41
Dali dali akung lumabas sa restaurant.
"Babe. Okay ka lang?" Hinarap ko si Blue.
"Paano ako magiging..okay?
N-narinig mo naman ang l-lahat diba? May sakit ang kaibigan ko!" Pinahiran ko ang mga luhang tumulo pababa sa pisnge ko.Hindi ko alam ang gagawin ko, sobrang nasasaktan ako sa lahat ng kwento ng nurse na iyon. Kaibigan ko si Vanessa, tinuring ko na siyang kapatid at sobra akong nagagalit sa lahat ng nalaman ko! Bakit hindi niya man lang ito sinabi sa amin.
"Intindihin mo ang kaibigan mo babe. Syempre ayaw niyang masasaktan kayo." Umiling ako dito.
"Masasabi ko lang! Ang selfish niya!"
Lumakad ako dali dali at nagtungo sa kotse ni Blue. Iniisip ko pa rin kung ano ba ang dahilan kung bakit lumala ang sakit niya. Kung bakit pati sarili niya binabalewala niya!
Tahimik lang akong nakatanaw sa labas ng sasakyan, bwisit! Ilang beses ko na bang tinanong sa kaniya kung ano ang problema niya? -___- pero umiiwas siya, iba ang sinasabi niya.
"Babe nandito na tayo."
"Babe. Wag mo naman akong dinadamay oh" nilingon ko si Blue.
"Hindi kita dinadamay Blue, umuwi ka muna. Salamat sa pagsama."
Sabi ko dito at tumalikod. At doon ang mga luha ko ay nag si labasan na."Anak?" Niyakap ko kaagad si mommy.
"Hey. Ba't ka umiiyak." Napa hikbi ako sa balikat nito.
"M-mommy bakit a-ang daya n.niya"
Pinatahan ako ni mommy pero hindi parin ako tumigil sa pag-iyak.
"M-mommy." Pumasok kami sa bahay at pinaupo niya ako.
"Anak ano ba ang problema mo? Biglaan kalang umiyak ah? Nag-away ba kayo ni Blue?"
Muntik na akong matawa sa sinasabi ni mommy pero umiling ako, palagi naman kaming nag-aaway ni Blue ah? Sa baliw na yon?"Oh? Eh bakit ka umiiyak?"-mommy
"Manang tubig nga muna."
"Eh k.kasi m-mommy si Vanessa may s-sakit."
Nanlaki ang mga mata nito. Kilala niya si Vanessa hindi lang sila masyadong nagkikita pero kinikwento ko si Vanessa kay mommy.
"Ano naman a-ang sakit niya?"
"Hindi ko po alam, sabi lang ng nurse ay butas daw ang puso nito. Tapos stress siya palagi kaya mas lalo itong lumaki."
"Heart failure. May chance pa naman na gagaling siya anak, pero hindi natin alam kung ang operation niya ay magiging success. Pero ipagdasal natin siya, si Vanessa ay mabait na bata kahit hindi ko siya masyadong kilala alam ko naman na may mabuti siyang puso. At alam ko na napamahal mo na ang batang iyon"
Niyakap ko si mommy ng mahigpit.Kaya sobrang mahal ko ang mommy ko kasi sobrang bait niya.
"Ito na ang tubig anak."
Tagal ah? Hindi na ako umiyak eh!
"Salamat po Manang" ngumiti na lang ako dito.
"Magpahinga ka muna okay? Alam kong pagod ka na."
"Mom. Hindi naman ako pagod ah?"
"Hindi daw eh ang dugyot ng mukha mo."
Dkskkskz bastos ni mommy -__-
"Joke lang anak. Maganda ka Kahit ano pa ang yang hitsura mo, magka mukha tayo eh"
Nagtungo na lang ako sa kwarto ko, kakausapin ko nalang si Vanessa sa susunod na araw. Wag muna ngayon hindi ko pa kayang harapan siya.
****
Tudo iwas ako kay Vanessa.
Hindi ko alam pero parang nababaliw na ako! Nakakainis naman kasi bakit kailangan niya pang mag lihim sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Mahirap ba sabihin na may sakit siya? Edi sana okay na siya ngayon. -___-
"H-hyorin."
Nilagpasan ko lang ito. Sorry Vanessa alam ko na sobrang oa itong ginagawa ko pero nasasaktan ako kapag nakikita ko ang malungkot mong mga mata.
Kakausapin kita......bukas.
BINABASA MO ANG
She's my 14 years old Wife (Season1) (Editing)
Romance"I can't love you." "You can Vanessa. Believe me, I know you love me Vanessa." Umiling iling ako, "I'm sorry but I'm telling you that I can't love you, Lahat ng ito ay kuntrata lamang." "Maturuan mo naman ang puso mo Baby eh, M-mamahalin m-mo rin...