1st 💔 Chapter

157 23 5
                                    

Kapag handa ka ng magmahal, handa ka din dapat masaktan.

I-reserve mo yung puso mo para sa tamang tao.

Hindi porket crush mo siya, eh crush ka na din niya.

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko sa mga tao tungkol sa pag ibig.

Ikaw, may crush ka ba? Panigurado meron. Hulaan ko, gwapo/maganda 'yan ano? Haha.

Ganiyan naman talaga tayong mga pilipino. Basta maganda/gwapo ang hirap pigilan ng kilig. Haha. Tapos yung tipong magkakatitigan kayo ng crush mo. Kunwari wala lang sa 'yo pero sa loob loob mo tumatumbling ka na, haha. OA sa tumbling.

Basta gusto mong sumigaw sa kilig. Pati yung katabi mo hinahampas at kinukurot mo pa. Kawawa naman si katabi haha.

Crush lang 'yon ha. Paano kung inlove ka na? Teka, naranasan mo na bang mainlove? Mainlove sa taong inlove sa iba. Sakit nun, haha.

Pero sa totoo lang, curious ako kung anong feeling ng masaktan. Masaktan nang dahil sa taong mahal ko. Curious kasi ako sa iba na ang hirap daw mag move on.

So, para namang gusto kong masaktan. Ibig sabihin ba nun handa na akong magmahal? Charr. Haha.


Anyway, I'm Jeanne Bonifacio. 16 years of age. Grade 10 in X-University.

Nandito ako ngayon sa gymnasium with my friends, may debate kasi kami ngayon eh. Apat kaming magkakagrupo, si Kiera, Liza at Yna. Infact, we're friends. Oh 'di ba? Pambato kami ng section namin eh.

Iniintay pa namin yung mga makakalaban namin. Pa-VIP talaga yung mga yun kahit kailan.

Grade 10 din ang kalaban namin, from the other section. Actually, grupo yun nina Jared.

Kilala nyo ba si Jared?

Sabi ko nga, hindi. Siya lang naman ang isa sa mga heartthrob dito sa X-University. At sya lang naman ang nag iisang crush ko. Well, since second year crush ko na sya, simula nung nagtransfer sila dito sa X-University kasama ang mga kaibigan niyang sina Francis, Nathan at Kyle, na crush din nitong tatlong kaibigan ko.

Wala namang masama sa crush 'di ba? Crush is just paghanga.

Silang apat ay heartthrob dito, at silang apat ang makakalaban namin ngayon sa debate.

Nung nakaraan kasi may nakalaban kami dito sa debate, four girls din. And you know what? Yung isang girl member doon na si Sherry ay kinaiinisan ko. Kasi kung makadikit yung babaeng 'yon dito kay Jared akala mo naman ay isang linta. Gustong gusto naman nitong si Jared. Close bestfriend daw kasi sila. Sus! Close bestfriend.

So, dahil sa inis ko sa babaeng yun, habang nagdedebate kami, binigyan ko lang naman sya ng isang pambihira at mahirap na katanungan. Sinigurado ko talaga na hindi niya masasagot 'yon ano.

Madali lang naman yung tanong ko eh, depende na lang talaga 'yon sa sasagot kung magaling siya. Binalibaliktad ko lang naman yung tanong ko eh, pinaikot ikot ko lang. Parang yung ex mo, pinaikot ka lang. Choss.

But unfortunately hindi nya nasagot, eh kakaiba pa man din ang rules ng debate dito.

Ang debate kasi dito ay...

Ang isang member ng
team A ay pipili ng isang member na nagmula sa team B, kung saan magbibigay sya ng katanungan dun sa pinili niyang tao at sasagutin naman nung taong 'yon. Then, sila na ang bahalang pagtalunan yung topic na 'yon. And once na hindi na makasagot ang sinuman sa kanilang dalawa, automatic na tanggal na siya.

No couching. Bawal tulungan ng sinuman ang dalawang taong nagdedebate, maging ang mga members nila ay nakikinig lang sa kanila.

Pero minsan yung iba pasimple silang nagcocouching. H'wag ka lang talagang magpapahuli dahil automatic na disqualified ang grupo mo.

For A While  | Completed Short Story |Where stories live. Discover now