Chapter Ten.

428 12 3
                                    

Jhoana

I'm on my way to cafeteria to grab some lunch. Kaka tapos lang din ng stressful na subject ko.

"Maraguinot! Dito!" Tinignan ko kung sinong tumawag sakin, sina Jia at Ate Ells pala.

"Sandali, order muna ako" Sabi ko. "Maka Maraguinot ka diyan ha" at umupo sa tabi ni Jia

"Alanga-namang Jhoana? Eh ang dami mong ka-pangalan dito no" Sabi niya at tumawa.

"Oh, Wala ata si Beadel ngayon?" Ate Ells.

"Oo nga" Jia

"Ako yung nandito, iba yung hinahanap nyo" Sabi ko at inirapan sila.

"Syempre, siya nag lilibre, ikaw hindi. Hahaha" Sabi ni Ate Ells saka sumipsip sa inumin niya.

"Alam niyo, ginawa niyo na lang taga libre yang si Beatriz. Aba! Ba't hindi kayo magpa libre sa mga jowakels niyo ha?" sabi ko at saktong dumating na ang pagkain ko.

"Ako may jowa, Ewan ko lang sa iba diyan" Jia sabay tawa at tumingin kay Ate Ella.

"Pag ako nagka jowa, who you talaga kayo sakin" Sabi niya. Kaya natawa ako.

Tapos na kumain si Jia kaya nag ccellphone na lang siya. Kaming dalawa naman ni Ate Ella ay kumakain pa.

Bigla kong naisip si Beatriz, ano na kayang ginagawa nila? Tss, baka nag eenjoy na siya sa mga oras na'to.

Naputol ang pag mumuni muni ko nang mag salita si Jia. "Ay, bes, look oh, si Bea to diba?" Sabi niya at pinakita sakin ang cellphone niya. IG story pala ni Kianna, at may naka sulat pang miss you _beadel.

"Pero bakit mag kasama sila ni Kianna Dy?" dagdag niya.

"Ewan" walang gana kong sagot.

"Kaya naman pala wala siya dito eh, nasa ibang babae. Hahaha!" nang aasar na sabi ni Ate Ells.

"Baka mag kaibigan sila, or," tinignan ako ni Jia. "Ex-lovers"

Inirapan ko na lang siya.

"Di naman malayo, maganda din 'tong Kianna Dy na'to eh" Kumento ni Ate Ells.

"Ikaw Jho, anong chaka mo about this?" Dagdag niya pa.

"Chaka ka diyan," sabi ko at inayos ang pinag-kainan ko. Clean as you go kasi dito eh. "Pero in fairness sainyo ha, tama yung hula niyo"

"Sabi na nga ba eh! Hahaha, kami pa ba, Jho? Malakas ata ang radar namin" Sabi ni Jia habang tumatawa.

"So ano to? Getting back together, Ang peg?" Ate Ells.

"Ba't di niyo siya tanungin" Sabi ko nalang at tinignan ang oras, mag aala- una na pala. May klase pa ako. Tumayo na ako at nag paalam na sa kanila "Sige na, may class pa ako ng one o'clock"

Nakaka bwesit, sunod sunod mga subjects ko ngayong araw. Pumasok na'ko sa classroom at umupo sa pinaka hulihan, baka itutulog ko nalang to.

Ff

Twenty minutes pa itong last subject ko maka recieve ako ng text mula kay Beatriz. Patago kong tinignan ang cellphone ko dahil strict ang Prof ko sa subject na'to.

From: Isabel Beatriz 🦁

Hi Jho, I'm here outside your room. Sabay na tayong pumunta sa beg.

Truly, Madly, Deeplyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن