magaral nito. Lumipas ang mga oras at lunch time na, nagorder nalang kami ng mcdo at sa loob na ng studio kumain, bawal daw kumain dito pero dahil makulit kami wala na silang magagawa.


Pagkatapos kumain ay nagsimula naman na kami magrecord ng kanta.
"Aj ikaw na ang mauna" kaya naman pumasok na ako sa loob at nagsimula.
Mabilis lang ako natapos at sumunod na sila erin sa'kin

"Good job guys! Siguradong magging hit ang kantang 'to" masayang sabi ng producer namin


Katatapos lang naming lahat magrecord, grabe sobrang nakakapagod." Yay makakauwi na din tayo" masayang sabi ni mina." Guys siguraduhin niyo na wala kayo naiwan, 'yung mga kalat niyo dalhin ninyo" paalala ni nay erin HAHAHAHA


Nagpaalam na kami sa mga staff bago lumabas ng building at sumakay na sa van na para sa aming lahat. Pagdating sa dorm namin kumain lang ako saglit tsaka nag half bath.


Nanood lang ako ng movie, about sa childhood friends. Nang nasa kalagitnaan na nakaramdam na ako ng antok. Sinarado ko na anh laptop at umaayos ng higa. Napahikab ako hays nakakapagod ang araw na 'to

"Jade, pagtayo tumanda na magpapakasal tayo ha" sabi nang batang lalaki na humihikbi ,siguro mga 10 years old na ang batang 'to.
Nasa play ground sila at mukhang may pagtatalong nagaganap at umiyak 'yung batang lalaki.

"Oo na ace "sagot naman nang batang babae na si 'jade' raw, parang napipilitan si ghorl. Umoo lang ata para di umiyak si ace. Ano ba itong napapanaginipan ko, dahil ata to sa pinanood ko na movie eh.

"Talaga Jade!? sabi mo yan ah" napangiti naman 'yung ace "promise mo na yan wala ng bawian wuvyu" dugtong pa nito at inilahad ang hinliliit nito


"Oo nga, kulit mo naman eh. Promise ko yun sayo." Napangiti nalang din si jade at nagpinky promise sila. Ano ba yan walang poreber noh ang babata pa eh may mga ka pinky promise na

Booogsshhh*

Napatingin ako sa pagsabog, ang lahat ay nagtakbuhan at prinotektahan 'yung jade "Akin na ang mahal na prinsesa"sabi nung matandang babae na panget na kulukulubot na ang balat eww

"Hinding hindi mo makukuha ang anak ko"napatingin ako sa babaeng sumigaw na lumitaw sa harapan ng bata na si jade


"Huwag ka pakasiguro babaeng walang kwenta" nagpalabas ito ng isang malaking bolang itim Nagulat ako ng bigla itong tumingin sa kinaroroonan ko at pinakawalan 'yon, bakit gano'n? Hindi ba panaginip lamang 'to. Bakit parang saakin tatama ang bola. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumikit





"Aj?"nagising ako sa mahinang pagtapik sa braso ko, si tiffany pala. "ayos ka lang? Hindi ka mapakali" tanong niya sakin." Ahh ok lang ang sobrang weird lang ng panaginip ko, buti ginising mo ako" sagot ko sakanya


"Ay nako hanggang ngayon pala nananaginip ka padin ng kung anu ano,baka dahil yan sa lawak ng imagination mong bata ka " kinurot niya ang pisngi ko. Sa kanilang apat siya lang ang nakakaalam tungkol sa mga panaginip ko, simula bata palang magkasama na kami.


Dahil umaga naman na tuluyan na akong bumangon at naligo pagkatapos ay nag skin care at naglagay ako ng sunscreen. Nagsuot ako ng black jeans,white hanging t-shirt, at converse na white tapos nilugay ko nalang ang buhok ko at nagsumbero na itim.


Nakatanggap ako ng email na wala parin pasok ngayon dahil tinatamad ang mga teachers ko chour may importante daw silang ginagawa. Plano kong maggala ngayong araw dahil wala naman gagawin.


*sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo🎵🎶*
Nagring ang phone ko,tumatawag ang aking mudra bakit kaya? "Hello goodmorning mama! Why ka po napatawag?" Tanong ko sakanya "Busy ka ba after class niyo? Kung hindibaka pwede ka munang umuwi dito sa bahay anak"


Hay nako ang aking mama naglalambing nanaman " Wala naman po uli kaming class and katatapos lang namin magrecord so pwede na po ako umuwi dyan now. Ikaw mama ha miss na miss mo naman agad ang maganda mong anak"
Napatawa siya saglit "hay nako ang hangin mo! Umuwi ka na,may paguusapan tayo" bigla naman sumeryoso ang boses niya.


"Hala ma wala naman akong kasalanan anong paguusapan?" Sagot ko "ay nako huwag ka na makulit at umuwi na"


"Hala hindi mo naman ako papaluin noh" tanong ko "ay nako kang bata ka ang kulit ng lahi mo umuwi ka nalang. Mag ingat ka!"pagkatapos niya magsalita ay pinatay na agad ang tawag. Ay bastos naman ng nanay ko akala mo naman hindi siya makulit.


Pero sa true lang medyo kinabahan ako sa mga salita niya, idk why nga lang. Kinuha ko nalang ang bag ko at lumabas ng kwarto, nakita ko naman sila erin na kumakain na sa kusina


"woii mga mare" pagkuha ko sa atensyon nila kaya agad sila napatingin sa'kin "Uuwi muna ako sa'min " paalam ko


"Hindi ka ba muna kakain? Nagluto pa naman ako"sabi ni mina habang ngumunguya "Hindi na sa bahay nalang"


Lumapit sa'kin si tiffany at yumakap.
"Abao ba't may payakap bhie? uuwi lang naman ako saamin ah" pangaasar ko "Huwag mo pansinin 'yan aj hindi pa nakakainom 'yan ng gamot" pang aasar nila erin kay tiffany


Natawa naman ako dahil inirapan niya lang kami "lumayas ka na nga, minsan na nga lang ako yayakap eh" pagtataboy niya sa'kin "Ay nako byerz na nga" nagbabye ako sa kanila tsaka umalis










==================================================================
💞

THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon