Chapter Nine.

704 27 5
                                    

Jhoana.


"Hoy! Jhoana! Gising" Rinig kong sigaw saakin habang inaalog alog pa ako.


Bwiset! Kung sino ka man mag-tago kana!


"Aba! Jhoana. Kanina pa tawag ng tawag si Bea sa cellphone mo!"


"Ji, anong oras na ba?" Tanong ko habang nakapikit.


"Five minutes before 8" sagot niya.


Dali-dali akong bumangon tinignan ang cellphone ko.


Ayy! Pakshet. Mag-aalas otso na nga.


Napatingin ako kay Ate Ells na parang may tinatago sa likod niya. May parang puting powder pa sya sa gilid ng kanyang labi. 


Ano nanaman kayang kinakain ng Baboy na'to?


3 missed calls and 4 new messages from Bea de Leon ang bumungad sakin.


Tinignan ko isa isa ang mga texts niya.


Good Morning, beh. I'm Excited na

Nag breakfast kana?

Why you are not answering my calls? Btw, may hinatid akong donuts for you, nasa Ref.

Are you still asleep?'


Tulog mantika ka kasi self!


Good morning din, Beh. Sorry late reply kakagising ko lang, and donuts? Kakainin ko mamaya, Beh Thank you.' reply ko.


Hindi ko muna sasabihin sakanila na may donuts ako, baka sila pa ang unang kumain.


"Bilisan mo dyan, at mag-ayos ka na. Mamayang 9 na ang umpisa ng try outs, ako nalang mag liligpit nito para mas mabilis tayo" sabi ni Ate Ella at sinimulang tupiin ang kumot.


"Oo nga, punta kana sa banyo dalii" sabi ni Jia at tinulaktulak pako.


"Anong meron? Bat ang bait nyo ata ngayon? Anong nakain nyo?" Natatawang tanong ko..


"Ayaw mo? Osige wag nalang" Sabi ni Jia at tinigil ang pag aayos sa kama ko.


"Eto naman, di mabiro. Tuloy nyo lang yan, maliligo na ang señorita nyo" asar ko Haha.


--


Pagkatapos kong maligo ay bumaba na'ko para kainin yung donuts. Pero pag bukas ko ay bawas na, Kainis sino naman kayang kumuha dito?!


"Oh, Jho? Nandito kapa pala? Akala ko kasama mo nang umalis sina Jia" sabi ni Marge na parang kakatapos lang din maligo.

Truly, Madly, DeeplyWhere stories live. Discover now